A Curse In A Lovely Way
Written by Jordan Dula

CHAPTER 1: Hi! Meet me, I am Jonathan Alcantara

Ang araw-araw sa buhay ko ay nakakabagot, walang saya, walang buhay. Ako ang pamosong si Nathan. “Nathan, The Cursed Man”
                Ako ang lalaking isinumpa. Isinumpa sa maraming paraan. Sa pamilya, kaibigan, pag-aaral at sa napakarami pang mga bagay. Kung ikaw ako, mas nanaisin mo pa sigurong ‘wag na mabuhay sa mundong ito.
                Araw-araw ay gumigising ako sa napakalaki at napakalambot kong kama. Satingin ko nga ay ang buong baranggay namin ay kakasya dito eh. Karamihan ng mga tao ay ninanais ang buhay na meron ako pero hindi nila alam na isang sumpa ang mabuhay bilang si Jonathan Alcantara.
                Ako, Jonathan Alcantara, ang sinumpa ngunit maraming mga paraan para aliwin ang sarili. May malabong na buhok na kulay itim, bilugan ang mata, may kalakihan ang tainga, aquiline type na ilong at manipis na labi, Moreno at medium built ang katawan.
                Ang mga magulang ko ay pamoso sa laragan ng pagnenegosyo, sila lang naman ang may-ari ng Alcantara’s Grille: Bar and Resto na may 32 na braches sa Central Luzon. Madalas ay hindi na nakakauwi ang mga magulang ko dahil sa busy sila masyado sa pagnenegosyo.
                “Senyorito Nathan!!! Breakfast’s Ready!” sigaw ni Inday, ang pinakamatagal na naming kasambahay. Araw-araw ganyan ang sigaw niya sa umaga para ipaalam na luto na ang almusal dahil hindi ako lalabas ng aking silid hangga’t walang pang pagkaing nakahain.
                Dali-dali akong bumaba mula sa ikalawang palapag dahil maraming mga bagay akong balak gawin ngayong Sabado upang pawiin ang sarili sa pagka-bagot sa walang kabuhay-buhay na tahanang ito.
                “Senyorito, kakain na po ba kayo?” magalang na tanong ni Inday.
                “Ay hindi. Magsha-shower siguro ako ng java rice, bacon, spam, tocino at tuyo?” pamimilosopo ko na nagpatikom sa bibig ni Inday.
                Nang makita ko si Nene, anak ni Inday, ay inaya ko itong sabayan ako sa pagkain. “Nene, samahan mo na akong mag-almusal”
                Napatingin si Inday sa akin tila may hunch ito na may gagawin nanaman akong kalokohan. Ngunit si Nene ay napaka-inosente pa ay walang pag-aalingan umupo at sinabayan ako sa pagkain.
                “Hep hep hep!!!” pinigilan ko munang kumuha ng pagkain si Nene.
                "Hooraay!!!" sagot naman neto, hala! game show?
                “Yung tuyo lang kunin mo!” sabi ko sa kanya.
                Sumunod naman siya sa akin. Kala ko magpipilit siya na kumuha ng bacon o ng spam. Oh well, siguro sanay na siyang kumakain ng maalat na isdang iyon. Akala ko maasar ko siya sa pamamaraang iyon. Pero hindi na bale, may plan B pa naman ako para mapagtripan ko siya. Wala siyang kaalam-alam na nilagyan ko ng mighty bond ang upuan niya.
                “Nay…” sabi ni Nene sa nanay niyang si Inday. “Nawiwiwi ako.”
                “Ne.. Edi tumayo ka at pumunta sa palikuran.” Sagot ni Inday.
                “Eh dumikit ang salawal ko sa upuan eh.” Sabi ni Nene at nagsimula na itong umiyak ng napakalas tila makakabasag na ito ng salamin.
                Napatingin sa akin si Inday at tila alam na ako nga ang may gawa noon ngunit wala siyang magawa dahil hindi niya makakayanang mawalan ng trabaho dahil iniwan siya ng kanyang asawa at wala ng iba pa pang pwedeng bumuhay at magpa-aral sa mga anak niya kung hindi siya lang.
                Pagkatapos kong kumain ay napasarap ng pakiramdam ko pero hindi dahil sa busog ako, yun ay dahil successful ang unang plano ko, ang sarap magpa-iyak ng batang iyakin. Haha. Dali-dali na rin akong nag-shower at tinawagan ang isa sa mga kaklase ko, si Fred, isang nerd at uto-utong nilalang.
                “Hello, sino ‘to?” tanong ng nasa-phone na si Fred.
                “This is Nathan –” pagpapakilala ngunit binabaan ako ng telepono. May pagkabastos din tong mokong na ‘to ah? Tinawagan ko ulit siya at sinagot naman niya.
                “Hello?” sabi niya.
                “Well I guess, alam mo na?” tanong ko.
                “Ayoko!!!” sigaw niya.
                “Ayaw mo?” tanong ko. “May reward kang two thousand pagkatapos.”
                “Ah.. Eh..” pag-aalangan pa niya ngunit um-oo din. “Sige na nga, payag nako. Anong oras ba?”
                “Mamayang gabi, alas-otso. Mag-eenjoy ka din naman alam ko, may tip ka pa, swerte mo lang.”
                At ayun na nga, mag-aalas otso na at naroon na ako sa meeting place namin. Naeexcite nako sa pwedeng mangyari sa gabing ito. Nagkita kami sa may lumang sinehan na adult movie ang pinapalabas. Maya-maya pa ay nandiyan na rin si Fred.
                “Oh, nabili mo niyan kailangan natin?” tanong ko.
                “Oo naman.” Sagot niya.
                Pumasok kami sa sinehan. Ako na ang nagbayad, tag-singkwenta pesos ang isa. Sumipat kami ng magandang pwesto at sinimulan na ang plano.
                Nilagay ko ang syringe sa isang seat na nilagyan ko ng note na “CONGRATULATIONS! You are now a HIV-positive!” na kahit hindi naman totoong HIV infected ang syringe na iyon. Naghintay kami ng ilang minuto para may mabiktima. Maya-maya ay dalawang lalaking dumating, mukhang magjowa. Pumuwesto sa kadulu-duluhan. GOTCHA! Saktong-sakto, paupo sila dun sa upuan na nilagyan namin ng syringe.
                “OUCH!!!” sigaw nung bading tila nabigla sa pagkatusok ng syringe sa kanya at nakuha pa niya ang atensyon ng mga nanunood sa sinehan.
                Halos sasabog na kami ni Fred sa pagpipigil ng tawa namin dahil sa pagkakasigaw at nang mabasa yung note halos maiyak-iyak ‘yung bading. Dali-dali na rin kaming lumabas ng sinehan at sa labas na namin inilabas at tawang naipon sa loob ng sinehan. Ang sarap nung feeling ng may napag-tripan ka, 'di ko maipaliwanag pero kakaibang saya ang dulot nito.
                At para sulit din ang babayaran kong two thousand kay Fred ay inilabas ko na ang Math notebook ko at pinagawa sa kanya ang assignment ko. Ginawa niya naman ‘to habang kumakain ng barbeque sa may tabi.
                “Oh ayan, tapos na assignment mo.” Ibinigay sa akin ni Fred ang notebook ko.
                “Okay!” sagot ko. “Sige, tapos na mission mo. Bye!”
                “Sandali!” sigaw niya. “Yung reward ko?”
                “Ah.. Oo nga pala.” Pagkukunwari kong nakalimutan ko. “Gusto mo ba talaga ng reward? Baka magsisi ka?”
                Napaisip siya muna. “Siyempre naman! Di ko naman gagawin mga utos mo kung walang reward nu.”
                “Sure ka ah?” pag-uulit ko habang iniaabot ko ang one thousand peso bill sa kanya.
                “Kulang pa ng isang libo.” Pangungulit niya.
                “Eto na.” sagot ko.. At ito na ang pinakahihintay kong sandali.. Dahan dahan kong iniabot ang isang libo.
                Kinuha niya ito at napatigil sandali.
                May naramdaman siyang something sticky pagkakuha sa pera.
                Tinignan niya ito at nakita niya ang isang malaking… KULANGOT!!! XD
                Sumabog ako sa kakatawa. Pauwi na lang at quotang-qouta pa din ako sa kakatawa.
                At ayun, wala naman siyang magagawa dahil alam naman niya ang kaya kong gawin pag nanlaban siya. Naghiwalay na kami ng landas at nagsiuwian na.
                Pagkauwi ng bahay ay napansin kong naroon ang kotse ni Mama sa garahe. Dali-dali akong umakyat sa silid niya ngunit tulog na ito kaya hindi ko na nakausap. Wala naman akong importanteng sasabihin ngunit gusto ko lang siyang makausap dahil miss na miss ko na siya dahil tatlong linggo na ‘yung nakalipas nung huli siyang umuwi at ‘di ko rin naman siya nakausap noon dahil may ginagawa pa din siyang paper works na kahit na nasa bahay na.
                Kinabukasan ay maaga akong gumising. Excited. Tumungo kaagad ako sa silid ni Mama ngunit wala siya roon. Baka nag-almusal na yan ang naisip ko ngunit pagkababa ko ay wala rin siya roon.
                “Ay, senyorito…” sabi ni Inday. “Si senyora po ba hinahanap niyo?”
                “…” wala akong nasagot kundi isang tango lang.
                “Umalis na po eh.. Nagmamadali” sabi niya. “Di na po ba kayo nasanay— ”
                “Shut up.” Sabi ko na nagpatigil sa kanya sa pagsasalita. Umakyat ako sa aking silid, nagmukmok, nagkulong. Hinatiran ako ng pagkain ni Inday sa aking silid ngunit ‘di ko rin naman ito kinain. Wala akong gana.
                Palaging ganito nalang ang buhay… Hindi na masaya, minsan nga iniisip ko nalang magpakamatay ngunit hindi ko magawa, hindi ko alam kung bakit pero alam ko darating din ang araw na sasaya din ang buhay kong ito – kahit papaano.