A BOY’S STORY / A GIRL’S STORY
Written by Jordan Dula
Note: This story is a fiction. Kung meron mang anong pagkakahalintulad sa buhay niyo o ng kakilala niyo, gaya ng pangalan, pangyayari at iba, ay maaaring nagkataon lamang at hindi sinasadya.
A Girl’s Story: Chapter 2
“You and me, sitting on a tree, K-I-S-S-I-N-G.”
“Hey! Daydream—“ natigil ako sa pagkakanta dahil nakaramdam ako ng matinding pagkahilo.
Dahil sa tindi ng hilo na aking naramdaman eh bumagsak na lamang ako. Naramdaman ko na nagkagulo ang ibang mga estudyante pero hindi ko na maintindihan ang mga sinigigaw nila at tuluyan na akong nawalan ng malay.
Nagising na lang ako ng nasa clinic na pero tila wala akong nararamdamang anong sakit. Maaliwalas ang pakiramdam.
“Gising ka na pala.” Sabi ng isang lalaki na tila gulat na gulat ako ng siya ang makita.
“J..Jake? Jake, ikaw nga!” napakasaya ko na siya pala ang nagbabantay sa akin.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong ko sa mala-anghel kong tagabantay.
“Ano bang ginagawa dito sa clinic? Nag-aangry birds?” sagot niya sa akin.
“Suplado naman nito..” bulong ko sa sarili.
Nang biglang may bumatok sa akin.
“Aray ko naman!” sigaw ko.
“Oh ayan, gising ka na?”
“Daydreamer ka na naman diyan eh” sermon sa akin ni Mariel.
At naantala nga naman ang aking pantasya.
“Eto naman oh.. Wala naman sigurong masama kung pagpapantasyahan ko si Jake Delos Reyes ko.” Pagtatanggol ko sa sarili.
“Anong wala?” sabi ni Mariel “Tignan mo nga, nahimatay ka dahil sa pagpapantasya mo kay Boy Suplado at ‘di na tayo nakapasok sa mga subjects natin. Sanang hindi na lang kita tinext na dumaan si Jake sa student center kanina.”
“Ayos lang noh, at least nakita ko siya this day at malay mo napansin niya ako kanina katapos na love at first sight siya sa akin.” Sabay ngiti ng wagas.
“Puro ka naman pantasya, kahit kelan. ‘Di mo ba alam na wala naming papupuntahan ‘yan? Di ka naman mapapansin nung supladong ‘yun noh. Kami nga halos na kaklase niya nung high school ‘di niya pinapansin, take note, kahit ‘yung muse pa namin kay ganda ganda. Unreachable kaya ‘yun.” sabi niya sa akin.
“Anu ‘yun? Cellphone? Cannot be reached?” biro ko.
“ Sabi nga nila... “Dreams are like stars...you may never touch them, but if you follow them they will lead you to your destiny.” So dahil siya ang pangarap ko, siya na ang gabay patungo sa nakatadhana sa akin which is alam kong siya na ‘yun!” Sabi ko na may ngiti sa labi.
Hindi na nagsalita pa si Mariel dahil alam niyang hindi naman ako makikinig at magpapatuloy pa rin ako sa wild imaginations ko, ewan ko nga ba bakit pinanganak akong ganito, ambisyosa. haha
9:30am na noon at maayos na talaga ang pakiramdam ko kaya napagdesisyunan na naming pumasok sa susunod na subject namin na 10:00am pero hindi kami magkaklase ni Mariel at ni hindi nga kami magkadepartment eh, Accountancy ang course niya. Hindi naman ako nanghihinayang na hindi ako nakapasok sa mga unang subjects ko dahil alam ko naman na puro pagpapakilala lang ang mangyayari sa first day of school.
Dahil wala pa naman 10:00am, naghintay ako sa room namin MGN 504, wala pang iyong mga kaklase ko dahil nasa Chemistry room pa siguro sila.
Grabe.. Kakabagot maghintay ah.. K
Itutuloy...
A Boy’s Story: Chapter 2
“Hi! Anong section ka?” sabi ng isang lalaking napakaputi at artistahin ang dating.
“Bakit?” tanong ko. Sasabihin ko sana section N-103 kaso umiral pagkasuplado lalo na di ko naman kilala.
“Ah, wala lang, wala kasi akong kakilala dito ni isa kaya makikipagkaibigan lang sana, pero sige, huwag na lang, mukhang ayaw mo eh.” Sabi niya ng medyo nakasimangot.
Napansin kong may mga teachers na paparating na sa kanikanilang mga silid-aralan at pumasok ‘yung lalaking nagtanong ng section ko sa room ng section namin, kaklase ko pala siya, hala!! Umupo ako sa pinakaharapan ng first row samantalang ‘yung lalaki kanina ay sa second column ng second row.
“Dito ka na lang.” Sabi niya habang sumesenyas na sa tabi niya nalang ako umupo.
“Dito na lang ako.” Ang sabi ko at ‘di ko na siya pinansin pa.
Nagsimula na ang teacher sa pagsasalita.
“Okay, let us start the day with an opening prayer.” Sabi ng teacher at siya na ang nag-lead ng prayer.
“I am Miss Maria Angela Yumul” pagsisimula niya “Our subject is General Chemistry, please check registration form if your class code the 1033, if not, you don’t belong in this class baka pasok kayo ng pasok sa klase ko eh hindi ko naman pala kayo estudyante, wala kayong grade na makukuha sa akin.”
Chineck namin ‘yung mga registration form namin. Mukhang wala namang naligaw na estudyante.
“So we will start by introducing yourselves first para naman magkakila-kilala naman tayo.” Dagdag ni Miss Yumul. “Let us start with the gentleman here in the first row.”
Nabigla ako dahil ako ang mauuna. Pero ganun pa man, tumayo na rin ako para matapos na. Pinapunta ako dun sa platform at sinimulan na ang pagpapakilala.
“I am Jake Delos Reyes, 18 years old, graduated here in HAU. ‘Yun lang po.”
“ ‘Yung lang? Why did you chose nursing as your profession?” tanong ni Miss Yumul.
“I.. I don’t know Ma’am, I don’t have any reason, dito ako dinala ng tadhana eh.” Sagot ko.
May narinig akong bumulong mula sa third row.
“Yuck, ke lalaking tao naniniwala sa tadhana.” Sabay tawa ng mahina.
“Anything else?” tanong sa akin ni Ma’am Yumul.
“Wala na po.” Sagot ko.
“Class, is there anything you want to ask Mr. Delos Reyes?” tanong ni Miss Yumul.
“None Ma’am...” sabay sabay na sagot nga mga classmates ko.
Nagtaas ng kamay ‘yung lalaking maputi kanina. “Mukha kang ‘di namamansin masyado, suplado ka ba?” tanong niya.
“Hindi naman ako suplado.. siguro?? ‘Di lang ako interesado sa mga interest ng karamihan.” Sagot ko.
Ano ba naming tanong ‘yun? Kabwiset, palagi nalang suplado ang impression sa ‘kin ng mga tao.
At ayun, pumunta na ako sa upuan ko at nagpatuloy ang pagpapakilala ng iba naming mga kaklase.
Di ko naman pinapakinggan ang mga nagpapakilala, wala akong pakialam sa kanila. Nandito ako para mag-aral hindi para kumilala ng ibang tao.
At dahil sa wala naman akong interest sa mga nagpapakilala eh tumulala na lang ako.
Maya-maya pa ay parang sabay-sabay nakurot ang mga babae at tumitili sila pero mahina lang at ang iba naman ay nagbulungan. Tinignan ko naman sino ang magpapakilala bakit sila nagkaganun.
“I am Michael Dominguez, 20 years old, graduated 2 years ago from Holy Family Academy, I stopped studying for 2 years because of some reasons.”
Siya pala ‘yung lalaki kaninang nagtanong ng section ko. Medyo napansin ko na may kagwapuhan siya talaga kaya ‘di kataka-takang nagharutan ang mga kababaihan pero di ko na masyadong pinagtuunan ng pansin baka kasi may makahalata pa, mahirap na. haha
“I chose nursing as my course kasi ‘yun ang sabi ni Mama eh.” Dagdag ni Michael.
“Mama’s Boy pala yang tinitilian niyo eh!” sigaw nung isa sa mga grupo ng lalaki sa bandang likod at tumawa ang buong grupo nila.
”Baka nainggit ka lang sa kanya, siya guwapo, ikaw ano?” pambabara nung isang babae na kanina’y tumutili nung magsimula na magpakilala si Michael.
At tumigil na sa kakatawa ang grupo ng kalalakihan. Umupo na rin si Micheal dahil wala nang nagtanong ng iba pa tungkol sa kanya marahil nahihiya pa magtanong ‘yung mga girls sa kanya.
Nagpatuloy ang pagpapakilala at nagpatuloy ang aking pagkakatulala.
“Okay, wala na bang hindi pa nagpapakilala?” tanong ni Miss Yumul.
8:45am. At natapos na rin ang boring na pagpapakilala.
“Our General Chemistry class is every Monday and Tuesday, Monday is for our 3-hour lecture and Tuesday is for our 3-hour laboratory. Since first day class pa naman, di muna tayo magsisimula, I know na nagbabakasyon pa ang mga isipan niyo. So, bukas, Tuesday, we will start our laboraty na.” Sabi ni Miss Yumul. “Sige, class dismissed.”
“Yehey!!!” sigaw ng buong klase.
Nagsimula ng magsilabasan ang kaklase ko kaya lumabas na din ako.
“Jake!!” sigaw ni Michael habang hinahabol ako. “Sandali lang!”
“Ano ‘yun?” tanong ko.
“Saan ka niyan magsstay? Mahigit pa isang oras bago ang next subject natin diba?” sabi niya. “Sama sana ako sa iyo, wala pa man kasi akong kakilala dito atsaka di ko alam pasikot sikot nitong university.”
“Wow, may guwapo akong makakasama ngayong araw na ‘to” sabi ko sa sarili.
“Sige,sa library sana ako pupunta eh.” Dagdag ko.
“Wow, wala pa man mag-aaral ka na?” tanong niya.
“Hindi, magpapa-aircon lang.” Sagot ko at natawa naman siya. “Pero kung ayaw mo, sa canteen nalang tayo magpalipas ng oras”
”Saan ba canteen dito?” tanong niya.
“Meron sa may bus terminal, sa may gym, sa may APS-JDN Building, sa may side ng SRH-SGH Building.” Sagot ko.
“Saan ang mga ‘yun, ‘di ko pa kasi memoryado ‘tong school?” tanong niya na tila parang maliligaw na siguro kung nag-iisa lang siya.
“I-tour mo nalang ako? Ayos lang ba sa ’yo?” tanong niya at sabay paawa effect ng mukha kaya naman ‘di na ako makahinde.
“ah.. Sige, okay lang.” Sagot ko pero sa loob loob ko, ano namang ito-tour dito sa school? Wala naman something special dito. Grrr!
“Salamat!” sagot niya sabay pakawala ng killer smile.
At nagsimula na nga ang tour namin. Kinuwentuhan ko din siya ng mga high school memories ko sa bawat facilty na nadaanan namin though di naman ganoong ka interesting.
“May pagkamadaldal ka din pala noh? Kala ko suplado ka at tahimik. Tahimik mo kasi kanina sa klase ni Miss Yumul eh.” Sabi akin ni Michael.
“Magtaka ka kung dumaldal ako kanina. Eh wala naman akong katabi, baka dalhin niyo pa ako sa mental.” Patawa ko lang.
“Sabi ko nga, di naman ako suplado, medyo lang” dagdag ko “Kaya masanay ka na, ‘wag ka na magtaka if magkasalubong tayo sa corridor katapos di kita pansinin” Sabay tawa.
“ ‘Wag naman, dapat palagi kang nakasmile at namamansin. Siyempre, ‘pag ikaw yung bumati katapos ‘di ka pinansin ng binati, anong mararamdaman mo?” sabi niya “Atsaka, dapat good vibes lagi kasi good vibes attracts positive energy and bad vibes attracts negative energy.” Sabay pakawala ng ngiting nakakalusaw.
‘Di nako sumagot pa, sumimple na lang akong tumitig sa kanya. J
9:50am. Natapos na din ang tour namin.
”Anong room ang next subject natin?” tanong ko kay Michael.
“MGN 504” sagot niya.
Itutuloy...
0 Comments