Written by Jordan Dula
Note: This story is a fiction. Kung meron mang anong pagkakahalintulad sa buhay niyo o ng kakilala niyo, gaya ng pangalan, pangyayari at iba, ay maaaring nagkataon lamang at hindi sinasadya.
Pasensiya na po, feeling ko ‘di maganda ang pagkakasulat ko nitong kabanatang ito pero nung naimagine ko naman ang scene na ‘to nung New Year’s Eve eh ang ganda ganda. LOL. ‘Di ko siya masulat as exactly the way I have imagined it. Haha
Again, papasalamat ako sa mga nagko-comment na sina: j.v; Hotako D 220; Jun; ramy from Qatar;Robert_mendoza94@yahoo.com; dereck; Chris; -cnjsaa (sige, kaw na may mahabang comment, haha); --KEVS ^_______^; R.J.; ram; at MARGE!!! Hala, bat napunta ka sa site na ‘to? LOL
jhay rotia ('di ka ba nag comment, ang pagkakaalala ko nagcomment ka ng mahaba kaso di ko makita. LOL)
Pati na din sa mga silent reader(s) [kung meron lang naman], kung wala eh salamat pa din :) haha.
Anyways, enjoy reading! ^^,
A Girl’s Story: Chapter 5
“Nag-iisa?” tanong niya naman.
“Oo, nasa labas, nakatulala sa langit, mukhang malalim ang iniisip.”
Nakita ko ang concern sa mga mata ni Jake nung sinabi ko na nakatulala si Carlo at mukhang malungkot pero napansin ko namang iniba niya ang usapan, halata kaya, sobrang walang connect kay Carlo o kaya sa pagtututulala niya sa langit o kung anuman.
Hmmm... Totoo kaya yung mga haka-haka noon nung high school kami tungkol sa kanya? Hindi! Hindi Pwede!!!
Mamamatay ako ‘pag nangyari ‘yon! Oh my!
Dahil sa wala pa naman ang time eh inalok ko si Jake sa sandwich na dala ko.
“Gusto mo?” wika ko.
“Siyempre naman, blessings ‘yan, ‘di dapat tinatanggihan.” Sagot naman niya at natuwa naman ako dahil sinadya ko talagang dalawang sandwich ang baunin ko.
Yey! Makakasabay ko na siyang kumain sa wakas! At take note, kami lang dalawang kakain. Haha, ang sweet lang ng scene na ito, parang ‘yung mga telenovela kong pinapanood lang sa TV.
Inimagine ko na nasa isa kaming romantic dinner date, with rose petals everywhere and with matching candlelight pa!
Pero naudlot ang aking pagpapantasya dahil dumating na si Michael. Putik naman oh!
“Ay, kala ko masosolo ko na si Jake” iyan ang nasa loob-loob ko.
“Wow, sarap naman ata niyang sandwich ah, pakagat naman oh?” sabi ni Micheal sa amin.
Nagtinginan kami ni Jake kung kaninong sandwich ang sandwich na ipapagkagat sa kanya.
Pero humarap sa akin si Michael at ibinuka ang bibig. “Patikim” sabi niya.
Ibinigay ko sa kanya ang sandwich. “Oh ayan, kagat kana.” Badtrip kong sabi dahil di ko man lang naenjoy ‘yung moment na kami lang dalawa.
Ibinalik niya naman sa akin ang sandwich at sinabing “Subuan... please?” sabi niya at nagmake face na nagmamakaawa.
Pagkabigay sa akin ni Michael ng sandwich sabi ko “Ayoko nga! Para ka namang bata niyan eh.”
“Sige na please?” pangungulit niya. Si Michael ang tipo ng makulit pero hindi nakakainis, ang pagkamakulit na parang hinahanap-hanap din, ‘di kagaya ng iba nakakabanas! Pero kahit ganun pa man ay hindi ko pa din siya sinubuan dahil sa naiilang ako at baka ano pa isipan ng iba naming kaklase. Ang ginawa ko nalang eh, dinilaan ko ang buong sandwich.
“Oh? Gusto mo pa?” tanong ko at tumawa lang kami nina Jake dahil sa reaksiyon ni Michael na lubhang nandiri.
“Kadiri ka naman Shane!” sabi niya kaya lumapit nalang siya kay Jake. “Sa’yo na nga lang ako makikikagat” sabi niya kay Jake.
Isusubo sana ni Jake ‘yung sandwich kay Michael pero sabi ni Michael “Tol, ako na lang hahawak ng sandwich, ang sagwa eh.” At napansin kong namula si Jake.
“...” natameme si Jake.
“Ako na lang kaya magsusubo sa ‘yo.”
Sarap magharutan ng dalawang ‘to talaga. Pero napapansin ko lang, pag si Michael ang kausap ni Jake eh minsan nagbu-buff pa ‘tong si Jake, parang pinipili ‘yung mga salitang babanggitin pero pag ako kausap eh parang tuta lang niya kahit anong panlalait eh sinasabi pero ayos lang, pabiro lang naman eh atsaka totoo rin naman. Haha
“Hala! Napudpod na ata ang eyeliner mo at tigka-kalahati lang ng mata mo ang nakaeyeliner??” pangti-trip lang sa akin Jake.
“Ayos naman make up niya ah? Ganda nga niya ‘di ba?” sabi ni Michael.
“Oo nga, ang ganda ng make up niya. Pang clown pa! Napasobra sa din kasi sa puti dahil sa pulbos”
Nagtawanan lang kami hanggang sa dumating na ang teacher namin.
Nagstart siya by checking the attendance.
“Nice, you are all complete. I hope that we will have a perfect attendance until finals.”
“Okay, we will officially start our class this school year by doing this simple experiment.” Pag-didisscuss ni Miss Yumul.
Sabi niya na madali lang ang experiment, kahit isang oras lang ay puwede namin itong matapos kaya hindi namin mako-consume ang buong tatlong oras na lab ngayong araw.
Pinag-form kami ni Miss Yumul into groups, kung sino gusto namin makagrupo until the end of the semester, 4 members each group dapat.
Siyempre, sigurado nakaming tatlo nina Michael at Jake na magkakagrupo nakami, so isa na lang ang kulang, naghanap kami sa malapit sa ‘min kung meron pang walang kagrupo, kaso wala.
Ichineck ni Miss Yumul kung ayos na ang groupings.
Kami na lang ata ang grupo na 3 pa lang ang members, kasi nakita namin na tigaapat na mga kaklase namin.
“In my class list, you are 48 in total, so dapat sakto kayong tigaapat unless may absent, pero wala naman.”
“Oh kayo? Lima kayo diyan ah, lumipat ang isa.” Sinabihan ni Miss Yumul ang grupo ng mga kalalakihan.
Nagkagulo sila kung sino ang papalipatin sa grupo namin.
“Oi, Carlo, lipat ka na nga doon!” pagpapalayas ni Nate sa kanya. Mukhang wala naman magawa si Carlo kaya wala na siyang nagawa kundi siya ang lumipat.
Nakita ko ang pagkaawa sa mukha ni Carlo, tila kasi gusto niyang manatili sa grupo nila pero wala siyang magawa kasi para lang siyang asungot sa grupo kaya ganun ganun nalang siya pinalayas.
Huling bilin ni Miss Yumul bago siya pumunta doon sa kung saan ‘yung mga custodians. Each group kailangan bumili ng mga face mask, detergent pang linis ng mga gagamiting equipment pagkatapos gamitin, basahan at iba iba pang gamit. Ang dalawa sa grupo ang bibili, ang dalawang matitira ang mga hihiram ng mga equipments and materials na gagamitin sa laboratory experiment # 1.
“Kami na bibili nina Shane ng mga gagamitin namin kayo nalang magstay dito.” Sabi ni Michael.
“Ayoko, si Carlo na lang ang sasama sa’yo, tinatamad ako eh” sabi ko kay Michael pero ang totoo niyan eh gusto ko lang titigan magdamag si Jake.
Pero bigla akong hinatak ni Michael papalabas at wala na akong nagawa kundi ang sumama sa kanya.
“Masyado ka naman pahalata eh. Ayaw mo sumama ‘di dahil sa tinatamad ka.” Sabi ni Michael at tumawa siya.
“O ano naman dahilan ko para umayaw ako sumama?” tanong ko sa kaniya at patuloy kong paga-alibi.
“Halata naman kaya, gusto mo lang titigan si Jake.”
“...” Natahimik ako ng sandali.
“Hindi ah?!” medyo delayed kong pagdedeny, ‘di ko kasi expect na obvious na ako.
“Magpapalusot ka pa eh.” Sabi niya at ngumiti na tila nagsasabi na ‘di ko siya mapaglilihiman.
Hindi na ako sumagot pa.
Dahil sa maaga pa ay wala pa masyadong nakabukas na tindahan kaya tumungo na lang kami sa palengke na malapit sa din naman.
Medyo naging tahimik ang paglalakad namin.
Sa paglalakad namin ay na-realize ko na sobra na siguro ako makapantasya kay Jake to the point na nagiging masyado nang evident.
Ano ba naman ang magagawa ko? Nagmamahal lang naman ako ah? Ano’ng masama dun?
Habang bumibili kami ng detergent, biglang humirit ‘tong si Michael.
“Detergent ka ba?”
“Bakit naman?” sagot ko.
“Inalis mo kasi ‘yung mantsa dito sa puso ko eh.” Sagot din niya. “Kaya eto, para na siyang bago.”
Natawa naman din ako. Hindi dahil sa natawa ako sa banat niya, natawa ako dahil ang korni niya at ang cute ng facial expressions niya dahil sa parang mukhang inlove na inlove siya sa akin habang bumabanat.
Ewan ko ba. Masaya lang ako sa bawat banat niya. Minsan nga, natatawa ako makita lang ang facial expressions niya kahit ‘di man siya nagjo-joke, pinagkakamalan na nga niya ata akong baliw eh.
Hindi na kami nagtagal eh bumalik na rin kami. Konti lang din naman kasi yung pinapabili ni Miss Yumul.
Pagkarating ng chemistry lab eh nadatnan namin na may kaguluhan. Si Jake inaawat ng mga kaklase namin habang si Carlo naman ay tumayo sa pagkakaupo sa sahig na napansin din namin na may nabasag na mga test tubes, graduated cylinder at iba pang mga kagamitan.
Itutuloy...
A Boy’s Story: Chapter 5
“Ang weird ni Carlo noh? Ang yabang yabang niyang umasta pero ‘pag nag-iisa mukhang senti ang dating.” Dagdag niya.
“Nag-iisa?” tanong ko naman.
“Oo, nasa labas, nakatulala sa langit, mukhang malalim ang iniisip.”
‘Di ko alam pero naapektuhan ako sa sinabi ni Shane tungkol kay Carlo. Bakit ba? ‘Di naman kami close ah? Nakokonsensiya lang siguro ako dahil sa alam ko na may connect ‘yung pagsusungit ko kanina kaya siya nagkaganun kasi naman kanina ang saya saya pa kaya ng mukha niya. Iniba ko ang topic ng pag-uusap namin dahil sa ‘di ko malamang dahilan.
Dahil sa wala pa naman ang time eh inalok ko si Jake sa sandwich na dala ko.
“Gusto mo?” wika niya.
“Siyempre naman, blessings ‘yan, ‘di dapat tinatanggihan.” Sagot ko.
Maya maya pa ay nandiyan na si Michael na siyempre nagpaliwanag sa araw ko.
“Wow, sarap ata niyang sandwich ah, pakagat naman oh?” sabi ni Micheal sa amin.
Nagtinginan kami ni Shane kung kaninong sandwich ang na ipapagkagat sa kanya.
Pero humarap si Michael kay Shane at ibinuka ang bibig. “Patikim” sabi niya.
Ibinigay naman ni Shane ang sandwich kay Michael ang sandwich pero ang gusto ni Michael ay si Shane ang magsubo sa kanya.
“Sanang ako na lang, willing na willing pa.” Wika ko sa sarili.
At nabigla nalang ako, dahil sa ayaw subuan ni Shane si Michael ay dinilaan ni Shane ang buong sandwich. Natawa ako dahil sa loko-loko pala talaga ‘tong si Shane, ‘di kasi halata sa kanya dahil sa ang ganda niya at ang seksi pa pero kahit ganoon pa man eh walang siya ni isang bahid ng kaartehan ‘di gaya ng iba, ‘di na nga maganda, sobrang arte pa. LOL
“Kadiri ka naman Shane!” sabi ni Michael kaya lumapit nalang siya kay sa akin. “Sa’yo na nga lang ako makikikagat” sabi niya.
Isusubo ko na sana ‘yung sandwich kay Michael pero sabi niya “Tol, ako na lang hahawak ng sandwich, ang sagwa eh.” At napansin kong uminit ang tenga ko.. HALA!!! Namumula ako!
“...” natameme ako at ‘di nakasagot.
“Ako na lang kaya magsusubo sa ‘yo.”
‘Di ko alam ang isasagot sa kagustuhan niyang subuan ako, umayaw ako magpasubo sa kanya, hindi sa magmumukha lang akong bata at nakakailang pa eh ayaw kong pagchismisan ng mga kaklase pero mapilit si Michael kaya wala naman akong nagawa pa, ‘di ko matanggihan ang ibig gawin sa akin ng isang mala-anghel na lalaking ito.
Hindi ko na-feel na romantic ang scene na ‘to. Grabe!! Feeling ko lang para akong tutang pinapakain pero natuwa pa din ako dahil sa pag-eeffort niyang subuan ako, puwede naman kayang ako na lang. Dahil sa mga kilos na ito ni Michael ay medyo naguguluhan lang ako ng konte, bakit kaya niya ginagawa sa akin toh? Bisexual din ba kaya siya? [Asa naman ako :’( ] O ganun lang talaga siya sa mga nagiging kaibigan niya? Ah! Bahala na. Basta ang alam ko, naeenjoy ko ang moment ‘pag kasama siya.
Maya-maya pa eh nandiyan na si Miss Yumul. Ipinaliwanag niya ang mga kailangan naming gawin sa araw na to. Una ay iginrupo niya kami, bawat grupo ay dapat mayroong tiga-apat na miyembro. Hinayaan niya kami piliin ang sarili naming mga kagrupo. Dahil sa tatlo pa lang kami ay nilipat si Carlo mula sa grupo nila sa amin dahil lima sila doon.
Sina Michael at Shane ang mga bumili ng mga iba naming mga gagamitin na pinabili ni Miss Yumul kami naman ni Carlo ang naiwan sa Chemistry Laboratory.
“Baba lang ako ah, ipapaphotocopy ko lang ‘tong gagawin nating experiment.” Sabi ko kay Carlo.
“Sama na ako.” Sagot niya.
“Ikaw na lang kaya magpaphoto copy?” sagot ko sa kanya.
“Ay, ‘wag na. ‘Di man pala kita makakasama eh.” Sabi niya.
“Bakit? Mas magiging maganda ba ang pagkakaphoto copy kung dalawa tayong magpapaphoto copy?” sumumpong na naman ang pagkasuplado ko.
“...” ‘di nakasagot si Carlo.
“Sige na nga, ako na lang.” Sagot niya na halatang napipiplitan lang.
Ako naman ang naghiram ng mga test tubes, alcohol lamp, beaker, medicine dropper at iba pa doon sa custodian.
Medyo matagal ang paghihiram dahil sa marami ang nakapila para maghiram din.
Pagkabalik ko ay naroon na sa table namin ‘yung mga photocopies pero wala sa table namin si Carlo. Inilibot ko ang aking paningin at ayun! Nakita ko siya mga kasamahan niyang kalalakihan at ako na nga lang ang natira sa sa table namin. Hays, kainip naman, antagal naman nina Michael at Shane. :(
Maya-maya pa ay bumalik na si Carlo sa table namin pero kasama niya ‘yung mga kasamahan niya na mayayabang ang dating.
“Gusto mo ng lollipop?” tanong sa akin ni ng kasama ni Carlo na si Nate na siyang pinakamaangas sa kanilang lahat.
“Ayoko.” Sagot ko dahil sa napansin kong iyon din ang lollipop ni inaalok ni Carlo kanina, baka isipin niya porke siya ‘yung nag-alok kaya ko tinanggihan.
“Sabi ko na nga ba sa iyo eh, ayaw niya ‘yang lollipop na yan eh.” Sabi ni Carlo sa kasamahan niya. “Ibang klaseng lollipop gusto mo?”
Naisip ko baka Chupa Chups na ‘yung iaalok niya at wala ng bubblegum sa gitna.
“Oo, sige.” Sagot ko naman ng may smile :P
“Tignan mo?!” sabi niyang malakas. “Sabi na nga bas a inyo eh kakaibang lollipop ang gusto niya! Buhay na lollipop ang trip!!” at naghiyawan sila pati na rin ‘yung iba naming kaklase na nakikinig pala.
5...
4...
3...
2...
1...
Sasabog na ako!!!
Sa ‘di ko malamang dahilan eh hindi ko na napigilan ang aking sarili kaya tumayo ako sa kinauupunan ko at nandilim ang paningin ko dahilan upang itulak si Carlo para siya ay matumba at mahulog ‘yung mga hiniram ko sa custodian kasama niya at nabasag ang mga ito.
Alam mo ‘yung feeling na gusto mong kalmahin ‘yung sarili mo pero ‘di mo magawa dahil sa tindi na ng galit na naramdaman mo?
Dahil sa sobrang galit ko ay para na akong papatay ng tao. Ngayon ko lang naramadaman ang ganito, ang sobrang galit, nakakaubos na ng pasensiya ang ganito eh, ‘yung tipong binabastos ka dahil sa pagkatao mo. Alam ko, ‘di ako perpekto na tao pero alam ko naman sa sarili ko na ‘di ko deserve ang ganoong pambabastos dahil hindi ako tumatapak ng ibang tao.
Lalapitan ko pa sana siya para humabol pa ng suntok pero naramdam ko na lang na inaawat na pala ako. Dahil sa tindi nga ng galit ko eh hindi ko napansin na si Michael na pala ang umaawat sa akin.
Itutuloy...
3 Comments
Shane, si Michael ang gusto ni Jake. Matauhan ka na please. Nererealize mo na rin naman e.
ReplyDeleteJake, wag kang tatanga-tanga ha. College ka na at kung gusto mo ng lollipop, bumili ka. lol! Warfreak ka pala.
I like the story, medyo mabilis lang pacing ngayon. Girl's Story yung una di ba? Nahilo ako sa Boy's Story kasi iba-iba yung nagnanarrate. Minsan si Jake, minsan si Shane, minsan si Michael pero masaya pa rin naman yung story.
Keep it up Jordan. :)
Ay, pasensya na po.. A Girl's Story po ung unang part. Nagmkamali lang po.. hehe :)
ReplyDeleteJake kaya mo yn!!! upakan mo nga yng carlong yan,ng magtanda . .hindi tamang manghusga sya ng kapwa nya...ahahaha:)
ReplyDelete-Ang ganda tlga ng story mo mr.Dula,kapana-panabik at nakakadala ung bawat eksena..simula ng mabasa ko ung mga naunang chapters,tlgang inaabangn ko na ung story..
Gusto ko yung sense of humor ni jake,ang galing ng mga banat niya,sobrang nakakatawa...
At ikaw Shane,wag kng susuko bibigay din yng Jake n yan..
ahaha:)
Mr.Dula keep it up & GoDBLESS!!!
Ipa_follow na dn kta sa twitter..