A BOY’S STORY / A GIRL’S STORY
& ANOTHER BOY’S STORY – FINALE
Written by Jordan Dula
A Girl’s Story – FINALE
Naging napakasaya namin nina Carlo, nalimutan ang mga problema. At dahil
di na nga kami nakapasok sa school dahil sa ulan ay kumain kami ng street foods.
Ayun, halatang di sanay ang maarteng tiyan ni Carlo pero kinain pa rin naman
niya ito.
Mga dalawang oras din ang lumipas nang tumila ang ulan.
“Ihatid na kita sa inyo.” Sabi ni Carlo at tumango naman ako.
Sa aming paglalakad ay naramdaman kong inakbayan ako ni Carlo. Habang
bumabiyahe at patuloy lang siya sa pagtitig sakin na tila may gustong sabihin
pero hindi masabi.
Ngumiti ako sa kanya at nagtanong. “May gusto ka bang sabihin?”
“Ah.. Eh.. Wala, wa-wala naman.” Sabi niya pero halata naman na nagsisinungaling
siya dahil sa nagstutter siya.
Kinabukasan, maaga nanaman nandito sa bahay namin si Carlo para
gisingin ako, ipagluto ng almusal at sabay na ring pumunta ng school.
Dahil sa maaga pa eh, inaasahan naming wala pang tao sa room pero
nadatnan naming naroon na ang grupo nila Jonatahan at kasama si Jake na
nakapagtataka dahil sa di naman niya ito talagang nakakasama o nakakausap man
lang. At nandoon din pala si Michael sa sulok, walang kasama, nakatunganga
lang.
Lumapit ako na kinauupuan ni Michael, wala na masyadong sakit na
nararamdaman. Kinausap ko sya sa nangyari. Sinabi ko na wala na akong sakit ng
loob pero napagdesisyunan kona na iwan siya. Break na kami.
“Hindi ako papayag.” Yan ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig
ngunit wala na siyang magawa dahil nagmatigas na ako.
Hangang sa araw araw ay kami nalang ni Carlo ang magkasama. Mas naging
close kami sa isa’t isa. Di nawawala yung mga pagpapa-cute niya, pagpapatawa at
palihim na pagtitig sa akin.
FINALS NA!
Magkasama kami ni Carlo sa pagrereview sa library, pansin ko pa din ang
mga lihim niyang pagtitig.
Habang si Michael naman ay palagi ng nag-iisa at si Jake naman ay
nakasama na sina Jonathan at ang mga kabarkada nito, mahirap mang isipin pero
ganun na nga ang nangyari, nabuwag na ang barkada, nagkaroon na ng iba ibang
grupo samantalang kami naman nina Carlo ay na-enjoy namin ang company ng isa’t
isa.
Hanggang sa natapos na ang klase… Pero sa sembreak na 2 weeks ay lagi
parin kaming nagkikita ni Carlo, sa bahay namin, sa bahay nila, sa mall at kung
saan saan pa. Naging panatag na kami sa
isa’t isa, puno ng saya ang bawat araw, bawat sandali.
Nagdesisyon kaming sabay mag-enrol para sa second semester namin, para
sa kung sakaling first come first serve ang basis eh mag kaklase kami pero
nalaman namin sa mga kaklase namin dati na may section na daw.
Nung mag-enrol na kami ay hinihiling ko na sana magka-klase pa din kami
ni Carlo, di ko alam bakit pero siya ang pinaka-gusto kong makasama pa sa lahat
ng mga nakaklase ko at ganun din naman siya. Nakikita ko na masaya din siya pag
kasama niya ako, yung iba ang ngiti sa mga labi, yung tipong pure happiness ang
makikita mo sa mga mata niya.
“Shane, may sasabihin sana ako sayo.” Sabi niya.
“Ano yun?” tanong ko pero I was expecting na magtatapat siya sakin ng
nararamdan niya. Ewan ko ba, feeling ko kahit na di pa siya formal na
nanliligaw eh sasagutin ko na siya.
“Pwede ba.. Ah.. Eh..” di pa nito masabi ang gusto.
“Pwede ba akong…” so intense ng feeling dahil sa ineexpect kong
sasabihin niya. “Pwede ba akong maging bestfriend mo?”
Hay nako, ang torpe naman nito! “Oo naman” sagot ko nalang.
Nang maatapos na kaming mag-enrol dalawa… “YES! Magkaklase ulit tayo!”
sabi ni Carlo.
“Saya mo ah?” sagot ko naman.
“Ba’t ba? Ayaw mo?” sabi niya. “Palipat na nga lang ako ng section.”
Sabay frown.
“To naman, syempre gusto.” Sabi ko.
Nagpatuloy ang pasok at hanggang sa isang araw… Nag-iba ng biglaan ang
lahat.
Walang Carlo ang gumising sa akin, walang Carlo ang nagluto ng agahan para
sakin, walang Carlo na kasabay kong pumunta ng school, walang Carlo na nagtext
saken ng “Goodmorning bes!” :[ siguro nagsawa na siya… siguro may iba na siyang
pinagkakaabalahan… pero sa ibang banda sa isip ko eh baka may kailangan lang
talaga siyang gawin? O kaya naman ay di pa siya nagising? O kaya may sakit kaya
tinawagan ko ito pero di nito sinagot.
Tumungo nako papuntang school na wala ang gana, ligaya gaya nung kasama
ko si Carlo. Siguro nga mahal ko na siya pero ang masakit lang bestfriend lang
ang tingin niya sa akin. O kung ako nalang kaya ang manligaw sa kanya?
Nakakahiya naman siguro yun, parang ang desperado ko na kung magkaganun.
Sa aking paglalakad sa corridor ay nakita ko ang mga kaklase ko na
nagmadaling pumasok nang makita ako, ang weird, may nakakahawa bakong sakit?
Pero nagtuloy tuloy ako sa paglalakad at pumasok na sa room pagkadating.
Laking gulat ko sa nakita, rose petals pakalat kalat sa floor at may
mga candles na nakasindi na scent ay nakakapagpa-iba ng mood, ang bango, para
kang nasa langit, nakakagood vibes actually.
Nakatayo lahat ng mga kaklase ko, nag gigitgitan, nagbubulungan… Umupo
lahat sila pwera sa isang tao, si Carlo. Ngumiti ito, para akong nakakita ng
anghel at lumapit ito sa akin.
“Bes… Pasensya na kung hindi kita nagising ngayong araw, pasensya at
hindi kita napagluto ng tocino, itlog at tuyo na paborito mong kainin dahil
ito’y luto ko, pasensya na at wala kang kasama pagpunta dito sa school.
Pasensya na.” sabi nito. “Ito ay dahil may kailangan akong gawin, planuhin. I was
right waiting for the right time para sabihin ito sayo last semester pa pero di
dumating ang tamang pagkakataon, then it makes me think na baka sa kakahintay
ko sa tamang pagkakataon eh may makilala ka ng iba at di ko na masasabi ang
nararamdam ng puso ko. Kaya eto ako ngayon, sa harapan mo para sabihin…”
tumigil ito sandali. “Para sabihin na mahal kita! Will you be my girlfriend?”
Natulala nalang ako, di alam ang isasagot kundi ang yumakap nalang sa
kanya. “Mahal din kita.” Sagot ko sa kanya ng may luhang gumigilid sa aking mga
mata. Hindi ko lubos maisip na nangyayari ang mga ito. Nakahanap ako ng isang
lalaking magmamahal sa akin, ipaparamdam sa akin na ako’y espesyal sa araw
araw. Ang sarap ng feeling nito, ang mainlove. :]
THE END…
Another Boy’s Story – FINALE
Walang nakakakilala sa buong pagkatao ko. Kahit ako man, di ko man din
kilala ang tunay na ako. Lumaki ako na minamaliit lang pero di ko inakala na
noon na pagdating ng isang araw ay ako na ang mang-aapi ng iba para hindi na
apihin hanggang sa makilala ko ang isang taong magpapatino sa akin. Si Jake, na
akala ko ay mahal ko na talaga bilang isang katuwang sa panghabang buhay, pero
hindi pala. Magulo lang ang aking utak at hindi ko na alam na kaibigan lang
pala ang gusto ko sa kanya pero hindi ko pinagsisisihan ang naging pagsasamahan
namin ni Jake at hinding hindi ko iyon ibabaon sa limot, dahil masaya ako sa
kung ano man ang nangyari sa amin at kung di dahil din naman sa kaniya eh hindi
ko din makikila ang babaeng mamahalin ko ng lubusan, si Shane.
Katulad nga ng nasabi ko, hindi ko lubusang kilala kung sino ako. Hindi
ko alam na may pagka-torpe pala ako. Ilang beses kong tinangkang sabihin kay
Shane ang aking nararamdaman. Naghihintay para sa tamang pagkakataon, tamang
lugar, tamang tiyempo. Hanggang sa natapos na ang 1st semester ay
hindi dumating ang tamang pagkakataon, tamang lugar, tamang tiyempo. Sa bawat
ara na magdaan ay naiisip kong baka dumating ang isang araw ay hindi ko na
masasabi ang nararamdaman dahil tapos na ang lahat, may iba ng manliligaw sa
kanya, ibang taong magpaparamdam sa kaniya na minamahal siya, o kaya naman
maaksindente ako ngayon at mabawian na ng buhay at hindi nako magkakaroon pa ng
pagkakataon na sabihin ang sigaw ng puso. Kaya naisip ko, kung may gusto akong
sabihin o gawin, I have to act on it, walang “right time” dapat akong
hinihintay dahil ang mismong oras ngayon, yun ang pinakaperpektong oras para
magtapat na amahal ko siya.
Kinabahan man kung ano ang magiging reaksiyon sa sasabihin eh hindi ko
na inisip ‘yun kundi ang mas importante ngayon ay maging totoo ako sa aking
nararamdaman. Sabi nga nila, you’ll find true love only once, so don’t waste
any chance to feel it, own it.
Nung ipinagtapat ko na sa kanya ang nararamdaman at niyakap niya ako.
Parang nawala bigla ang peripheral visions ko tila kaming dalawa nalang ang
nakikita ko, parang nagsi-awitan din ang mga anghel mula sa langit dahil sa
aking labis na tuwa. Ang sarap nung feeling na mahal ka din pala ng minamahal
mo pero hindi mo iyon malalaman kung maghihintay ka nalang “right timing”,
hindi mo alam na naghihintayan lang pala kayong dalawa.
Sa naging relasyon namin ni Shane, hindi man ito perpekto, masaya pa
din ako, dahil kung wala siya sa buhay ko hindi ko alam kung paano ako mabubuhay
dahil siya ang kalahati ng buhay ko.
Hindi siya pumalya ng bigyan ako ng sakit sa puso, lagi pag nakikita ko
siya eh nagkakaroon ako ng VENTRICULAR TACHYCARDIA, pinapabilis biya ang bawat
tibok ng puso ko.
THE END :]
A Boy’s Story – FINALE
Dahil sa iniwanan ko sina Jonathan at hindi na sila tinuruan pa, ngayon
ay ako na lamang mag-isa, walang kasama. Pumunta nalang ako ng student center
para magpalipas ng oras. Mga ilang sandali lang ay may lumapit at nagsabing “di
ka ba kakain?” paglingon ko ay si Michael, tumayo ako at aalis dapat para
iwasan siya pero hinawakan niya ang mga kamay ko at pinigilan at sinabing
“Sorry na.” kita ko sa mukha niya ang lungkot dahil may sama ako ng loob sa
kanya. “Okay.” Yan lang ang naisagot ko.
Hinila niya ako palabas ng school, di ko alam sa’n patungo pero maya
maya eh alam ko na sa’n kami papunta, sa malapit na mall. “Gutom nako” sabi
niya “Kaya kakain na tayo.” Dagdag nito. Pumunta kami sa KFC, naghanap ng
bakanteng upuan at siya na ang nag-order.
Nag-usap pa kami habang nag-uusap tungkol dun sa nangyari, unti-unti na
rin nama naalis ang pagka-irita ko sa nangyari. Ganun pa din naman siya,
mapagpatawa, palaging may ngiti sa pisngi na nakakatuwang pagmasdan.
“Jake…” sabi ni Micahel.
“Ano ‘yun?” tanong ko.
Hinawakan niya ang aking kamay “May sasabihin sana ako.” Inalis ko ang
aking kamay sa kanyang pagkakahawak at nagtanong “Ano ‘yun?”
“Gusto kita.” Sabi nito sabay ngiti.
Di ko alam ang isasagot at mararamdaman kaya sabi ko nalang “Okay.”
Iniisip kong nakakasira ako ng relasyon nilang dalawa nina Shane.
Pero ilang araw ang nakalipas eh naging bali-balita na ang hiwalayang
Shane at Michael pero walang nakakaalam sa rason kung bakit. Patuloy pa din
akong sinusuyo ni Michael pero hindi ko ito pinapansin.
Habang break time namin, lumabas ako ng room at nakatulala ako sa
langit, wala lang magawa, nilapitan ako ni Shane at biglang sinabing “Mahal ka
niya.” At ngumiti sakin at umalis na. Di ko alam kung ano’ng gusto niyang
ipahiwatig o kung ano o pinagtripan niya lang ako dahil nakatulala ako.
Lumapit din sa akin si Jonathan. “Sorry nga pala. Mali ako, ako yung
humingi sa’yo ng pabor nung isang araw pero ako pa yung nagalit, pasensya na.”
“Ano ka ba? Ako ng dapat ang humingi ng tawad eh, di ko dapat sinabi
ang mga nasabi ko eh. Pasensya na talaga, bad vibes lang talaga ako nung araw
na ‘yun.” Sabi ko.
“Alam ko. Pero… Sabi nga ni Michael, dapat good vibes lang dapat lagi
at iwasan ang bad vibes, kasi good vibes attracts positive energy and bad vibes
attracts negative energy.”
Napangiti ako pero pigilan ko, naalala ko rin kasi yang linya na ‘yan
ni Michael na sinabi niya rin sa akin nung first day ng school.
Dumating na ang finals at ayun! Sa wakas, makakapagpahinga na niyan ng
sandali ang mga utak namin sa pag-aaral.
FIRST DAY NG SEMBREAK
Morning..
Kakagising lang, nakahilata pa rin sa kama.
Knock knock knock… May kumakatok mula labas ng bahay namin, di nako
lumabas dahil narinig ko si Mama na palabas na at siya na ang tumingin dito.
“Jake!! May bisita ka, ‘yung kaklase mo.” Sigaw ni Mama mula sa labas
naisip ko na si Michael ‘yun dahil sa sinabi niyang di niya ako tatantanan
hanggat hind maging kami.
Parang ambivalence yung feeling, masaya ako na nandiyan siya pero
natatakot din na baka malaman ng iba ang namamagitan sa amin. Palagi niya akong
pinapasaya at ramdam ko na walang hinihinging kapalit ang mga yun. Palagi
siyang hahawak sa aking mga kamay sa twing walang nakakakita pero pilit ko
itong inaalis, di lang dahil sa baka may makakakita kundi ang akward nung
feeling, ewan ko kung bakit.
At dahil sa araw araw niyang pagungulit ay napa-oo na niya rin ako,
naging kami na.
Isang araw ay viewing of grades na, nagpaalam ako kay Mama na pupunta
ng school para magview ng grades at lilibot na din pagkatapos.
Nagkita kami ni Michael sa kanto namin para magsabay na pumunta ng
school. Pagdating ko ng kanto ay wala pa si Michael pero mga dalawang minuto
lang ay nandun na rin siya, hinalikan niya akosa pisngi dahilan upang maitulak
ko siya para umiwas dahil baka may makakita sa amin, nasa kanto lang ako, baka
may makakitang kakilala, hinawakan niya ang kamay ko habang tumatawid ng daan
pero di ko na naalis ang aking kamay dahil mahigpit ang hawak nito.
Nang nasa school ay dumiretso na kami sa University Library dahil doon
ang pinakamalapit mula sa kinalalagyan namin para mag-view ng grades.
Ayos naman ang mga grades ko.. Halos 1.50 mga ito at 1.75 at ang
pinakababang grade ko ay ang Theology na 2.25 sayang nga lang dahil kung naging
2.00 yun eh may chance pa na maging dean’s lister pero ayos na rin yun. Halos
magkasing grades lang din kami ni Michael pero ang pinakamababa niyang grade ay
Algebra na 2.50 lang pero tuwang tuwa na siya doon dahil 2.75 nga lang yun ng
midterms.
Naglibot na kami pagkatapos, lakad dito, lakad doon, kain dito, kain
doon at nanood din kami ng sine. Wala masyadong nanunuod kaya hinawakan niya
ang mga kamay ko dahil wala din naman nakakakita at dahil na rin madilim.
Panay ang titig niya sa akin at may balak gawin, tila gusto nitong
humalik pero hindi ko pinansin. Ayoko ko din may mangyari na ganung halikan,
lalo na sinehan yun.
Pagkauwi ay hinatid ako ni Michael sa bahay namin. Naabutan namin si
Mama, tila may hinihintay at sinabing “Saan kayo galing?”
Pagtataka ko dahil nagpaalam naman ako sa kanya at tila galit ang tono
nito ng pagtatanong. Sinabi ko na tumingin ng grades at lumibot pagkatapos na
nagpaalam din ako sa kanya na ganun nga ang gagawin ko.
“Pumasok kayong dalawa, mag-usap tayo.” Sabi nito.
Sa pagpasok ay naramdaman ko ang tension, di ko alam pero may
nararamdaman akong may hinala na sa amin si Mama. Umupo kaming tatlo.
“Sabihin niyo sa akin ang totoo.” Pagsisimula ni Mama na nakapagpabilis
ng tibok ng aking puso.
“May namamagitan ba sa inyong dalawa?” tanong nitong seryoso.
Walang sumagot sa aming dalawa.
“Nakita kayo ni Temyong sa kanto nung bumibili siya ng pandesal.”
Dagdag nito na lalo nagpabilis ng tibok ng puso ko, di ko alam ang sasabihin,
di ko alam ang gagawin.
“Tita..” sabi ni Michael “Mahal ko po ang anak niyo, patutunayan ko
po—” natigil ito sa pagsasalita dahil tumayo si Mama tila ayaw marinig ang kung
anumang kanyang sasabihin.
“Layuan niyo na ang isa’t isa.” Sabi ni Mama at napaluha ako dahil
kakakilala ko lang sa isang taong nagparamdam sayo na mahal ka pero
pinaghihiwalay na kayo ng tadhana. “Sinisira niyo lang kinabukasan ng bawat
isa. Sinisira niyo ang buhay na meron kayo!” Umalis na ito na tumungo sa
kanyang silid.
Wala na kaming nagawa ni Michael. Ni di man lang namin naipaglaban kung
anong meron sa aming dalawa. Ako na ang naki-usap kay Michael na itigil na nga
namin ang ugnayan namin kahit masakit na ito sa akin, kahit parang dinurog ang
puso ko at nadaganan ng sampung truck sa bigat nito.
Lumipas ang mga araw na malungkot lang ako, nagkukulong sa kwarto, di
kumakain, di nagsasalita, sinusuntok ang sarili, inuuntog ang ulo sa pader,
naisipan ko ring maglaslas ng pulso para matuluyan nako. Hanggang sa enrolment
na at din a rin ako nakapagenrol at di narin pumasok sa eskwelahan. Di pa din
ako makapag move-on sa pangyayari. Bakit nalang hindi ako tanggapin ni Mama sa
kung ano ako, sino ako? Alam ko na iniisip niya lang kinabukasan ko pero kung
hindi yung kinabukasang iniisip niyang makakabuti sakin eh hindi talaga ang
kinabukasang makapagpapasaya sa akin? Bakit ayaw akong maging masaya ni Mama?
Nakiusap ako sa kanya pero wala, wala ring nangyari.
Hanggang sa di ko na alam na na-ospital na ako.
Pagkagising ko wala akong bantay. Pati na rin yung mga katabi kong mga
pasyente, tinawagan ko ang nurse na malapit lang sa akin.
“Nagkamalay na ang patient natin sa Bed 2” sabi ng isang nurse na nakapansin
na nagkamalay na ako. Natuwa lahat sila. Di ko alam pero bakit parang ang OA
nila, yung isa pa nga eh naluluha pa.
Ang isang nurse, kinausap ako kung kamusta na ang pakiramdam ko.
Binanggit nitong nasa ICU ako at bawal ang bantay, twing visiting hours lang
pwedeng bumisita ng mga 30 minutes, which is 10am-5pm eh 9am pa lang.
Nalaman ko ding 8 months nakong nasa coma state, nagkaroon ako ng
severe brain injury dahil sa paulit ulit kong paguntog ng ulo sa pader na
nag-cause ng cerebral bleeding na nag-cause ng insufficient oxygen sa utak.
“Every one of us is expecting na di ka na gigising dahil averagely,
weeks to months lang eh nagkakamalay na ang mga pasyente in coma state. I gave
your mother ng suggestion na i pull-out nalang ang life support mo para bigyan
ka nalang ng peaceful death pero di pumayag ang nanay mo, ipinaglaban ka niya.”
Sabi ng doktor pagkadating na naging sanhi ng pagluha ko. Hindi ko narealize na
ganun pala ako kamahal ni Mama, inisip ko lang ang sarili ko, inisip ko kung
sino magmahahal sa akin pero siya di ko man lang nasuklian ang pagmamahal na meron
nsiya para sa akin.
[Jake’s Mother POV]
Naging masakit para sa akin na nasasaktan
ang anak ko, di kumakain, walang gana, di na naisip pumasok sa school na dati naman
ay di ko na kailangan pang sabihan na pumasok, mag-aral ng mabuti.
Di ko alam kung tama ang naging desisyon ko
na huwag hayaan ang relasyon ng kanyang kaklase na parehong kasarian. Pero
naging ganito ang naging bunga ng desisyon ko, nasa coma state na si Jake, para
siyang nalalantang gulay, walang malay, walang buhay na masasabi. Kaya dahil
dito ay pinangako ko sa sarili na kapag nagkamalay na siya ay hahayan ko na
siya sa gusto niya tutal matanda na rin siya, alam na niya ang kanyang ginagawa
sa kanyang buhay. Pero nung sinabi ng doktor na Malabo na magkamalay pa ang
anak ko, para narin akong namatay, naluha na lamang ako. Naisip ko na hindi ako
naging mabuting ina sa aking anak. Kung sana lang hindi ko siya pinigilan sa
kanyang gusto at hindi ako nagpaapekto sa nakaraan ko na ayaw kong mangyari din
sa kanya.
Hinanap ko ang kaklase ni Jake, si Michael.
Ipinaliwanag sa kanya ang dahilan kung bakit ba naging hindi ako naging sang
ayon noon sa kanilang ugnayan…
‘Yun ay dahil sa yun ang dahilan kung bakit
nagkahiwalay kami ng Tatay ni Jake. Bago pa man kami ikasal ng Tatay niya ay
alam ko ng silahis siya dahil inamin na niya ito sa akin pero dahil mahal ko
sya ay tinanggap ko siya ng buong buo pero huli na ng nalaman kong hindi siya
faithful sa akin, nakikipagtalik pa din ito sa iba na kapwa niya lalaki rin at sinaktan
din ako. Pinapili ko ang tatay niya kung ako o yung mga ka-sex niya, sa di ko
inaasahang sagot ay pinili niya ang mga yun, bigla nalang siyang nawala at hindi
na nagpakita pa.Nung lumalaki pa lamang si Jake eh napapansin ko na iba ang
kilos niya, parang kagaya din siya ng Tatay niya pero hinde! Hindi pwede! Hindi
siya katulad ng tatay niya, yan ang itinatak ko sa utak ko mula noon kaya hindi
naging madali sa akin na tanggapin kung ano man siya ng malaman ang namamagitan
sa inyo. Natakot akong kung lalaki siyang kagaya ng Tatay niya eh may masaktan
din siyang kagaya ko, later on maghihiwalay sila at wala na siyang makakasama
sa kanyang pagtanda na ikinatatakot ko.
Naintindihan ito ni Michael at sinabing kung
ako din po siguro sa kalagayan niyo ay gagawin ko din po kung ano ang ginawa
niyo, kasi mahal niyo lang po siya at yun ang naisip niyong makakabuti.
Sinamahan niya ako sa araw-araw na
pagbibisita ka Jake sa ICU. Naramdaman kong malinis nga ang kanyang hangarin sa
aking anak. Narealize kong hindi rin naman pala talagangimposibleng magmahalan
ang dalawang magkapareho ng kasarian. At least naging panatag ang loob ko na
mahal niya rin ang anak ko gaya ng pagmamahal ko sa kanya.
Nang sumapit na ang 10am, nakapasok na sina Mama at Michael, hindi ko
alam kung ano ang nagyari at nandoon din si Michael, naisip ko baka
hallucination ko lang na nandoon nga siya pero nang makalapit sila ay niyakap
ko sila ng mahigpit kahit na medyo matamlay pa din ang aking katawan. Totoo
nga, totoo ngang nandito rin si Michael! Hindi ko lubusan maipaliwanag ang saya
pero ang alam ko lang ay simula ito ng bagong buhay, buhay na masaya sa piling
nila… :]
THE END
0 Comments