A BOY’S STORY / A GIRL’S STORY
Written by Jordan Dula
Note: This story is a fiction. Kung meron mang anong pagkakahalintulad sa buhay niyo o ng kakilala niyo, gaya ng pangalan, pangyayari at iba, ay maaaring nagkataon lamang at hindi sinasadya.
Basahin din po natin ang gawa din nina "akosiea" at "clydoscope".
A Boy’s Story: Chapter 4
12:30pm na nung matapos kong ipresent ang business. Wala ng time kaya bumili na lang ako sa 7-eleven na malapit sa school namin ng bottled water at dalawang pirasong biscuit.
At pumunta na ako sa room namin. Pagkadating ko ng room ay si Carlo pa lamang ang nasa loob ng silid-aralan.
Pagkaupo ko sa aking silya ay ngumiti siya sa akin at sinabing “Hello!” pero ‘di ko pinansin na tila wala akong nakita’t narinig. Narinig ko siyang bumulong pero ‘di ko na inintindi pa dahil ‘di pa naman kami close at gutom ako, wala ako sa mood makipagbatian.
Lumapit siya sa akin “Hello, sabi ko.” Sa mismong tapat ng mukha ko.
“Hello.” Sabi ko na lang para tumahimik ang mokong, ang kulet eh.
“I’m Carlo pala.” Sabi niya.
“Okay.” ‘Yan lang ang sinagot ko.
“Oh, ‘di ka man lang ba magpapakilala sa akin?” tanong niya sa akin.
“Jake.”
“Mukha ka wala kang kibo? Kanina sa Math class natin kayong tatlong nina Michael at Shane ang pinakamadaldal ba’t para atang naputulan ka ng dila?”
“Pake mo?” pagsusungit ko sa kanya. Gutom na ako eh, wala ako sa mood makipag-usap.
Natahimik si Carlo. Mukhang napahiya sa akin. Lumabas siya ng silid-aralan.
‘Di naman tumagal ay bumalik din si Carlo, pero kasama na ang ibang kaklase namin na puro kalalakihan.
“Parang wala sa mood si Joyce oh!? Este Jake pala. Wala kasi ata ‘yung BF niyang si Michelle, ayayayayyyy.. este Michael” sabi ni Carlo at nagtawanan ang buong grupo nila.
Bigla na lamang kumunot ang noo ko at nabigla sa sinabi niya. Uminit ang dugo ko sa kanya pero pinagpasensyahan ko na lang. Ayokong maalis ang magandang imahe ko sa university na ito, binigyan pa man din ako ng certificate na “Most Behaved Student of Batch 2010” tapos bigla lang akong makikipag-away.
Maya-maya pa ay dumating na sina Michael at Shane. Napansin ko ang hawak-hawak ni Michael at lalo akong nagutom, naku po!!! Itago mo ‘yan baka lantakan ko ‘yan. Oh my!
“Jake, para sa ‘yo pala. Naisip ko kasi baka ‘di ka pa nakakapaglunch kasi may business meeting ka pang pinuntahan kanina kaya pinang-take out na kita ng KFC.” Sabi ni Michael.
“Wow! Salamat!” ang aking naibulaslas. ‘Di ko malaman kung paano niya nalaman na gutom na gutom na ko. Siguro, siya na nga ang kalahati ng puso ko kaya naramdaman niya din ang pagkagutom ko, siya na nga siguro, siya na... ang tadhana ko, ayeee! :D (Kilig lang ako.. pero pinigilan kong ilabas ang nararamdaman ko, baka anong isipin niya pati na rin ni Shane.)
Nilamon ko na ang dalang KFC ni Michael. Baka dumating na kasi iyong teacher namin kaya, lamon lang! Wala nang hiya hiya ‘to!
“Para kang baboy kumain.” Biro ni Michael sabay tawa na kitang kita ko na manghang mangha siya sa laki ng subo ko. Ooopppppsss! SUBO. Ahem, KFC po sinusubo ko ah.. :P haha
Ang cute talaga ng titig niya. Parang kami lang dalawa sa silid-aralan at tila walang Shane na nag-eexist.
Balik na uli ang mood ko! :) May Michael na, may pagkain pa!
Naalis na ang bad vibes na dinala sa akin ni Carlo. Good vibes ulet. Nagsimula nanaman kaming magdaldalan nina Michael at Shane habang kumakain pa ako. Ewan ko nga ba, ‘pag dating sa kanila eh napapadaldal na rin ako. Magaan na talaga ng loob ko sa kanila kahit first day pa lang ng klase.
Dumaan si Carlo sa aisle malapit sa aisle namin para pumunta sa upuan niya, sa may bandang likod din kasi siya nakaupo.
“Sumaya na ulit si Joyce kasi nandiyan na si Michelle.” Pasaring ni Carlo sa akin na muling nagpaalis sa maganda kong mood.
‘Di naman naintindihan ni Michael ang sinabi ni Carlo dahil kitang kita ko ang pagkainosente sa mukha ni Michael pero kita ko na nagtaka silang dalawa ni Shane dahil sa alam naman nila na wala kaming kaklaseng Joyce at Michelle pero ‘di na nila pinagtuunan iyon ng pansin dahil pumasok na yung teacher namin.
Nagtuloy-tuloy ako sa pagkain, pero di ako binawalan teacher. Buti na lang! :D
Ganun lang ang nangyari sa buong araw. Puro pagpapakilala, walang ni isang nag-start na magdiscuss ng lesson.
Sabay na kaming umuwi ni Michael dahil parehas kaming sa San Fernando nakatira, si Shane naman ay sa Balibago kaya ang sinakyan namin ni Michael ay Villa Pampang na jeepney na kulay dilaw si Shane naman ay ‘yung Checkpoint Highway na kulay Blue.
Walang imik ang aming pagbibiyahe ni Michael. Gusto ko man magsimula ng isang kuwentuhan ay ‘di ko na nagawa dahil napansin kong busy siya sa kakatext kaya naman tinitigan ko nalang siya pero ‘di niya na siguro ‘yun napapansin dahil nga sa busy siya sa cellphone niya. Haysss, sana cellphone na lang ako. Basic need na nga ang cellphone ngayon, mula sa paggising hanggang sa pagtulog eh cellphone pa din katapat ng mga tao kaya naman ‘di ako nagkamali na magandang sideline business nga ang universal loading na pinasukan kong business.
Bumaba kami sa terminal ng jeepney dahil kailangan pa naming sumakay ng panibagong jeepney bago makarating sa patutunguhan namin.
Nagpatuloy ang katahimikan kaya nagkunyakunyarian na lang ako ng nagtetext din. Awkward kasi na nakatitig lang ako sa kanya buong biyahe baka makahalata ang mokong, patay ako na’ko nun, baka biglang mandiri at lumayo sa akin.
‘Di na rin tumagal eh nasa Hacienda Royal nakami, doon siya nakatira, kaya bumaba na siya.
“Sige, una na ako.” Sabi niya na may kakaibang ngiti. Ngiti ng isang taong parang in love.Weh? Baka naman imagination ko lang ‘yun, baka simpleng ngiti lang, binigyan ko lang ng malisya.
Saktong pagkababa niya, kinuha ko ang cellphone ko at nagtext.
“Ingats!” text ko sa kanya.
“ Ingat din! :D ” reply niya na may kasamang smiley na nagpangiti sa akin.
Ilang saglit pa ay bumaba na rin ako, ‘di naman kasi kalayuan ang Hacienda Royal sa Baliti na kung saan ako nakatira.
“Para po.” Sabi ko sa driver.
“May bababa?” sagot ng driver.
“Aakyat? Aakyat? May 2nd Floor?” pabiro kong sabi na natawa naman ‘yung ibang mga pasahero kahit gasgas na joke na ‘yun dahil sa palagi kong naririnig.
At lumipas nga ang araw na puno ng saya dahil sa mga bagong kaklase at kaibigan. Naging mahimbing ang tulog ko dahil sa akap akap kong unan sa pagtulog.
Kinabukasan ay maaga nanaman akong pumasok, mga 6:15am pa lang ay nasa school na ako. Ayaw na ayaw ko kasi ang nale-late at dahil diyan eh tumuloy na ako sa Chemistry laboratory na sinabi kahapon ni Miss Yumul kung saan namin gagawin ‘yung experiment namin.
Pagkadating sa school eh si Carlo nanaman ang nadatnan ko doon. Ano ba ‘yan? Kakasimula pa lang ng araw eh panira kaagad nadatnan ko.
“Hello!” bati niya sa akin pero ‘di ko na pinansin.
As usual, ‘di ko siya pinansin.
“Galit ka ba? Nagjo-joke lang nama ako kahapon eh, napansin kong wala ng ka sa mood. Di ka naman bading ‘di ba pare?”
Lumapit siya sa akin at nag-alok ng lollipop.
“Peace na tayo?” sabi niya sa akin na may paawa effect ang loko pero ‘di ako nagpatinag, ‘di ko pa din siya pinansin hangga’t sa nagsimula nang magsidatingan unti-unti mga kaklase ko at ‘di na niya nga ako kinulit pa.
‘Di naman ako galit kay Carlo, inis lang. Papatawarin ko na sana siya kaninang nag-aalok siya ng lollipop kaso ‘yung inaalok niya eh yung tag-pipisong lollipop lang na may chewing gum sa loob, eh ayoko ng chewing gum eh.
“Mag-aalok na nga lang ng peace offering ung tagpi-piso pang lollipop, ba’t di man lang Chupa Chups, baka ‘yun eh tinaggap ko pa!” sabi ko sa sarili.
Maya-maya pa ay nandiyan na rin si Shane.
“Ang aga mo ah?” bungad ko sa kanya.
“Ah.. Eh.. ‘Di kaya! 6:30am na rin kaya.. Atsaka, ikaw din naman ah, aga-aga mo.” Pagtatanggol niya sa sarili.
“Ang weird ni Carlo noh? Ang yabang yabang niyang umasta pero ‘pag nag-iisa mukhang senti ang dating.” Dagdag niya.
“Nag-iisa?” tanong ko naman.
“Oo, nasa labas, nakatulala sa langit, mukhang malalim ang iniisip.”
‘Di ko alam pero naapektuhan ako sa sinabi ni Shane tungkol kay Carlo. Bakit ba? ‘Di naman kami close ah? Nakokonsensiya lang siguro ako dahil sa alam ko na may connect ‘yung pagsusungit ko kanina kaya siya nagkaganun kasi naman kanina ang saya saya pa kaya ng mukha niya.
Itutuloy...
A Girl’s Story: Chapter 4
“ ‘Di ka pa ba nabusog sa kinain natin?” tanong ko.
At sumagot siya “Ah, di sa akin ‘to, kay Jake.”
“ ‘Di ba business ‘yung pinuntahan niya? Baka ‘di na siya nakakain kaya nagtake-out na ‘ko para sigurado, atsaka para fair, ikaw nilibre ko, dapat pati din siya.” dagdag niya ng may ngiti sa labi.
Napaisip ako, ang thoughtful pala ni Jake. Kahit ‘di na namin kasama si Jake eh naalala pa niya rin ito. Ako nga na may crush sa kanya eh halos nawala na siya sa isipan ko dahil sa sarap ng kuwentuhan at sarap ng libre, syempre!!! Haha, minsan lang ‘to kaya enjoyin ko na dapat.
At oras na nga, kaya tumungo nakame sa school.
Pagkadating namin sa room eh nakita namin si Carlo sa labas ng room, tila nagmumuni muni, ang weird niya ang, ang yabang yabang kaya ng asta niya kanina sa Math class. Pero ‘di na namin ito pinagtuunan ng pansin dahil sa ‘di naman kami close.
Nadatnan namin si Jake sa room na siya palang mag-isa, mukhang wala sa mood at matamlay.
Ibinigay ni Michael ang dala niyang KFC at nakita ko sa mukha niya ang sabik kumain. ‘Di nga nagkamali si Michael, ‘di pa nga nakakain si Jake. Parang kambal lang sila, parang naramdaman ng isa ang gutom na naramdaman ng kakambal. Ang cute!!!
Pinagmasdan namin ang pagkain ni Jake, pinagmadalian na niya ang pagkain dahil sa malapit na matapos ang lunch break. Kaya nilamon niya nalang ng nilamon pero imbes na maturn off ako sa parang baboy lumamon eh lalo pa akong naturn on sa kanya.
First day pa lamang ay napapansin ko na magugulo na ang mga kaklase ko, ingay sa room eh,may magpapatawa na lang ng bigla.
Pero biglang natahimik ang klase ng pumasok ang teacher namin si Jake naman, ‘di nagpaawat sa pagkain pero ‘di naman siya binawalan ng teacher namin kaya pinagpatuloy lang niya ito.
Ganoon pa din ang activity namin sa lahat ng sumusunod na subjects, nagpakilala ulet, nakuha ko ng mamemorize ata lahat ng pangalan nila eh. Pero gaya kanina sa Math class, daldalan lang kami nina Michael at Jake.
DISMISSAL TIME!!!
Ayyy, uwian na. Nalungkot ako bigla, enjoy na enjoy akong kasama sila eh. Buti pa si Michael, kasabay sa pag-uwi si Jake dahil sa parehas sila sa San Fernando nakatira at ako naman ay sa Balibago.
Mag-isa man ako sa pag-uwi ay hindi ako nainip sa biyahe at dahil ‘yan sa nagtetextan kami ni Michael, tuloy tuloy pa din ang kulitan. Gusto ko sanang itext din si Jake kaso naisip ko naman baka masyado na akong halata sa nararamdaman ko.
“Alam mo, napansin ko kanina nung pinag-pass tayo ng ¼ sheet of yellow paper kanina sa Math class, may kulang dun sa pangalan mo na pinass mo.” Text ni Michael.
“Huh? Talaga? Ba’t ‘di mo ko sinabihan napansin mo pala.” Reply ko.
“Oo. Kulang talaga siya.” Sabi niya ulet
“Ano namang kulang?” reply ko.
“Apelido ko :P ” text niya at nangiti naman ako, bolero siguro ‘tong si Michael, andami alam na pickup lines eh.
“Haha, natawa ako dun ha? Siguro andami mo nang napaiyak na babae noh?” reply ko sa kanya.
“ Wala pa akong pinaiyak na babae huh!” text niya.
“Weh?” reply ko sa kanya. Halata naman na marami na siyang nagiging girlfriend eh, gwapo kaya din niya ang puti pa.
“Oo kaya, totoo yun, wala pa akong pinaIYAK na babae, pinaLIGAYA, madame, SOBRA!!!” text pa niya.
Hanggang sa pag-uwi at sa pagtulog ko eh hindi natapos ang pagtetext namin sa isa’t isa.
Good start ito sa pagsisimula ng school year. Masaya, sana magtuloy tuloy ito!
Kinabukasan eh inagahan ko ang pagpasok sa school dahil tinext ako ni Mariel na early bird itong si Jake kaya ayun! ‘Di na ako nag breakfast sa bahay, nagbaon nalang ako ng sandwich.
Pagkadating ng school ay maraming mga bumabati, bumati din naman ako pero ‘di na ako nakipag chikahan gaya nung high school, pakikipagchikahan ang unang inaatupag. Umakyat na ako sa Chemistry Laboratory dahil sigurado doon lang naman tatambay ‘yun ayaw kasi nun magstay sa mga maiingay na lugar gaya ng student center. Oh? Di ba? Alam na alam ko likes and dislikes niya! May source eh, salamat Mariel!
Kaakyat ko ay si Carlo nanaman ang nakita ko sa corridor, nakatulala nanaman sa langit gaya kahapon at halatang malungkot siya.
Tumuloy na ako sa loob ng Chemistry room.
“Ang aga mo ah?” bungad sa akin ni Jake.
“Ah.. Eh.. ‘Di kaya! 6:30am na rin kaya.. Atsaka, ikaw din naman ah, aga-aga mo.” Pagtatanggol ko sa sarili. Di ko naman masabi na inagahan ko talaga para lang makita siya.
“Ang weird ni Carlo noh? Ang yabang yabang niyang umasta pero ‘pag nag-iisa mukhang senti ang dating.” Dagdag ko para maalis sa akin ang usapan at baka makahalata pa siya na obsessed na obsessed ako sa kanya.
“Nag-iisa?” tanong niya naman.
“Oo, nasa labas, nakatulala sa langit, mukhang malalim ang iniisip.”
Nakita ko ang concern sa mga mata ni Jake nung sinabi ko na nakatulala si Carlo at mukhang malungkot pero napansin ko namang iniba niya ang usapan, halata kaya, sobrang walang connect kay Carlo o kaya sa pagtututulala niya sa langit o kung anuman.
Hmmm... Totoo kaya yung mga haka-haka noon nung high school kami tungkol sa kanya? Hindi! Hindi Pwede!!!
Itutuloy...
0 Comments