A BOY’S STORY / A GIRL’S STORY
Written by Jordan Dula
Note: This story is a fiction. Kung meron mang anong pagkakahalintulad sa buhay niyo o ng kakilala niyo, gaya ng pangalan, pangyayari at iba, ay maaaring nagkataon lamang at hindi sinasadya.
Pakilike po tong FB Fan page ko: http://www.facebook.com/pages/Jordan-Dula/158168774285688?sk=wall (Feeling ko naman eh may fans ako.. hihihi)
Pa-follow din po sa twitter: https://twitter.com/#!/JordanDula (‘Ala akong followers ni isa eh, kawawa eh no?)
Muli nagpapasalamat ako sa mga nagbabasa at sumusuporta ng aking ABS/AGS.
Salamat kina jhay rotia(ako din, suplado sa personal, haha), akosiea(thanks sa compliment!), R.J.(naisip ko po ito kasi everyone has their own story kaya di ko kinulong ‘yung story sa iisang character/story lang), kiero143 (kinilig din ako sa mga comments niyo, hehe, buti naman nagustuhan mo), j.v(pasensya na, ‘di na kita nabati dun sa chapter 2, nasubmit ko na kasi nun yung chapter 2 ng magcomment ka), clyde(thanks din sa compliment), at sa mga nag add sa akin sa FB at sa mga di ko na rin nabanggit, SOLOMOT!!
Aside dito, basahin din po natin (sa mga bago pa lang dito sa BOL at di pa nila nababasa) ang mga sinusulat nina akosiea (Estudyante/Second Chance) at Clyde(Ang Mahal Ko Ang Bestfriend ng Bayan).
Sa mga nalilito po sa narration ng story, kapag A Boy’s Story po, si Jake po ang speaker, kapag A Girl’s Story, si Shane po ang speaker.
And also, si Jake at Shane, graduated from HAU and si Michael naman po sa HFA.
At pasensya na rin kung maikli ang mga chapters, madali kasi akong madrain sa mga ideas.. haha atsaka, maikli lang ang story na naisip ko kaya medyo tinitipid para tumagaltagal naman ng konte. :P
Eto na po.. enjoy!! :D
A Boy’s Story: Chapter 3
”Anong room ang next subject natin?” tanong ko kay Michael.
“MGN 504” sagot niya.
“Tara, punta na tayo sa room, oras na din.” Sabi ko.
“Sige.”
At ayun, umakyat na nga kami sa 5th floor ng MGN Building, nagkukwentuhan. Kahit hindi ako palakwentong tao eh tuloy tuloy pa rin ako sa pagkukuwento, ang sarap kasi nung feeling na nagkukuwento ka at nakatitig lang at nakikinig sa ‘yo ang isang malaanghel na lalaki.
At nandun na nga kami sa tapat ng room. Bubuksan ko sana ang pinto pero may bumukas mula sa loob. Ang weirdo nung lalabas sana na babae kasi bigla siyang natulala.
“Excuse me Miss? Puwede dumaan?” sabi ko sa kanya at mukha namang naaalis ang kanyang pagkatulala.
“Ah.. Eh.. sorry.” Hiyang sabi nung babae at lumabas na nga siya at kami nama eh pumasok.
Andun na pala ang teacher pero mukhang kararating lang din kasi inaayos pa niya ang kaniyang gamit.
“Mukhang natulala sa’yo ‘yung babae kasi mukhang multo ang sumalubong.” Biro ni Michael sa akin.
“Kapag ba natulala multo na agad? ‘Di ba puwedeng Hunk muna?” Patawa ko lang sabay tawa.
“Haha, guwapo mo chong!” sagot niya habang papunta kami sa likuran kasi wala ng bakanteng upuan sa may harapan.
Sakto! May dalawa pang bakanteng upuan sa third row. Doon na kami umupo. Sa gitnang upuan naupo si Michael, ako naman sa dulo.
Nagpakilala na ang teacher namin. Siya si Mr. Mark Cruz. Sinimulan niya ang klase sa pagdarasal. Palaging ganyan dito, palaging nagsisimula sa dasal, Catholic school eh. J
Pagpapakilala nanaman ang ginawa namin dito sa Math class. Kakatamad na ah, favourite subject ko pa naman ang Math kaya gusto ko na sanang ipasimula na ang lesson kaso gusto muna ng teacher na pakilala muna. Mukhang hindi naman kami na estudyante ang tinatamad pa kundi ang teacher naming walang buhay magsalita. Ano ba ‘yan?!
Bumukas ang pintuan at bumalik na ‘yung babae kaninang natulala ng buksan ang pinto. Tumungo siya papunta sa amin. Umupo siya sa tabi ni Michael. Naku naman! Siya pala ang nakaupo doon sa upuan na may angry birds design na bag sa tabi ni Michael, malas nga naman oh, sa lahat ng makakatabi eh ‘yung weirdo pa, pero in fairness, maganda siya at sexy din. J
“Hello!” wika niya sa amin ni Michael.
“Hello din!” sagot naman ni Micheal na sinabayan niya ng ngiting matamis.
“I’m Shane pala.” Sabi niya.
“Ako naman si Michael, eto naman si—“ pagpapakilala ni Michael pero natigil siya dahil nagsalita agad si Shane.
“Jake..” nasabi niya habang pinupungay niya ang kanyang mga mata nhalata namang pilit.
“Bat mo alam pangalan ko?” pag-uusisa ko.
“Ah.. Eh.. Crush ka kasi nung kaibigan ko na nakaklase mo.” Sagot niya at bigla siyang namula.
“Eh ba’t ka namumula? Crush mo din ako nuh?” dagdag ko.
“Hindi noh!”
“kapag ba namumula crush na agad? ‘Di ba puwedeng rosy cheeks muna?” pagtatanggol niya sa sarili.
“Haha! Matindi ang pagka-rosy cheeks niya tol! Parang lipstick ni Anne Curtis!” pagpapatawa ni Michael at tila lalo pang namula si Shane at nagtawanan na nga lang kami ni Michael.
Tuloy tuloy lang ang pagpapakilala ulit ng mga kaklase namin. ‘Di kami nakikinig, nagdaldalan na lang kaming tatlo nina Michael at Shane kapag kasi madadaldal mga kaklase ko eh nahahawa ako kahit na tahimik talaga ang pagkatao ko.
“Okay, last three students na lang at dismiss na tayo.” Sabi ni Mr. Cruz na wala pa ring kabuhaybuhay kaya di namin napansin na kami na pala.
“ ‘Uy, kayo na!” sabi ng mga nasa harapan namin.
At ayun nagpakilala na nga kami at pagkatapos nun eh nadismissed na kami. Saktong 11:00am. Tig-isang oras lang ang Math subject namin pero three times a week naman.
LUNCH TIME NA!!
“Sabay na akong maglunch sa inyo? Puwede ba? Wala kasi akong makakasama eh.” Sabi ni Shane.
“Sige ba! Maglilibri ako ng lunch sige para naman sa mga bago kong friends!” sabi Michael.
“Ah.. Eh.. ‘Di ako sasabay muna kakain sa inyo ngayon kasi may business meeting kasi ako ngayon.” Sambit ko sa kanila.
“Wow, bigtime! Negosyante ka na tol?” tanong ni Michael.
“Hinde naman, small business lang, medyo mahirap na kasi panahon ngayon kaya kailangan ng sideline business.”
“Sige, una na ‘ko sa inyo!” dagdag ko.
Pero sabay na kaming lumabas ng school dahil sabi ni Shane eh siguradong walang bakanteng upuan sa mga canteen niyan, alam mo na, HAU canteens tambayan ‘yan ng mga high school students. Sa paglalakad namin eh sumumpong nanaman ang pagkatahimik ko, wala na akong sabihin eh.
At ayun, sumakay na nga ako ng jeepney papunta ng office. Pagpunta ko doon eh walang tao, buti nalang may sarili akong susi. Hinintay ko naman ang mga magiinquire tungkol sa business sabi nila ay 11:00am ay nandito na sila pero past 11:00am na ay wala pa sila, Filipino time nga naman oh pero wala na akong magawa kundi ang maghintay.
11:45am. Sa tinagal tagal ng paghihintay ko eh dumating na rin sila at agad agad ko nang sinimulan ang business presentation dahil baka malate ako sa susunod kong subject.
Natapos naman ag business presentation ng may magandang feedback, worth it ang paghihintay kaso oras na ‘di pa ako nakakain! Gutom nako!!!!
Itutuloy...
A Girl’s Story: Chapter 3
Nilagay ko ang bag ko sa bandang likuran habang naghihintay, ayoko kasing nasa harapan, palaging ikaw ang tinatanong ng teacher kapag nagdidisscuss. LOL
9:45am. Nagsimula ng magsidatingan ang mga kaklase ko. Salamat naman, kahit wala akong kausap sa kanila ay ayos na rin kesa sa nag-iisa lang ako sa room.
9:55am. Dumating na ang teacher namin, naisipan ko na mag CR muna upang umihi para ‘di nako lalabas pag nagsimula na ang teacher.
Sa pagbukas ko ng pinto ay natulala ako sa nakita. Ang ganda ng aking nakikita! I love the view! At gusto ko sumigaw ng “i love VIEW!” haha
“Excuse me Miss? Puwede dumaan?” sabi niya sa akin at naalis naman ang aking pagkatulala.
“Nakakahiya naman.” Iyan ang sabi ko sarili ko pagkalabas ng silid-aralan.
Nag-CR na ako at tinawagan ko muna si Mariel sa cellphone niya para ichika ang mga pangyayare.
“Sabi ko na nga ba sa ‘yo Mariel eh, my dreams will lead me to my destiny!” sambit ko na kinikilig pa din hanggang ngayon. Parang ‘di na matatapos ang kaligayahan ko dahil sa magkakaklase pala kami. “This really made my day!”
“Oh, sige na, sige na.. tama ka na, “Dreams are like stars...you may never touch them, but if you follow them they will lead you to your destiny.” “ sambit niya
“Hala! Minememorize mo pala mga quotations ko ah. Haha!” biro ko. “At mas malala ka pa, kanina ko lang ‘yan binanggit memorize mo na, ako isang lingo kaya inabot ko pagmememorize lang niyan!!”
Hindi na kami nagtanggal pa sa pag-uusap dahil dumating na daw iyong teacher nila kaya bumalik na rin ako sa silid-aralan namin.
“Yeah! Salamat naman at mejo late sila sa pagpasok at ‘yung dalawang bakanteng upuan sa tabi ko nalang sila makakaupo.” Sabi ko sa sarili ng makita kung saan nakaupo sina Jake at nung kasama niya.
At ayun na nga , umupo na ako.
“Hello!” wika ko sa kanilang dalawa.
“Hello din!” sagot naman nung kasama niya na sinabayan niya ng ngiting matamis samatalang si Jake naman ‘di ako pansin. KAINIS!
“I’m Shane pala.” Sabi ko nalang sa kasama ni Jake kasi naman ‘di man lang siya nakaharap sa akin kaya wala na akong magawa kundi sa kasama niya na lang ako magpakilala
“Ako naman si Michael, eto naman si—“ pagpapakilala niya pero natigil siya dahil nabanggit ko pangalan niya ng di sinasadya. Naku! ‘Pag nga naman naexcite ka kapag nakita mo ‘yung crush na crush mo ee hindi mo na alam ang dapat gawin.
“Jake..” ang nasabi ko nga habang pinupungay niya ang kanyang mga mata para magpacute kay Jake dahil napatingin siya nung nabanggit ko ‘yung pangalan niya.
“Bat mo alam pangalan ko?” pag-uusisa niya. Salamat naman at nagsalita din ang ungas.
“Ah.. Eh.. Crush ka kasi nung kaibigan ko na nakaklase mo.” Alibi ko at bigla akong namula dahil hindi ko napaghandaan ag pagkakataong ito na itatanong niya sa akin.
“Eh ba’t ka namumula? Crush mo din ako nuh?” sagot niya.
“Hindi noh!”
“kapag ba namumula crush na agad? ‘Di ba puwedeng rosy cheeks muna?” pagtatanggol ko sa sarili at bumanat nalang ng ala Vice Ganda para maalis iyong atensyon sa pamumula ko.
“Haha! Matindi ang pagka-rosy cheeks niya tol! Parang lipstick lang ni Anne Curtis!” pagpapatawa ni Michael at lalo akong namula nang sabihin niya iyon at nagtawanan sila.
Nakakahiya!!! Sa harapan pa naman mismo ng crush ko eh ganun ang nangyare. Grrrr!
Tuloy tuloy lang ang pagpapakilala ng mga kaklase namin. ‘Di kami nakikinig, nagdaldalan na lang kaming tatlo nina Michael at Jake. Ang saya saya ko! Puwede na magunaw ang mundo, handa na ako!! haha
“Okay, last three students na lang at dismiss na tayo.” Sabi ng Math teacher namin na ‘di ko alam ang pangalan dahil sa sinimulan nap ala ang klase nung kalabas ko. Napansin ko na walang siyang kabuhaybuhay mula pa kanina kaya di na namin siya pansin.
“ ‘Uy, kayo na!” sabi ng mga nasa harapan namin.
Sinabi ko na mauna na sila.
Tumayo na si Jake at pumunta doon sa platform.
“Ulit, magpapakilala nanaman ako sa inyo. Ako si Jake Delos Reyes, 17 years old, graduate ng High School dito sa HAU at walang maisip na dahilan bakit nursing ang kinuha kong course. At higit sa lahat, naniniwala sa destiny!” pagpapakilala ni Jake na tinitigan ko ng malupet.
Bagay talaga kami, destiny na kami ay magkatuluyan and we will live happily ever after! :)
Sumunod naman nagpakilala si Michael. Napansin kong may kaguwapuhan din ‘tong si Michael at pala ngiti pa di katulad netong si Jake, flat affect lagi. Hays, pero ayos lang, alam ko na ako ang gugulo sa napakatahimik niyang mundo. :)
At natapos na nga si Michael. Pagkakataon ko naman, feeling ko naman napaka special ko kasi parang nawala na ‘yung antok sa mga mukha ng mga kaklase ko nung ako na. Ganda ko ‘te!
“Ako nga pala si Shane Concepcion, 18 years old, masayahin, easy go lucky, madaldal at higit sa lahat maganda, graduated here at Holy Angel University. ‘Yung reason ko bakit nursing ang kinuha kong course eh secret ko na ‘yun! ‘Yun lang!” pagpapakilala ko. “Kapag nag elect na tayo mga class officers, ako iboto niyong Muse ah, at si Jake naman ang escort ko, perfect match ‘di ba?! haha, biro lang :P”
“Hala, college na tayo, kailangan pa ba ng muse at escort? Lakas na sabi ni Carlo, isa sa mga makulit naming mga kaklase na may pagkamayabang ang dating.
“Wala na ‘di ba?” nagbulungan nga ang mga kaklase ko na inaasahan ko naman. Nagpapansin lang ako sa Muse and Escort thing na ‘yun. Boring ng klase eh.
Saktong 11:00am at natapos na ang klase. Tig-isang oras lang ang Math subject namin pero three times a week naman.
LUNCH TIME NA!!
“Sabay na akong maglunch sa inyo? Puwede ba? Wala kasi akong makakasama eh.” Sabi ko kina Jake at Michael.
“Sige ba! Maglilibri ako ng lunch sige para naman sa mga bago kong friends!” sabi naman ni Michael.
“Ah.. Eh.. ‘Di ako sasabay muna kakain sa inyo ngayon kasi may business meeting kasi ako ngayon.” Sambit ni Jake na nagpasimangot naman sa akin.
‘Kala ko pa naman makakasabay ko na magluch ang prince charming ko.
“Wow, bigtime! Negosyante ka na tol?” tanong ni Michael kay Jake.
“Hinde naman, small business lang, medyo mahirap na kasi panahon ngayon kaya kailangan ng sideline business.” Sagot ni Jake
“Sige, una na ‘ko sa inyo!” dagdag pa niya.
At sumabay na nga kami sa paglabas ng school kay Jake dahil alam ko naman na puno ang mga school canteen ng mga high school students. Napansin ko naman na bumalik pagkasuplado niya dahil ang seryoseryoso ng pagmumukha niya at ‘di nagsasalita na kanina lang ay ang daldal sa classroom.
“Oh sige, dito na lang ako.” Sabi ni Jake at sumakay na nga ng jeepney.
At samantalang kami naman ni Michael eh nag-isip kung saan kami kakain. Pumunta kami ng Nepo Mall upang doon na lang tumingin kung saan kami kakain dahil sa malapit lang iyon at walking distance lang.
Karating namin ng mall eh sa KFC ang napili namin pagkainan.
Umupo muna kami at nagkuwentuhan, dalawang oras naman kasi ang lunch break kaya ‘di namin kailangan magmadali sa pagkain. Sa pagkukuwentuhan namin ay napansin ko ang palangiti niyang mukha, napaka aliwalas. Napansin kong mas guwapo pala ‘tong si Michael kaso walang dimples kagaya ni Jake na gustong gusto ko natititigan dahil bibihira ko lang nakikita iyon sa kanya.
Ilang saglit pa ay naramdaman na namin ang gutom kaya nag order na kami.
“Ano’ng gusto mo?” tanong ni Michael sa akin.
“ Wow Steak na lang.” Sagot ko.
“’Yung lang?” tanong pa niya. “Sige, upo ka nalang, ako nalang mag-oorder.”
At umupo na nga lang ako at naghintay. Hindi naman tumagal at bumalik na siya at daladala ang mga inorder niya. Napansin ko na andami niyang inorder.
“Mauubos mo ‘yan?” tanong ko.
“Oo, mauubos... NATIN!” sabi pa niya.
Hala, diet pa naman ako para maging sexy at mapansin ni Jake kaso ano pa nga naman ang magagawa ko, eh naorder na niya, nakakahiya naman kung sasayangin lang namin, libre pa naman niya.
At natapos na ang pagkain namin. BUSOG!!! Busog na ang tiyan, busog na busog pa kami sa kuwentuhan. Doon pa lang na nakita ko na na masayahin, kalog itong si Michael, buti na lang siya ang makakasama ko ngayong college.
Tumayo si Michael. “Magte-take lang ako sandali ah.”
“Oo, sige.” Sagot ko naman na nagtataka... di pa ba busog ‘yun? Weird.
Pagkabalik niya eh napansin kong full meal ang tinake out niya.
“ ‘Di ka pa ba nabusog sa kinain natin?” tanong ko.
At sumagot siya “Ah, di sa akin ‘to, kay Jake.”
Itutuloy...
2 Comments
Ang sweet naman ni Michael! :) Kawawa naman si Shane. hahaha!
ReplyDeletePag-aagawan pa talaga si Jake. Sino kamukha ni Jake?
Keep it up Jordan. :) Inadd kita sa FB. Add mo ako ha.
Aabangan ko na stories mo. :D
:D
ReplyDeletegaling ah. :) nakakatuwa talaga hehe..kasi, unique yung dalawang boses nung kwento. kahit na first 3 chapters pa lang, hindi nakakasawa yung pagbasa sa pag-ulit ng narration ng same event kasi may character talaga yung boses ni Jake at Shane. galing talaga ng naisip mo dito.
saka maganda yung pagkadevelop mo ng story so far. keep it up :) sarap basahin e.