Salamat pala sa mga nagbasa at nagcomment nung last chapter.. =D
A BOY’S STORY / A GIRL’s STORY
Written by Jordan Dula
A Girl’s Story: Chapter 8
Nagdaan ang mga araw na ganoon pa rin ang mga nangyayari, masaya lagi. Di na rin tumigil sa pagsusuyo sa akin s Michael, ewan ko lang ah, ang alam ko kasi nung una eh biruan lang iyon pero iba na ngayon, tila naging consistent na pagiging sweet niya sa akin na resulta eh palagi kaming pinagchichismisan ng mga kaklase.
“Ui, cheesy niyo naman!” pambubuyo ng mga kaklase namin.
“Kayo na ba?” dagdag pa ng isa.
“Di nuh!” sagot ko naman. “Dito? Kay Michael? Mag-madre na lang kaya ako?”
At iniwasan na nga lang ang pambubuyo nila. Pagkaupo namin eh na kinuha siya sa bag niya.
“For you.” Sabi niya. “Popcorn.”
“Ba’t popcorn naman ngayon? Dati nagbigay ka ng hopia at siomai sabi mo ‘HOPIA like it’ at ‘SIOMAI love for you.” Tanong ko sabay tawa.
“Bakit pag magbibigay kailangan palaging may meaning?” sagot niya.
“Hindi naman.” Sabi ko na medyo na-disappoint kasi nag-eexpect ako ng sweet thing na nakasanayan ko ng naririnig mula sa kaniya.
“Eto naman oh? Busangot ka kaagad.” Sabi niya sabay kurot sa pisngi. “Popcorn for you...”
“ ‘Cause you are always POPPING in my head!”
“Hala, corny ah!” sabi ko at nagtuloy-tuloy pa din ang kwentuhan namin, kulitan, asaran kaya nga minsan parang wala akong natutunan, ang memorize ko ang mga jokes na binabato ni Michael.
Pero kahit ganoon pa man, may kakaiba sa araw na ito...
May pinag-uusapan sina Michael at Carlo kanina pa, pero ayaw ishare sa amin ni Jake. Weird, kasi naman ang madalas mag-usap eh kami ni Michael at sina Jake at Carlo ang magkadikit.
“Ano’ng meron sa dalawang yan ba’t ayaw tayong isali sa usapan nila?” tanong ni Jake.
“Malay ko nga ba, parang may maitim na balak.” Sabi ko na puno ng pag-dududa.
At ayun na nga. Kaming dalawa ni Jake ngayon ang magkausap, magkatawanan. Ewan ko lang ulit ah? May anghel (Jake) sa harapan ko pero parang ‘yung demonyo (Michael, LOL ) ang hinahanap-hanap ko. :[
Ganun pa man, ayos lang naman, kahit na dry kausap ‘tong si Jake eh puno ng sense kausap. Kaya nga malapit nga loob ko sa kanya eh.
Nagpatuloy ang araw... discussion... ZzzZZzzZzzz... Kaantok naman si Mr. Gomez! Anu ba ‘yan?
LUNCH TIME!
“Nasaan na sina Jake at Carlo?” tanong ko kay Michael.
“Wala, di daw sila sasabay, may gagawin daw.” Sagot niya.
“K.” Sagot ko naman. HALA!! Nakausap ko lang sandali si Jake eh nahawa ako sa pagka-dry niya. LOL
“Sa Toll House tayo kain ngayon ah?” sabi ni Michael.
“ ‘Wag! Magtipid muna kaya tayo nuh? Andami natin kayang binabayaran ngayon katapos dun tayo kakain?” sagot ko lang.
“Ako bahala sa ‘yo! Treat ko!” sagot din niya at wala na nga akong nagawa kundi ang pumayag, alam ko naman kasing ‘di naman ako makakatanggi sa kanya dahil ipapamukha niya na wala naman sa kanya kung magastos man siya. Mayaman kasi. LOL, kaso ayoko kasi ‘tong feeling na palaging nililibre, kasi ayoko din nanglilibre kaya ayaw ko din ‘yung feeling ng nililibre. HAHA
Kumain na nga kami. As usual, kwentuhan. Pero iba ngayon si Michael, pormal ang dating...
“May sasabihin sana ako sa’yo.” Sabi ni Michael.
“Ano ba ‘yun? Kailangan ko bang kabahan? Pormal mo eh.” Sagot ko.
“Ewan.” Sagot niya
At tila magsasalita na dapat siya pero parang naputulan ng dila at di makapagsalita.
“Ano na?” tanong ko.
“Ah... Eh...” sabi niya. “ALABYU!”
At sabay halik niya sa akin sa labi at dahil sa pagkakabigla ay nasampal ko na lang siya.
Napatahimik siya. “Sorry.” Sabi niya na nakayuko. “Di ko sinasadya.”
Hanggang sa umalis na kami sa toll house at nagpatuloy sa klase. Pero di kagaya ng madalas, ‘di ko kinibo si Michael at ganun din naman siya. Ramdam ko naman ‘di talaga sadya ni Michael na manamantala, dahil kilala ko siya at alam ko hindi niya magagawa ‘yun. Kahit naman gabi-gabi ko pinagpantasyahan si Michael bago matulog eh nabigla talaga ako sa nangyari eh kaya eto. Dedma muna.
Pagdating ng uwian eh nagyaya si Michael dahil every Friday eh libot day namin but this time sa bahay daw nila kami tatambay. Di ako sumama dahil sa nangyari kanina sa Toll House, sinabi ko na lang kina Jake at Carlo na may aasikasuhin pa ako.
Pagkauwi ko sa bahay eh nagkulong ako sa kuwarto ko at tumulala... tumunganga... Ina-absorb ang mga pangyayari...
Itutuloy...
A Boy’s Story: Chapter 8
LUNCH TIME!!!
“Bes, nasaan na sina Michael at Shane?” tanong ko kay Carlo.
“Di daw sila sasabay kakain ngayon.” Sagot niya. “Ibig sabihin, masosolo na rin kita sa wakas!”
“Kahit naman kasama natin sila eh palagi mo nama akong sinosolo eh.” Sagot ko.
“Aba siyempre naman! Ako lang dapat ang natatangi mong BFriend.” Sabi niya.
“BFriend???” nabigla naman ako.
“Bestfriend! Bakit? Anu ba iniisip mo?” sabi niya sabay tawa.
Dahil sa pagtawa niya eh feeling ko ramdam niya iba ‘yung sekwalidad ko. Kainis! Ba’t kasi pa sinabing BFriend enuh? Pwede namang bestfriend na agad. Tsk!
Kainan na!
At ayun, as usual, binigyan ulit ako ng ulam ni Carlo. Ginaya ko naman siya.
“Eto oh, masarap, lechong kawali..” sabi ko at nilagay sa plato niya.
“Eh ang unhealthy lang kaya nito nuh.” Sabi niya.
“Edi bawiin ko nalang.” Sagot ko at kinuha nga sa plato niya at na bad trip. Sarap kaya, katapos gaganunin lang niya. Peyborit ko kaya ‘to nuh.
Nagpatuloy ang araw at di ko nga kinausap si Carlo.
2pm...
3pm...
4pm... (last subject!)
Tae! Kinausap ko na si Carlo! ‘Di ko matiis eh. At ayun, naging okay naman ang lahat. Good vibes na ulit ako. :]
4:15pm..
4:30pm..
4:45pm..
5:00pm..
DISMISSAL TIME! YEHEY! :]
Halos every Friday na ganito eh nagpupunta kami sa mga mall. Ayun, kainan, libotan sa iba’t ibang mga malls, punta sa mga arcade.
This Friday, di namin nakasama si Shane kasi may aasikasuhin daw siya.
Pero imbes na maglibot kami sa mga malls ay nagpunta kami sa bahay nina Michael.
Pagkarating sa bahay nila ay namangha ako ako ng sobra. Napakalaki ng palasyo nila, este ng bahay nila. Para kasing garden pa lang nila eh buong bahay na namin pero ‘di ako masyado nabigla dito dahil nasa mukha niya na mayaman siya eh pero ‘di ko lang talagang akalaing ang ganito kaganda ang bahay nila. Parang ‘yung bahay lang ni Kim Chiu na napanuod ko sa Kris TV pero mas malaki pa doon ang bahay nila Michael.
“Napakalaki at napaka ganda ng bahay niyo ah?” sabi ko na manghang-mangha.
“’Di nuh?! Maliit pa nga ‘yan eh...” sagot ni Michael. “Joke!”
“Maliit nga.. Malaki pa bahay namin dito eh.” Bulong ni Carl.
“Talaga?!” pasigaw ko lang na natanong dahil dinig na dinig ko ang bulong niya. Haha
“Joke!” sagot naman niya.
Nagstay kami sa kwarto ni Michael. Lumabas muna sandali si Michael para utusan daw ang yaya nila ng magluto ng makakain namin. At habang wala siya eh, pinakialaman ko ang mga gamit niya. Hahang si Carl naman eh nahiga lang sa king size na kama.
“Tigilan mo kaya pangingi-alam mo diyan.” Sabi ni Carl. “’Di naman sayo mga ‘yan eh.”
“Ayos lang naman siguro kay Michael, di naman maarte ‘yun.” Sagot ko lang habang pinangingi-alaman ko ang mga napakaraming stuff toys.
Wow, ang cu-cute naman ng mga stuff toys na ‘to. Pero ang OA lang sa dami. LOL
At ayun, wala na akong nagawa kundi samahan na nga siya dun sa videoke area. Walang nagkakanta nung mga oras na ‘yun. Pagkapunta doon ay nagpindot na kaagad ng kanta si Michael.
Pumasok sa kwarto si Michael sa kwarto at nagyaya muna siya na lumabas kami.
“Tara labas muna kayo diyan habang nagluluto pa si Yaya.” Sabi niya. “Videoke tayo dun sa sa living room.”
“Sandali lang.” Sagot ko habang si Carl eh tumayo sa pagkakahiga.
“Ang cute lang ‘tong mga stuff toys mo ah?” dagdag ko.
“Haha!” tumawa siya. “Mas cute pa kaya ako diyan nuh?”
“Hala! Kapal lungs?!” sagot ko naman at nagpumilit na nga siyang lumabas at magvideoke.
Pagkarating sa living room eh inabot sa amin ni Michael ‘yung songbook para makapili daw kami ng kakantahin.
“Hala! ‘Di man ako kumakanta.” Sabi ko pero tila wala lang siyang narinig at sinet-up lang niya ang videoke machine.
“Ako ng unang kumanta ah?” sabi ni Michael at pumindot ng numero.
“Hala, memorize lang numbers ng videoke?” bulong ko.
Nagflash sa TV ‘yung title at artist ng kanta...
SANA’Y AKO NA LANG
Six Part Invention
Heto na naman
Sulyap ng 'yong mata
Na nagsasabing, ika'y nag-iisa
Pinilit kong sabihin
Ngunit di ko magawa
Na magsabing gusto kita
Tuwing makikita ka
Ang damdamin ay hindi mapigilan
(Chorus)
May nagmamahal naba sayo?
Kung wala'y ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana'y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana'y ako nalang
Lagi kitang inaabangan
Baka sakali maka-usap man lang
Ngunit takot ang nadarama
Pag nariyan ka na
Pero naiinis pag may kausap ka ng iba
[ Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/s/six_part_invention/sanay_ako_na_lang.html ]
Laging nasa isip ka
Di na magbabago magpakailan pa man
(Chorus)
May nagmamahal naba sayo?
Kung wala'y ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana'y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana'y ako nalang
Hindi na magbabago ang puso ko
Ako'y magmamahal sayo ooh... ohh...
(Chorus)
May nagmamahal naba sayo?
Kung wala'y ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana'y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana'y ako nalang
Sulyap ng 'yong mata
Na nagsasabing, ika'y nag-iisa
Pinilit kong sabihin
Ngunit di ko magawa
Na magsabing gusto kita
Tuwing makikita ka
Ang damdamin ay hindi mapigilan
(Chorus)
May nagmamahal naba sayo?
Kung wala'y ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana'y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana'y ako nalang
Lagi kitang inaabangan
Baka sakali maka-usap man lang
Ngunit takot ang nadarama
Pag nariyan ka na
Pero naiinis pag may kausap ka ng iba
[ Lyrics from: http://www.lyricsmode.com/lyrics/s/six_part_invention/sanay_ako_na_lang.html ]
Laging nasa isip ka
Di na magbabago magpakailan pa man
(Chorus)
May nagmamahal naba sayo?
Kung wala'y ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana'y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana'y ako nalang
Hindi na magbabago ang puso ko
Ako'y magmamahal sayo ooh... ohh...
(Chorus)
May nagmamahal naba sayo?
Kung wala'y ako nalang
Lahat ibibigay sayo
Na walang alinlangan
Sana'y bigyan naman ng pansin
Ang puso kong ito
Kaya tanong ko lang
Kung may nagmamahal naba?
Sana'y ako nalang
Sa ganda ng boses ni Michael at ganda ng lyrics ng kanta eh ramdam na ramdam ko ang emosyon sa pangkakanta niya. Naramdaman ko na pinaghuhugutan siya ng emosyon at alam kong si Shane ang tinutukoy niya pero siyempre, di nawala ang ilusyon ko na ako ang kinakantahan niya kasi naman eh! Sa’kin sa ba naman nakatitig? Yiiih!
Erase. Erase. Erase! Hindi ako ang kinakantahan niya!!! Nahawa lang ako sa daydream syndrome ni Shane! Grrr!
Pagkatapos niyang kumanta eh pumalapak lang ako ng pagkalakas-lakas.
“’Kaw na talented!” sabi ko lang.
Lumipas ang oras na pinagusapan lang namin ang boses ni Michael samantalang si Carl tahimik lang.
“Problema mo Bes?” pag-uusisa ko.
“Wala.” Dry niyang sagot.
“Wala daw. Tahimik mo eh.” Pangungulit ko lang.
“Wala nga Bes. Gutom lang siguro.” Sabi sabay ngiting pilit.
Ba’t ‘di pa kasi sabihin noh? Hilig lang talagang magtago ng nararamdaman ‘tong mokong na ‘to. Bahala siya, mababaliw siya sa pagpipigil ng nararamdaman.
‘Pag kasi may nararamdaman ka eh dapat nilalabas mo kahit na maganda man ito o hindi. Dahil kapag isinarili mo ang nararamdaman mo eh ‘di mo na lang mamamalayan na isang araw eh sasabog ka na lang dahil may hangganan lahat ng tao, ‘di p’wedeng lahat ng emosyon kaya mong itago sa loob mo.
At dahil nga gutom na DAW si Carl eh kumain na kami.
“Hala! Piyesta ba?” tanong ko lang kay Michael dahil sa sobrang dami lang ng nakahaing pagkain. May appetizer, main dish, dessert, ETC. ETC.!
“Dami daw. Sakto nga lang eh.” Sagot naman niya.
“Nganga.” Sabi ni Carl at sinusubuan niya nga ako. Magsimula pa dati ay ginagawa niya na ito kahit sa school. Ewan ko nga ba dito, nakakahiya nga eh dahil pinag-uusapan na nga kami pero wala naman akong magawa, mapilit siya eh.
At nag-9:00pm na nga. Kailangan na naming umuwi kahit na nag-eenjoy pa akong kasama ang mga kaibigan ko.
“Sige, mauna na kami. Gabi na eh.” Sabi ko.
“Ah ganun? Dito na nga lang kayo magpalipas ng gabi?” sagot ni Michael.
“’Wag na. Nakakahiya atsaka baka mag-alala lang si Mommy dahil hindi ako nakauwi.” Sagot ko.
“Ah okay, sige.” Sabi niya. “Pero sandali lang ah.”
Tumakbo si Michael paakyat pero ‘di naman nagtagal eh nagbalik din siya kaagad. Napansin kong may tinatago siya sa likod niya pero ‘di ko na pinansin baka sabihin pakialamero ko naman. LOL
“Uhmmm... Bago kayo umalis, may gusto lang akong ibigay sa’yo Jake.” Sabi niya.
At pinakita na nga niya ang tinatago niya sa likuran niya.
“Etong stuff toy... Para sa’yo” At ngumiti lang siya ng napakatamis =)
Tinanggap ko ito pero wala na akong nasabi.
“Tara na? Gabi na oh!” pag-aapura lang ni Carl.
“Oh sige. Mauna na kami ah?” pagpapaalam ko. “Bye!”
Itutuloy...
2 Comments
Hey,.keep writing this story,mganda ang story mu,hopd ituloy tuloy mu e2,im gonna wait 4d nxt chapter of diz,gudluk
ReplyDeleteItutuloy ko po ung story but not at the moment, tinatamad pa eh XD
ReplyDelete