A BOY’S STORY / A GIRL’S STORY
Written by Jordan Dula
Note: This story is a fiction. Kung meron mang anong pagkakahalintulad sa buhay niyo o ng kakilala niyo, gaya ng pangalan, pangyayari at iba, ay maaaring nagkataon lamang at hindi sinasadya.
A Boy’s Story: Chapter 1
“Bye Mom! I have to go na.” Sabi ko kay Mommy.
“Sige, ingat sa pagpunta sa school.” Sagot ni Mommy.
First day of college life. Excited siyempre at the same time kinakabahan, hindi ko man kasi alam bakit sa BSNursing ang kinuha ko, basta nalang pumasok sa isip ko at sa tingin ko maganda naman ang kursong ito.
Ako nga pala si Jake Delos Reyes, 17 years old, tahimik at mahilig mag-isa, torpe, boring kasama. Never been in a relationship, siguro dahil na rin iyan sa broken ang family ko, ayaw kong pumasok sa isang relasyon na hindi ko nasisiguro na magtatagal at dahil na rin sa tinatago kong seksuwalidad.
Walang sinuman na nakakaalam na bisexual ako, as in wala! Claro?
Okay. Nakarating na ako sa school. Hindi na ako naligaw sa paghahanap ng silid-aralin ko dahil dito sa Holy Angel University o HAU din naman nag-high school.
Sa paglalakad ko, may bumabati dito, bumabati doon at nginingitian ko pero na masyadong pinapansin. Ganito talaga ako, suplado. Haha
Sa pag-akyat ko sa hagdan eh may magandang babae na nagmamadali.
“Hala, may aso ba?” mahina kong bulong sa sarili.
Pero ang weird niya, biglang bumagal ang takbo ng sobra at parang pagong na ngayon kung maglakad at ngumiti ng wagas sa akin. At higit pa sa lahat eh kumanta ng pamilyar na kanta pero ‘di ko na matandaan saan ko narinig.
“Hala! Buhay pa ata si Sisa.” Sabi ko sa sarili.
Tumuloy-tuloy na lang ako sa pag-akyat. Meron akong narinig na kaguluhan sa ibaba pero di ko na pinansin pa, alam ko naman kasing magulo lang talaga ang mga estudyante dito sa school namin.
“Hays... Kakapagod! Wala nagbago sa HAU, tinuring private tong school na ‘to pero di naman gumagana mga elevator. Grrr!” inis kong sabi na napatingin naman ang mga kasabay kong estudyante sa pag-akyat at nahiya naman ako kaya binilisan ko ang paglalakad.
6:30am. Nakarating ako sa room namin pero di ako pumasok dahil wala pang tao doon. Naisip ko baka hindi pa puwedeng pumasok since 7:00am pa lang ang pasok. Kaya tumulala nalang ako sa langit. Mga ilang sandali pa ee napansin kong dumarami na ang mga estudyante at umiingay na ng konti.
“Hi! Anong section ka?” sabi ng isang lalakingnapakaputi at artistahin ang dating.
Itutuloy...
A Girl’s Story: Chapter 1
Ang saya saya naman at pasukan na!
“This is the day I have been waiting for!” ang sigaw ng isipan at puso ko.
Ako nga pala si Shane Concepcion, 18 years old, masayahin, easy go lucky, madaldal at may kaartehan ng konte. Madami na rin akong naging boyfriend pero walang seryoso doon, wala lang, trip trip lang. Haha
Kursong kinuha ko ay BSNursing, andami nga nagtataka bakit ito ang kursong kinuha ko dahil sa hindi naman ito ng mga kaibigan ko at math ang favourite subject ko at lalo na hate na hate ko ang mga science subjects. Pero hindi nila alam, mamamatay ako kung hindi ito ang kukunin kong course, joke lang ‘yun ha. :P Basta, sigurado na ako na BSNursing ang kukunin kong course.
Napaka excited akong libutin ang school kahit na dito ako nag high school, kasi naman, may mga building na ‘di puwede ang mga high school students.
Umakyat ako sa 5th floor ng MGN building para makita ang school mula sa tuktok ng building. Hindi man ganoon kaganda ang tanawin eh nag-enjoy pa din ako dahil kita ko ang mga estudyante na tila excited sa pagpasok sa kanikanilang mga silid aralan at ang iba naman ay tila naliligaw.
**cellphone vibration
1 message received
Mariel Gonzales
6:23am
“Hoy Shane, nasaan ka na? Dumaan na dito sa student center ang crush mong si Boy Suplado. Dali mo, baka maabutan mo!” Text ni Mariel.
Pagkatapos kong basahin ang text message ni Mariel ay dali dali akong tumakbo para mahabol ang Prince Charming ko. Grabe, di pa man ako umabot sa may hagdan eh napagod nako pero tuloy tuloy sa ako takbo.
“Bwiset! Ba’t ba kasi hindi nakasindi yang elevator, ‘alang kwenta, anu ‘yan? display?” irita kong bulong sa sarili.
Wala na akong magawa kundi ang bumaba gamit ang stairs.
Sa pagmamadali ko ay bigla nalang akong natigil. Tila huminto ang mundo sa pag-ikot. Nangiti ako ng to the highest level! At napakanta ng hindi ko na namalayan dahil nakita ko ang love of my life.
“You and me, sitting on a tree, K-I-S-S-I-N-G.”
Itutuloy...
0 Comments