A Boy’s Story / A Girl’s Story – Chapter 14
Written by Jordan Dula

A Boy’s Story: Chapter 14

“Umiiyak ka nanaman.” Sabi ng lalaking kumuha ng kamay ko upang pigilan sa pagtakbo palayo sa laboratory room.

“Jonathan?” pagkabigla ko. “Di ako umiiyak, napuwing lang.” alibi ko.

“Napuwing?” pagdududa niya. Humugot ito sa kanyang bulsa ng isang puting panyo at inabot sa akin. “Tama na yan.”

“Wala ka na bang ibang libangan kundi ang umiyak?” halatang pang-aasar niya dahil sa facial expression niya.

Wala lang akong maisagot.

Maya-maya pa ay hinila niya ako pabalik ng laboratory. “Buti pa, sa amin ka muna sumabay maglunch ng barkada tsaka walang klase sa English subject natin, ayun! Sakto, matu-tutor mo na kami!”

“Nandiyan na si Carlo. Sa kanya nalang kayo pa-tutor.” Sagot ko.

“Busy yun tol, may nililigawan ata eh..” sabi niya at pagtataka ko lang, nag-away lang kami may nililigawan na agad na iba? Tila parang nawasak ang mundo ko at tumigil ito sa pag-ikot at patuloy na ako hinihila ni Jonathan at walang kaalam alam sa nararamdaman ko.

“Uy tol! Gising!” sumisigaw na pala ito nang di ko namalayan. “Ayos ka lang ba?”

Hindi ako sumagot. Hanggang sa umakyat na nga kami papunta laboratory, di pa din sumagot.

Pagkarating sa laboratory, si Shane agad ang tinungo ko. “Wala akong alam sa mga nangyari, hindi ko ginusto na mag-away kayo ni Michael. Pasensya na.”

“Alam ko. Pinaliwanag na sa akin ni Michael.” Sagot niya. “Wala kang kasalanan.” Ngumiti ito at gumaan ang loob ko dahil sa alam kong ayos na kami ni Shane.

Niyakap ko siya. Bumulong ito sa akin nagsasabing “Swerte ka, maraming mga taong nagmamahal sayo.”

Napaisip naman ako. Swerte? Swerte ba ba ang ganito? Maging sinumpa ang pagkatao mo? Na kailangan mong itago ang pagkatago ang tunay na ikaw dahil sa mag-iiba ang tingin nga mga tao sa paligid mo? Lalo na sa magulang mo? Takot ang nararamdaman. Takot na baka di ka nila maintindihan… di matanggap… at worst, baka itakwil ka pa nila.

“Nga pala, dina kami sasabay sa inyo ni Michael sa lunch.” Dagdag nito at napatingin naman s Michael at kung anong may anong ngiti ito sa labi.

“Di rin makikisabay sayo Michael, may gagawin rin ako.” Sabi ko kay Michael at tumungo kay Jonathan kasama mga barkada niya.

Di ko alam kung tama ang ginawa ko na iwasan ko si Michael sa sandaling ito, basta, yun na ang naibulaslas ng labi ko eh.

Nanibago ako sa mga kasama ko ngayon dahil sa sobrang ingay ng mga ito, sobrang likot, sobrang asaran lang sa isa’t isa, pakiramdam ko nga napipikon si Mark sa bawat pangti-trip sa kanya.

“May balak ba kayong kumain na para maturuan ko kaya mamaya o magsasayang tayo ng oras sa mga kabaliwan ninyo?” seryoso kong tanong pero di sila nakikinig kaya tumayo ako at umalis na. Sabi na nga eh, sakit ng ulo ang mga to dapat di nako pumayag i-tutor sila. Sumasakit ang ulo ko sa kanila!

Hinabol ako ni Jonathan as usual. “Oh, easy ka lang. Ganyan lang talaga mga iyon, pagpasensyahan mo na.”

“Ayoko na. Wala kayong disiplina, gusto niyo magpa-tutor pero kung ano-ano ang mga ginagawa ninyo, nagsasayang lang ng oras sa walang kwentang pag-aasaraan, pangtitrip ninyo. Ayokong napapalibutan ng mga bobong walang direksyon sa buhay gaya nin…” natigil ako, napasobra ata sinabi ko.

“Okay.” Sagot niya halatang nainsulto. “Kung ayaw mo kaming makasama ayos lang, pasensya na naabala pa kita. Pero sana di mo nilait kung ano kami. Alam mo, napansin ko lang, nakakaawa ka.”

“Ako? Nakakaawa? Baka kayo.” Taka ko lang sa sabi niya.

“Oo ikaw. Wag mo bigyan ng masamang kahulugan ang sasabihin ko ah? Ganyan ka ba talaga? Palaging seryoso na lang ang lagay sa buhay, di marunong magsaya kahit minsan lang? kahit ngumiti man lang? wala namang bayad maging masaya. Ako, oo, masasabi ko na di ako matalino gaya mo pero di naman ako bobo o walang direksyon ang buhay dahil sa nagsasaya ako sa kung anong ginagawa ko sa buhay ngayon. Di mo ba naisip na paglaki mo di mo na masyado mararanasan ang pag-eenjoy kasama ng mga kaibigan mo? Dahil may kanya-kanya na kayong buhay, trabaho, pamilya? Kaya di mo siguro kami masisisi na ganito ang ginagawa namin sa buhay pero di ibig sabihin di na namin iniisip ang kinabukasan namin.”

Natigil ako sa kinatatayuan ko. Walang masagot, natauhan.

Hindi ko naman gustong saktan damdamin niya o kung ano sa sinabi ko, gusto ko lang naman sabihin eh dapat misan, marunong silang maging seryoso sa buhay nila.

“Sige paalam na mula BOBO mong kaklase.” Paalam niya at talagang diniin niya ng salitang bobo na pakiramdam ko ay naging sobrang mapang-mata ako. Ang sama sama ko :[ Magsosorry sana ako sa nasabi ko pero nahiya na ako kaya tinext ko nalang siya ng: “Sorry :[ -from nakakaawa mong kaklase”

Itutuloy…


A Girl’s Story: Chapter 14

Tumakbo palabas si Jake at sinundan ito ni Michael pero hinabol ito ni Carlo para pigilan si Michael sa paghabol na di ko alam kung bakit, ni hindi ko man alam ang mga nangyayari kaya lumapit ako. Ipinaliwanag sa akin ni Michael ang lahat, na wala palang kaalam-alam si Jake doon sa nakitang kong larawan sa phone ni Michael. Kita ko sa mukha ni Michael ang pagsisisi sa kanyang nagawa, humingi din siya ng tawad sa akin dahil doon, naging maliwanag sa akin na confuse si Michael sa pagkatao niya, di ko alam kung magbabago ba ang tingin ko sa kanya o ano pero siya pa din naman yun eh, sya yung taong minahal ko, nagpasaya sa akin, nagbigay kulay sa mundo ko. Pero sa nakikita ko eh tila mas concerned pa siya kay Jake kesa sa akin na nasaktan niya ng lubusan ni hindi man niya inalam kung gaano niya nasaktan ang damdamin ko, basta na lang nag-sorry at ganun na lang pero kay Jake, gusto niya itong habulin dahil sa nagawang kasalanan na sa akin eh hindi niya ma ginawa… ang habulin ako, magpaliwanag hanggang sa maintindihan ko ang mga pangyayari, puntahan ako sa bahay para aruin ang pusong kong nawasak, instead, si Carlo ang gumawa nun, pasayahin ako sa panahong down na down ako, si Carlo yung nandoon para making sa mga sakit ng loob ko, si Carlo yung nagpapalakas ng loob ko sa panahon na mahina ako. Well, ganun talaga ang buhay, siguro hindi siya talaga ang nakatadhana para sa akin, masakit man isipin pero kailangan tanggapin sabi nga nila some things are maybe not meant to be but still they are worth to try.  At least, sa mga panahon na nagsama kami ni Michael ay naging masaya kaming pareho, walang bitterness (siguro?).

Humiwalay muna kami kina Michael at Jake sa lunch break, kailangan namin ng oras na wala sila, hindi sila kasama, hindi sila yung nasa isipan namin. Kaya nagpasya kaming pumunta muna sa SM Clark dahil sa wala namang pasok sa English subject namin ngayon at mahaba-haba ang aming spare time.

Hindi naging mahirap para sa akin ang kalimutan si Michael, hindi yun dahil hindi ko siya mahal kundi dahil nandiyan lagi si Carlo para pasayahin ang buhay ko kahit na minsan, este madalas, nako-kornihan ako sa mga jokes niya.

Naging masaya naman ang aming paglilibot sa SM Clark. Hindi maalis sa isip ko na baka nahuhulog na ang loob ko kay Carlo, “hindi! Hindi! Hindi maaari!” sabi ko sa sarili, dahil alam kong magkaibigan lang kami, ang mahal nun ay si Jake at ang alam ko at mas mahal ko pa din si Michael, pero bakit ganoon? Mas panatag ang loob k okay Carlo at ayaw kong masira yung closeness namin sa pagsasabi sa kanya ng nararamdaman ko na parang nahuhulog na para sa kanya. L

Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan nang pabalik na sana kami ng school kaya hindi na kami nakapasok pa at naghintay na tumila ang ulan habang kumakain ng peyborit kong pagkain. J

Itutuloy…

Another Boy’s Story: Chapter 5
Written by Jordan Dula

Papunta kami nun ng SM Clark. Di ko mapaliwanag ang saya na nararamdaman ko, tila mas masaya pa dun sa mga panahon na nakasama ko si Jake, na naging kami. Alam ko sa sarili ko na di ko na matatanggi na nahuhulog na ang loob ko para kay Shane pero hindi ko alam paano ko ito ipagtatapat sa kanya lalo na at hindi pa ako sigurado kung hiwalay na nga sila ni Michael at hindi ba ako magmumukhang mang-aagaw nun kung liligawan ko na siya agad? Pero hindi na importante yun, ang mahalaga ay masaya ako ngayon, at masaya akong napapasaya ko si Shane sa mga sandaling malungkot, problemado siya.


Naaalala ko pa nga yung ginawa ko kanina nung pumunta ako sa bahay nila nang pagka-aga aga para lang pilitin siyang pumasok, at pinag-luto ko pa siya ng almusal (kahit di ako marunong magluto!), napakasaya ko makitang siyang kumakain ng luto ko, kinikilig ako sa pag-alala nun solid! XD

“Nangingiti ka nalang bigla diyan?” pagtataka niya, di niya alam kinilig na ako sa kanya. “Para ka tuloy baliw!”

“Baliw naman talaga ako ah?” sagot ko. “Baliw na baliw sayo.”

“Baliw!” sagot niya na walang kaalam-alam na nahuhulog na ang loob ko sa kanya.

Hindi ko na naisip sa mga sandaling ito kung nagmumukha nakong tanga sa mga banat ko , eh basta yun na lumabas sa bibig ko eh.

Nang pauwi na kami galing sa SM Clark ay biglang bumuhos ang di inaasahang pag-ulan dahil kani-kanila lang ay tirik na tirik ang araw. At nang dahil doon ay hindi na kami nakapasok sa susunod na subject namin dapat dahil nga napalakas ng ulan at medyo bumaha na rin.

Hinila ako ni Shane bigla at sabing “Tara! Kain nalang tayo doon!”

Hindi ko alam san niya ako dadalhin pero sumunod nalang ako.

“Ano naman kakainin natin?” tanong ko.

“Edi ito!” Turo niya sa orange na bilog bilog na di ko alam kung ano.

“Ano yan?” tanong ko. “Di ba marumi yan?” at napatingin sa akin yung tindero.

Tumitig sa akin si Shane na tila nagsasabing… “Nakakahiya ka!” haha

“Di nuh! Malinis to no manong?” sabi pa niya sa tindero. “Pampatibay yan ng sikmura mong maarte! Tsaka kwek-kwek ang tawag diyan tange, sarap kaya niyan.” Sabi sa akin sabay niyang tawa.

Di pa ako kumain sa buong buhay ko ng street foods dahil sa paniniwalang marumi ito pero wala nakong nagawa kundi kumain nung kwek-kwek na yun. Ayos naman ang lasa nito, di nga lang ako siguro sanay kumain ng ganito. XD

Pero kung iisipin, ang romantic ata ang pagkain namin nito habang bumubuhos ang napalakas na ulan. Haha, korni ko na talaga! Di ko maimagine na nagkakaganito ako. XD

Mga mag-aalas singko na ng tumila ang ulan. Hinatid ko si Shane sa bahay nila siyempre =))

“Salamat sa paghatid!” sabi niya sabay ngiti. “Nag-enjoy ako ng sobra!!! Sa uulitin ha?!”

Para akong natutunaw nang makita ang mga ngiti sa kanyang labi lalo na nang sabihin niyang nag-enjoy siya na kasama ako, pakiramdaman ko tuloy ay napaka-espesyal ko sa kanya. J

Itutuloy…