A Boy’s Story / A Girl’s Story
Written by Jordan Dula

A Boy’s Story: Chapter 10
Ako, kahit nakulong na ako sa pagmamahal ni Carlo ay naging masaya naman ako sa pagsasama namin kahit ito ay patago lamang. Napakasarap nung pakiramdam na may nag-aalaga sa’yo, nagmamahal, humahawak ng iyong mga kamay, bawat sandali pakiramdam ko ay nasa langit.

At dahil na nga naging mas malapit kami ni Carlo sa isa’t-isa, hindi maiwasan ang kami ay pag-usapan ng mga kaklase at may hinala na rin sila na may relasyon nga kaming dalawa. Ewan ko ba, dati naman wala akong pakialam sa mga sinasabi ng iba pero ngayon, ang sakit sa damdamin na alam mo’ng pinag-uusapan ka, pinag-uusapan ang katauhan mo at tila nandidiri sila kahit wala ka naman ginawang mali sa kanila.

“Wag mo nalang silang pansinin, wala naman silang pakialam sa atin.” Sabi ni Carlo sa akin.

“Oo, alam ko naman yun.” Sagot ko. Gusto ko siyang yakapin ng mga sandaling ito pero hindi ko ginawa, dahil baka may makakita at lalo kaming pag-usapan ng mga kaklase namin.

Hanggang sa dumating ang isang araw…
“Jake, may itatanong akong sa’yong seryoso, sumagot ka ng totoo ah?” sabi ni Michael.

Kinabahan ako nung sabihin ito ni Michael, feeling ko yung sekswalidad ko o ang relayon namin ni Jake ang itatanong niya.

“May syota ka na ba?” tanong niya.

“ah… Eh…. Wala pa.” naku po! Nakapag sinungaling ako, ayoko ko ng ganito, huhu, ayokong may itinatago pero ano ba namang magagawa ko? kailangan kong magsinungaling para hindi ako pag-usapan ng mga tao.

“Ayos!” sabi ni Michael.

“huh?” taka ko sa sinabi niyang ayos.

“Wala, wala yun, may ipapasagot sana ako sa’yo eh, di ba magaling ka sa math?” sabi niya

“Oh, ano naman ipapasagot mo?” tanong ko.

Iniabot niya ang isang piraso ng papel at sinabing “Ayan, sana masagot mo yan pero di naman ako nagmamadali sa sagot, sige iwan muna kita para maisip mo ng mabuti ang sagot.”

At ayun, lumabas nga siya sa silid-aralan at tinignan ang pinapasagot niya.



“Huh? Ano naman to? Napaka-imposible naman atang magkakasagot itong equation na to.” sabi ko sa sarili kaya ibinulsa ko nalang muna ang papel at mamaya ko na iisipin ang sagot. Kaya naman pala pinapasagot sakin ni Michael kasi mahirap nga naman palang sagutin. XD

Ilang sandali ay bumalik na si Carlo galing sa canteen dahil nagpabili ako ng tuna sandwich at juice.

“Salamat!” sabi ko.

“Love you!” pabulong niyang sabi at binatukan ko nga siya, baka may makarinig eh.

“Siya nga pala, may ipapasagot ako sa’yo.” Sabi ko at ibinigay sa kanya ang piraso ng papel na may equation ni Michael. Tinignan niya ito.

“Ang cheesy mo ah? May nalalaman ka pang ganito pwede mo naman deretsuhan sabihin sakin eh. HAHA” sabi niya habang tumatawa.

“Oh, ano na ang sagot?” tanong ko.

Itinutok niya ang kanyang bibig at sinabi ang sagot. “Edi, I LOVE YOU TOO!”

Ibinigay niya sa akin ang papel pabalik na nakatupi ito at tinignan ko nga… HALAAAAAAA!!!! I love you nga nakasulat!!!!

“Ako naman may may ipapasagot sa’yo…” Sabi ni Carlo. “PEANUT ka ba?”

“Why?” sagot ko pero di ko masyado na inisip ang ibabanat niya, naisip ko kasi, napano si Michael, bat niya naman pinapasagot sa akin yun? Unang una, lalakeng-lalaki ang tingin ko sa kanya at napaka sweet pa nga nila ni Shane eh. Hay naku, ewan!

“E kasi.. PEANUT-ibok mo puso ko eh!” sagot niya at napatawa naman niya ako sa ka kornihan niya at lumipas ang araw na medyo naalis sa isipan ko si Michael.

DISMISSAL TIME!!!

Yey! Pauwi na, makakapagpahinga na rin ako.  Ang pagod ko lang ngayong araw na to dahil dun sa P.E. class namin.

“Hatid na kita?” sabi ni Carlo.

“Wag na, gagabihin ka lang sa pag-uwi, may pasok pa bukas.” Sagot ko.

Nagpumilit siya pero di pa rin ako pumayag. LOL. Ayokong may makakita sa amin baka pagchismisan ako at umabot kay mommy ang chismis. Wagas na pagpapalayas siguro aabutin ko sa nanay ko pag nangyari yun. XD

“Sabay na tayo?” sabi na isang lalaki sa likod ko, limungon ako, si Michael pala.

“Ah.. Eh..” di ako makasagot parang nung una ko lang makita siya, dahilan naman nun eh dahil sa na-starstruck ako sa kagwapuhan niya, eh ngayon, di ako makasagot dahil dun sa pinapasagot niya.

“Ano nga pala yung sagot?” tanong niya sakin.

“Ah.. Eh.. Mahirap sagutin. Pasensya. Gusto ko mang sagutin pero di pwede.” Sagot ko at nanahimik na ako buong biyahe namin hanggang sa makauwi na nga ako sa bahay.

Di ako makatulog. Andami kong iniisip na mga bagay bagay. 12mn na. “Kailangan kong MATULOOOOOOOOOOG!!!! May pasok pa ko bukas!!!!” sigaw ng utak ko pero tila di pa rin dumadalaw ang diyos ng tulog sa akin. XD

Lumabas ako ng kwarto at kumain ng kung anong meron sa refrigerator. Pagkatapos nun ay pumasok na ako ulit sa kwarto ko. Ilang sandal pa ay nakatulog na ako, dahil na rin siguro sa antok at busog. J

Itutuloy…



A Girl’s Story: Chapter 10
Uber uber ang saya nang maging kami na ni Michael, palagi siyang nagjo-joke katulad pa rin ng dati palagi niya akong napapatawa, kahit nga wala man siyang ginagawa eh nangingiti ako sa twing makita ko lang siya. Ewan ko ba, iba ang saya na dulot ng pagmamahal naming dalawa.

Di lang yun ang nagpapasaya sa akin, syempre, pati na rin ang barkada, naging mas malapit sina Michael at Jake sa isa’t isa kahit na may pagkasuplado nga si Jake dahil na rin yun sa kakulitan ni Carlo, ayun nahawa ng konte. At syempre, kahit kami na ni Michael eh syempre minsan sinusulyapan ko pa din ang napaka-among mukha ni Jake pero hindi naman ibig sabihin nun na hindi ko mahal si Michael, syempre naman, mahal na mahal ko kaya yun! J

Dumaan ang mga araw na napakasaya hanggang sa acquaintance party na ng department namin. Syempre lahat ng mga estudyante ay pumorma, ayun, siyempre pati ako. Nag long gown ako na black and white, lahat siyempre ng mga mata ay nasa sa akin lalo na mga kalalakihan.

“Ano ba naman yang suot mo?” salubong sa akin ni Michael. “Pwede namang magsuot ka ng simple lang, hindi yung ganyan na ikaw na lang pinagtitinginan ng lahat.”

“Wala namang masama sa suot ko ah?” sabi ko. “Nagpaganda nga ako ng ganito para sa’yo, katapos di mo man lang ma-appreciate? Anyways, magsaya nalang tayo.”

Naging masaya naman ang party dahil sa mga instructors naming mga kumanta at sumayaw na di ko maimagine na gagawin yun dahil sa sobrang sungit ng iba sa mga iyon. XD

“Oh, san na niyan tayo pagkatapos ng party?” tanong ko kina Michael at Carlo. Si Jake naman ay di dumalo pero di ko alam kung bakit, sayang, siya pa naman ang inaabangan kong makita ngayong araw.

“Ako pupuntahan ko nalang si Jake sa bahay nila. Sigurado ako, di pa tulog yun. Kakatext pa nga lang niya eh.” Sabi ni Carlo.

“Uyyy, halos 12midnight na magka text pa din, mukhang totoo ang mga bulung-bulungan.” Sabi ko para asarin si Carlo.

“…” nanahimik lang si Carlo.

“Samahan na kita kina Jake. Bibigay ko sa kanya tong gitara kasi, sabi niya kasi nun gusto niya matuto maggitara eh.” Sabi ni Michael.

“Ay, ganun? Di tayo gigimik?” sabi ko.

“Hindi. Hindi naman ako mahilig dun eh.” Sabi ni Carlo.

“Ako din, hindi.” Sabi ni Michael.

Tumayo si Michael. “Patapos na yung closing remarks, punta nako sa stage ah?”

Siya nga pala ang kakanta sa closing number. Siyempre, ako na ang proud, napaka gwapo na niya at napaka ganda pa ng boses. Kaka inlove talaga. J

At ayun na nga, kumanta na siya habang tumutugtod ng gitara… Ang sweet ng boses niya grabe! <3 Alam ko na para sa akin yung kanta niya. Love song eh. :P

Pagkatapos kumanta ni Michael ay nagpalakpan ang lahat. At pagkatapos rin nun ay umalis na kami. Sumama na ako sa pagpunta sa bahay ni Jake, ang boring nama kasi kung uuwi na kaagad ako.

Sa pagpunta sa bahay ni Jake ay naging tahimik sina Michael at Carlo. Di ko alam kung bakit, pareho namang makulit at madaldal ang dalawang to eh.

******************************

Sa pagbiyahe namin papunta sa bahay nina Jake ay naging tahimik ako, inaantok na kasi ako, di ako sanay sa puyatan atsaka iniisip ko din si Jake.

Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at itinext si Jake. “Gising ka pa ba? Papunta na kami sa bahay niyo nina Shane at Carlo ah?”

Maya maya pa eh sumagot siya. “Oo, gising na gising pa. Oh ba’t ka pupunta dito? Ang alam ko kasi si Carlo lang pupunta dito kasi hihiramin daw niya notes ko sa Chemistry.”

“Weh? Di ka rin kaya nagte-take down notes. Tamad mo kaya magsulat.” Sagot ko.

“Edi wag maniwala.” Reply ni Jake.

“Sungit naman neto oh? Ano gawa mo niyan? Di ka pa inaantok niyan?” sagot ko.

Hanggang sa makarating na kami sa bahay ni Jake. Maliit lang bahay nila pero ayos naman, di naman mukhang magigiba sa ihip ng hangin. XD

Pinapasok kami ni Jake. Napansin kong malinis at maayos ang mga gamit nila sa loob pati na rin dun sa kwarto niya. Di kagaya ng kwarto ko, palaging makalat. XD

Lumipas ang oras na kami ay nagkekwentuhan, nagatatawan. Hanggang sa 3am na pala.

“Una na ako.” Sabi ni Carlo.

“Sabay nako.” Sabi naman ni Shane. “Ikaw Michael, di ka pa uuwi?”

“Maya-maya ng konte, diyan lang naman sa malapit yung bahay namin.” Sagot ko.

“Okay.” Sagot ni Shane.

Umalis na sila. Naglakad silang papuntang kanto, wala na kasing pedicab ng ganitong oras.

“Oh ba’t di ka pa uuwi?” tanong ni Jake. “May kailangan ka pa?”

“Sabi na nga ba eh.” Sabi ko.

“Huh?” pagtataka ni Jake.

“Wala.” Sagot ko. “Manghihiram pala ng notes ah?”

“…” natahimik naman siya.

“Oh? Natahimik ka? Bawal yan. Tara turuan na muna kitang maggitara.” Sabi ko.

At ayun, sinimulan ko na ang pagtuturo ng gitara kay Jake. Ng mga sandaling ito ay napakasaya ko ngunit ganun pa man, naramdaman kong may mali sa ginagawa ko pero di ko malaman kung ano ang mali kung ang mali ay yung umibig ako sa isang kapwa lalake o mali yung kami ni Shane pero may identity crisis ako o mali yung tipong di ko pa lubusang maamin sa sarili ko ang pagkatao ko. Hayss. Ewan ko, bahala na, basta ang alam ko, masaya ako ngayon, masayang masaya. J

Itutuloy…