Chapter 2: Another Boy’s Story: “Bully”
Ako nga pala si Carlo, Carlo Vicente.
Nung mag high school ako ay patuloy pa din ako sa pambu-bully ng mga kaklase. Kaya ayun, palaging napapatawag ang parents ko sa principal’s office. Wala na ako nun pakialam sa sasabihin ng mga parents ko, feeling ko naman kasi kahit ano naman gawin ko sa buhay palaging mali sa paningin nila at ang taning tama sa kanila ang pagnenegosyo at wala ng iba. Gusto nga nila eh kumuha ako ng business related course. Wala ako talagang kursong kunin eh kumuha ako ng hindi business related course para hindi sila matuwa.
Pero ngayong college na ako eh napag-isip isip ko. Wala hindi ako naging masaya sa takbo ng buhay ko. Wala akong naging tunay na kaibigan. kaya naman napag-isip isipan ko na simulan ang pagbabago sa buhay ko.
Sa mga unang araw ng pasok eh nakasama ko barkada ni Nate pero ‘di ako nakikisabay makipag-lunch sa kanila. Gusto ko kasi, mapag-isa muna, makapag isip-isip.
Pagkatapos kong kumain ng mag-isa ay tumungo na kaagad sa room namin sa susunod na subject kahit na maaga pa. Pagkarating ko roon ay wala pa ‘yung mga classmates ko. Kaya naman naramdaman ko ang pakiramdam ng nag-iisa... malungkot... walang ingay... walang saya... walang buhay...
Maya-maya pa ay dumating na. Si Jake. Natatandaan ko ang pangalan niya dahil siya iyong unang nagpakilala sa klase kanina at walang katabi kanina. Mukhang emo ang batang ‘to. Haha
“Hello!” bati ko sa kanya.
‘Di niya ko pinansin na tila walang narinig. Loko ‘to ah. ‘Di ba daw mamansin?
“Hello, sabi ko.” wika ko sa mismong tapat ng mukha niya.
“Hello.” Sagot niya.
Anu ba ‘yan? ‘Yun lang sagot niya?
“I’m Carlo pala.” Sabi ko.
“Okay.” Sagot niya.
Nice. Kakaubos lang ng pasensiya ‘to ah. Gusto ko lang naman makipag kaibigan para masimulan ko na ang pagbabago na gusto kong manyari sa buhay ko.
“Oh, ‘di ka man lang magpapakakilala sa akin?” tanong ko kahit alam ko na pangalan niya, makapangulit lang.
“Jake.” Sagot naman niya.
At dahil sa ang tipid niya sumagot eh tinanong ko siya...
“Mukha ka wala kang kibo? Kanina sa Math class natin kayong tatlong nina Michael at Shane ang pinakamadaldal ba’t para atang naputulan ka ng dila?” biro ko sa kanya pero mukhang iba ang naging perception niya doon.
Biglang kumunot noo niya at sabing “Pake mo?”
Natahimik naman ako dahil sa feeling ko ayaw akong kausapin ng taong ito. O sabihin ko ng wala ni isang taong gusto makipagkaibigan sa akin? Kawawa naman ako L Siguro ganun talaga, walang taong nakatadhanang makipagkaibigan sa akin. Kaya lumabas na lang ako... nag isip isip ulit...
Maya maya pa ay nagsidatingan na ang mga kaklase ko. Pansin ko na tinititigan ako ng mga classmates ko sa pagkakatulala sa kawalan bago sila pumasok sa silid-aralan.
Feeling ko kinakaawaan nila ako. Kaya naalala ko nanaman ‘yung panahon na kawawang kawawa ako dahil sa pang-aapi sa akin ng mga kaklase.
Ayoko ko na maging kawawa sa paningin ng ibag tao. Kung ang pagbabagong naisip ko eh ibabalik ‘yung panahong kawawa ako eh hindi ko na itutuloy ito kaya bumalik ako sa silid-aralan at pinagtripan si Jake at kasama na rin pala sina Michael at Shane. Napansin kong napakasaya niya ‘di tulad nung ako kausap niya kanina.
“Sumaya na ulit si Joyce kasi nandiyan na si Michelle.” Pasaring ko lang kay Jake habang papunta sa upuan ko.
Nagpatuloy lang ang pang-aasar ko sa kanya.
Kinabukasan eh inalok ko siya ng lollipop dahil napag-isip isip ko ay mali ako kaso hindi niya tinanggap. Kaya lumabas ako ulit. Naiyak ako, dahil nagsasawa na ako sa buhay na ito. Paulit ulit lang naman ang nangyayari eh, walang pagbabago. Ako pa din ‘yung Carlo na ayaw kaibiganin ng lahat. Pinigilan ko nalang ang sarili ko umiyak dahil sa unti-unti ng nagsisidatingan mga kaklase namin.
Dahil sa tig aapat na miyembro lang ang isang grupo sa Chemistry Lab eh pinalipat ako nila Nate. Feeling ko para lang akong tutang pinamigay lang, ni hindi ma nila pinag isipan kung sino papalipatin eh ako na kaagad ang nakita nila, wala talaga ako silbi sa mata ng karamihan. Yan lang ang pumasok sa aking isipan.
Habang hinihintay namin sina Shane at Michael dahil may binili pa sila eh naisip ko na naman pagtripan si Jake hanggang sa napikon siya, nagalit, itinulak niya ako at hindi ko na napansin na natumba na pala ako at may kaunting maliit na sugat dahil sa nabasag ang mga equipments na bumagsak pala kasama ko.
Maya-maya ay kinausap ako ni Micheal.
Ipinaliwanag ko sa kanya ‘yung nangyare. Nahihiya man, pero alam ko sa sarili ko na kasalanan ko.
“Sana tol gawa ka ng paraan para magkaayos kayo, ayaw ko kasing may nasasaktan sa mga kaibigan ko, dahil ang mga kaibigan ko ay parang sila na ang buhay ko kaya pinapahalagaan ko sila higit pa sa pagpapahalaga ko sa sarili ko.” sabi niya. “Kaya ginagawa ko ang lahat para mapasaya mga kaibigan ko, ibinabahagi ko kung anong meron ako sa kanila kasi kung hindi rin naman dahil sa kanila eh parang patay na rin ako dahil walang magiging buhay ang buhay ko kung wala ag mga kaibigan ko.”
Naantig ang puso ko sa mga sinabi niya dahil ramdam ko ‘yung sinabi niya pero parang tinusok din ang puso ko dahil dito, dahil pakiramdam ko, hindi ako makakahanap ng ganoong klaseng mga kaibigan, ‘yung may importansya ka sa kanila.
“Sige tol, ita-try ko magkaayos kami.” Sagot ko na lang.
Pinagsulat ko si Jake ng experiment paper niya dahil sa nagsusulat pa siya sa group notebook. Sa pagsusulat ko eh hindi ko naramdaman ang sakit ng daliri. Ewan ko ba, ang sarap nung feeling na may pinagsusulat ka katapos alam mong isa ‘yung paraan para mapatawad ka niya sa nagawa mong kasalanan.
Natapos na kami sa pagsusulat at natapos na din ako sa paghuhugaw ng mga equipments ay tumuloy kami kay Ma’am Yumul dahil sa nangyaring kanina. Pinapabayad nila ang mga nabasag na equipments at pinapatawag ang parents namin.
Patay na naman ako neto kay Mama at Papa. Tsk!
Isinabay na ako nila Michael sa lunch. Alam ko, isa din ito sa mga paraan ni Michael para magkaayos kami ni Jake. May nararamdaman akong kakaiba sa dalawa... ‘Di ko lang malaman kung ano, pero may kakaiba talaga sa kilos nila... Hmmm....
Itutuloy...
0 Comments