A Boy’s Story / A Girl’s Story
Written by Jordan Dula
Chapter 9: A Boy’s Story
Sa paglalakad namin papuntang kanto ni Carlo ay ramdam ko na wala siya sa mood, parang bad trip na ewan. Basta, ‘di siya umiimik, ‘di naman siya ganyan dati eh.
“May problema ka ba? P’wede mo sabihin sa ‘kin baka makatulong ako.” Sabi ko kay Carlo ng may sobrang pag-alala.
“Ayos lang ako…” sagot niya. “Basta masaya ka lang, ayos na.”
Nabingi ako sa katahimikang bumalot sa aming paglalakad hanggang sa umabot nakami sa kanto at maghihiwalay na ng landas.
“Oh ingat na sa pag-uwi ah?” sabi ko sa kanya.
“…” wala akong narining na sagot mula sa kanya pero ganun pa man eh sumakay na ako ng jeep at siya naman ay lumipat ng daan.
Hindi ako makatulog na gabing iyong dahil sa alam ko na ‘yung bespren ko ay may pinagdadaanan na di ko malaman kung ano kaya ang ginawa ko na lang ay nagtext ako sa kanya ngunit wala akong sagot na natanggap mula sa kanya.
‘Di ko lubos maisip na hindi kaya mag-open up sa akin ni Carlo ngayong eto ako, bespren lang naman niya pero parang ayaw man lang niyang magkwento ng pinagdadaanan niya. Alam ko naman na may load naman iyon na pangreply, pero ano? Ilang oras na nung nagtext ako, eto, wala pa din response. Feeling ko napakawalang kwentang bespren ko at narealize ko sa sarili ko nab aka ako lang talaga ang tumuturing sa kanya na bespren at siya hindi dahil sa ako yung tipo ng taong walang kwenta, boring kasama, tahimik lang di kagaya ng iba, masiyahin, madaldal, mayaman. Minsan nga naiisip ko na sino nga ba yung mga taong pinapahalagahan talaga kung sino ako, siguro wala. Pero ganyan talaga ang buhay eh, hindi lahat ng gustuhin mo sa mundo mangyayari pero kahit ganun pa man eh kailangan pa din ipagpatuloy ito, no choice eh.
Pagkagising ko kinabukasan eh tinext ko kaagad siya. Wala pa din response. :[ haysss.
At dahil Saturday, ako ay tumambay lang sa bahay, kumain, manood ng tv, mag-psp at matulog pero kahit sa anong gawin ko eh naiisip ko pa din si Carlo.
******
1 Message Received
Bes Carlo
3:18pm
******
Nang makita ko nagtext si Carlo ay dali-dali ko itong binasa. Sabik. Masaya dahil sa nagtext din siya sa wakas.
*****
Kita tayo mamaya sa kanto niyo. 4pm.
*****
Nang mabasa ko ito ay nagtaka ako. Bakit kailangan namin magkita at biglaan pa?
Dali-dali akong naligo at nag-ayos dahil sa andumi ko na. Medyo natagalan ako sa pagbibihis dahil sa mula nung makilala ko si Carlo eh naging conscious na’ko sa pinagsusuot ko. Siya ang kauna-unahang tao na nangahas na sabihan ako na mukhang magja-jogging sa pinagsusuot ko: malaking t-shirt, maluwang na jeans, pantakbong rubber shoes.. LOL
Ayan, pagkalipas ng ilang minute ay natapos na rin ako at naglakad na papuntang kanto. Eto ako, habang naglalakad eh excited, ewan ko ba bakit ganun ako kagalak na makita siya, siguro nga dahil bespren ko nga siya.
Pagkarating sa kanto…
“4:08pm na ah? LATE KA!” bungad sa’kin ni Carlo, ansungit ng dating. Solid!
“Oh sorry na, naligo pa ko eh.” Sagot ko naman. “Ano’ng meron?”
“…” wala akong sagot na nakuha mula sa kanya.
Bigla niya hinawakan sa kamay at hinila. Sumakay kami sa isang tricycle sa terminal na di ko alam san papunta. ‘Di nako nagtanong pa kung san kami papunta dahil alam ko namang dir in siya sasagot, saying lag laway ko. XD
Nang malapit nakami ay narealize ko na papunta pala kami sa isang malapit na resort. Itatanong ko sana kung ano meron at ba’t andito kame pero nanahimik na lamang ako dahil baka sabihan niya ko ng makulet.
“Sa wakas, masosolo din kita.” bulong niya.
“Ano sabi mo?” tanong ko.
“Wala.” Sagot naman niya.
Nakita ko ang galak sa mga mata ni Carlo ngunit di ko mawari kung bakit. Naglakad kami patungo sa cottage ata o villa o ewan ko bas a kami patungo. XD
“Nandito ba ang barkada? Ang aga naman ata ng surprise niyo para sa birthday ko?” tanong ko.
“Ulol.” Sagot niya. “Ano’ng para sa birthday mo? Di nuh. Atsaka wala dito ang barkada. Tayo lang dalawa.”
At nagpakawala siya ng isang matamis na ngiti. Tumigil siya sa paglalakad at binuksan ang pinto ng isang villa.
“Pasok.” Sabi niya.
Pagkapasok ko ay puno ng petals ng rosas sahig, may mga candle light din, mabango ang kwarto. Di ko alam kung anong gusting ipahiwatig nito sa akin pero naramdaman ko na lang na niyayakap nap ala ako nila Carlo.
‘Di ko malilimutan ang yakap na ito. Mahigpit. Ramdam kong may gustong sabihin. Ewan. Baka naman mali ang naiisip ko.
Inihiga niya ako at hinalikan. ‘Di ko alam ang gagawin pero sa ‘di ko malamang dahilan ay ‘di ako pumalag, imbes, humalik din ang aking mga labi na animo’y may sariling buhay.
Nang matapos ang aksyon na nagaganap sa amin ay may kinuha si Carlo, isang napakalaking stuff toy.
“Para sayo.” Sabi niya na may wagas na ngiti sa kanyang mga labi. “Higit na mas malaki yan kesa dun sa binigay ni Michael kahapon.”
“Di ko alam kung pano ko sasabihin sa’yo pero…” pagpapatuloy niya. “Mahal kita!”
Yumakap siya sa akin. At sabing “Patawarin mo ko bes dahil minahal kita, di ko nga inaasahan na sa isang tulad mo ako magkakaganito. Ito, pareho tayong lalake. Di ko maintindihan pero eto, nagrisk ako sa pwedeng mangyare, ayaw ko na mag pagsisihan ako sa bandang huli dahil sa meron akong akong di nagawa buhay ko na gusting gusto ko. Kaya eto, pinapakita ko sayo ngayon kung gaano kita kamahal.”
Di ko alam talaga ang isasagot pero bigla ko nalang naibulaslas na “Mahal din kita da...”
“Talaga? I love you too bes!” sabi niya na dahilan para matigil ako sa aking sasabihin. Sasabihin ko sana na mahal ko siya dahil bespren ko siya. Ah!! Bahala na!
Niyakap niya ako ng sobrang higpit. Oo, di ko siya ganoong tipo pero ewan ko, ang sarap nung feeling na yakap yakap niya ako.
Itutuloy…
A Girl’s Story: Chapter 9
Sa aking pag iisa sa aking silid ay naalala ko ang mga lahat ng pinagsahaman namin ni Michael, bawat pangungulit niya, pagpapatawa, yung pagiging sweet niya sa akin. Napag isipan ko na bigyan ng pagkakataon ang nadarama ni Michael para sa akin dahil siya ay mabait naman, masaya kasama at gwapo pa, nasa kaniya na lahat ng katangian na magugustuhan ng isang babae sa isang boyfriend.
Kaya kinabukasan ay nakipagkita ako kay Michael, sinabi ko na may sasabihin ako pero ‘di ko siya binigyan ng ideya kung ano.
Kinabukasan...
Nagkita kami sa isang park. Nadatnan ko siya sa isang bench, nakaupo, tulala. Di ko alam iexplain ang naramdaraman ko nung makita siya. Masaya dahil sa alam kong magsisimula na ngayong araw ang pagbuo ng masasaya naming mga alaala. Tense din dahil sa di ko alam paano simulan ang lahat lahat. Basta, magkahalu-halo na ang emosyon sa aking damdamin.
Lumapit ako sa kanya. Umupo sa tabi niya.
“Oh, nandiyan ka na pala.” Sabi ni Michael. “Ano nga pala ‘yung sasabihin mo?”
“Ahh.. una gusto ko munang mag-sorry sa naging reaksiyon ko noong magtapat ka sakin ng nararamdaman mo.” Pagsisimula ko na medyo nauutal dahil natetense nga ako.
“Katapos… ahmmm.. ehh…..” di ko masabi ang nais kong sabihin, ewan, kaya bigla ko nalang siyang niyakap at sinabing “Sinasagot na kita!”
Nung mga sandaling iyon ay yumakap din siya sa akin ng pabalik. Napakasarap pala nung feeling na may yakap sayo ay napaka guwapo, kahit hindi masyado mahigpit ang yakap niya eh ramdam kong mahal rin naman niya ako.
Nung araw na iyon ay ginugol namin ang oras namin sa park, nag kulitan, nagtawanan, basta lahat na, ginawa na namin. Ang saya koooooooo!!! =))
*************************************
Nung mga sandaling ipinagtapat ko ang nararamdaman ko kay Shane ay nangangatog ang mga tuhod ko, di ko alam paano ko ko masisimulan kaya bigla ko na lang siyang hinalikan na dahilan upang ako ay layuan niya.
Ang sakit sa damdamin yung pag iwas sa akin ni Shane pero sa mga susunod na sandal ang ipinagpasalamat ko sa sarili ang pag iwas niyang iyon. Nabigyan ko ng panahon ang aking sarili upang makilala kung ano, sino ako.
Magsimula iyon nung magtamba kami nila Jake at Carlo sa bahay namin. Kahit medyo malungkot ako noong sandaling iyon, pinilinit kong maging masaya para sa mga kaibigan.
Tuwang tuwa ako sa reaksiyon ni Jake ng makita ang bahay namin. Para siyang bata na ngayon lang nakakita ng medyo malaki laking bahay.
Ang sarap tignan pala ng mga mata ni Jake. Mapupungay, bilugan, ewan.. di ko maexplain pero may something na nakakaakit. Alam ko sa sarili ko na bisexual ako, di ko naman tinatago iyon, pero wala namang nagtatanong kaya walang nakakaalam. Kaya nung naging hindi maganda ang reaksiyon ni Shane sa pagtatapat ko ay napag isip ko na ‘di siguro bagay ang isang katulad ko sa isang babae at hindi niya matatanggap kung sino man ako, kung ano ako. Naisip ko nalang nang mga sandaling ito na isang daan iyong nangyari sa amin ni Shane para ma-appreciate ko yung mga bagay na di ko na-appreciate dati gaya na lang ni Jake.
Ilang sandal ay kumanta ako sa videoke namin sa living room. Sa totoo lang, ramdam na ramdam ko ang pagkanta kahit hindi ako kagalingang kumanta at iniaalay ko ang kantang iyon kay Jake, syempre, wala ng iba pero di pa rin maiwasang sumagi pa din sa isipan ko si Shane ngunit hindi ko na ito pinagtuunan ng masyadong pansin dahil si Jake ang nandito, nandito para sa akin. <3
Pero kinabukasan ay nakipagkita si Shane, di ko alam kung anong sasabihin niya pero sa tingin ko ay hihingi lang ito ng dispensa sa pagsampal niya at pag-iwas sakin.
At ayun, nagsimula na siya sa paghingi ng dispensa. Pero ilang sandali pa ay yumakap siya sa akin at sinabing sinasagot na niya ako. Di ako nakasagot, di ko alam ang mararamdaman ng mga sandaling iyon, di ko alam kung magiging masaya dahil sa gusto ko naman siya at tinrato ko din siya ng espesyal o dapat ba akong malungkot dahil si Jake na pala ang nasa puso ko o nalilito lang ako o ano??
Nang sandaling ito ay na-realize ko na di ko pa pala kilala ng buo ang aking sarili datapwat kakaunti lang ang nalalaman ko sa sarili ko.
Dahil sa hindi ko alam ang gagawin ay niyakap ko na din siya pabalik. Bahala na. Bahala na si Mojacko.
Itutuloy…
3 Comments
Next na Jordan :D
ReplyDeleteanak ng!!! haha.. gulo ng isa dun oh XD
ReplyDeletemake up your mind!! XP
hi po!!! carlo po here!!! =D
-carlo8-
BITIIIIIIIIIIIN!
ReplyDelete