A BOY’S STORY / A GIRL’S STORY
Written by Jordan Dula
Salamat din sa mga nagvote ng LOVE TEAM para kay Jake ay yan ay sina: ramy from qatar; -cnjsaa-; Hotako D 220; j.v; J.R.S from Pampanga (San ka pala sa pampanga? hehe); jhay rotia; dereck; mike; -tomo3-; Boss J; Jun; R.J.; at sa mga anonymous :)
Paki suportahan nalang po natin ang mga blogsites ko:
Note: This story is a fiction. Kung meron mang anong pagkakahalintulad sa buhay niyo o ng kakilala niyo, gaya ng pangalan, pangyayari at iba, ay maaaring nagkataon lamang at hindi sinasadya.
A Boy’s Story: Chapter 6
Dahil sa sobrang galit ko ay para na akong papatay ng tao. Ngayon ko lang naramadaman ang ganito, ang sobrang galit, nakakaubos na ng pasensiya ang ganito eh, ‘yung tipong binabastos ka dahil sa pagkatao mo. Alam ko, ‘di ako perpekto na tao pero alam ko naman sa sarili ko na ‘di ko deserve ang ganoong pambabastos dahil hindi ako tumatapak ng ibang tao.
Lalapitan ko pa sana siya para humabol pa ng suntok pero naramdam ko na lang na inaawat na pala ako. Dahil sa tindi nga ng galit ko eh hindi ko napansin na si Michael na pala ang umaawat sa akin.
“What’s going on here!?” pasigaw na tanong ni Miss Yumul.
At ayun na nga, ichinismis na kaagad ng mga kaklase ko ang nangyari.
“Bigla na lang pong tinulak ni Jake si Carlo.” Sabi ng isa kong kaklase na tila di alam ang buong pangyayari.
“Hindi! Nauna si Carlo, iniinis niya si Jake.” Sagot naman ng isang kaklase na babae at nagsmile siya sa akin. Weird.
“Mr. Jake Delos Reyes and Mr. Carlo Vicente, right?” Tanong ni Miss Yumul sa amin.
Nanatiling nakayuko lang si Carlo. Ako naman ay tumango.
“We’ll talk, both of you, about this issue later after you accomplish your experiment.” Sabi ni Miss Yumul nanatili namang kalmado.
“Paki-linis nalang yang mga nabasag na instruments, regarding sa mga yan, you’ll have to replace or pay those na nabasag niyo. Pasalamat nalang kayo eh hindi ‘yung mga mamahaling instruments ang mga pinahiram ko sa inyo kundi, baka isang taon niyo ng allowance eh di pa kumasya pambayad.” Dagdag ni Miss Yumul.
Nanatili lang akong walang imik buong oras, wala sa sarili, ganun din si Carlo, tulala lang kaya sina Michael at Shane na muna ang nagleader at assistant leader samantalang ako naman ang secretary at si Carlo naman ang maghuhugas ng mga equipments.
Hindi ko lubos maisip na hindi ko napigilan ang sarili ko sa ganitong bagay lang. Nahihiya ako sa sarili ko dahil ang pagkakakilala ko sa sarili ko ay isang taong mapagpasensya pero bakit ganito? Siguro nga tama sila, mas mahirap kilalanin ang sarili kaysa pagkilala ng ibang tao.
Nakuha na halos matapos ang experiment ay wala pa rin akong kibo.
“Ayos ka lang ba?” tanong ni Shane.
“Oo, ayos lang ako.” Matipid kong sagot kahit sa loob loob ko ay ay ayos ag pakiramdam ko. Narealize ko na totoo pala ang sinasabi nila... Ang katagang ‘I’m fine’ na ang pinakahindi totoong sagot ‘pag tinatanong ka kung kamusta kana.
At umupo sa tabi ko si Shane inakbayan. Gumaan ang pakiramdam ko dahil dito, naramdaman ko na may taong narito lang para sa akin para maging maayos lang ang pakiramdam ko pero sa tingin ko a mas magiging maayos ang pakiramdam ko kung si Michael ang umaakbay sa akin ngayon pero ganun pa man, okay na din ‘to, siguro ‘di nga si Michael ang taong ineexpect kong magiging caring para sa akin.
“Okay, tapos ko na gawin ‘yung experiment.” Sabi ni Michael.
Sinulat ko na ang mga sagot ni Michael sa group notebook namin samantalang sila naman ay nagsulat sa individual experiment paper.
Dahil sa mabagal talaga akong magsulat at wala pa din ako sa mood eh ako nalang pala ang nagsusulat sa aming grupo. Pagkatapos kong magsulat sa group notebook ay magsusulat na sana ako sa sa individual paper pero ‘di ko makita ang photocopy ko ng experiment.
“Eto ‘yung paper mo.” Sabi ni Carlo. “Pinagsulat na kita.” At ngumiti siya sa akin pero ramdam ko ang lungkot sa likod ng ngiting iyon.
‘Di ko naman ngayon malaman ang mararamdaman kung maiinis pa din ako sa kanya o maawa. Ah!!! Ewan!
Kinuha ko ang photocopy ko sa kanya at chineck ito kung tapos na nga at ayon, ayos naman, in fairness, maganda sulat niya, parang sulat pambabae.
Pinass na namin kaagad ‘yung experiment namin at binalik na namin ang hiniram naming equipments and materials.
“ Ms. Concepcion and Mr. Dominguez, you two can now go. For Mr. Delos Reyes and Mr. Vicente, you two must stay, we’ll talk about what had happened a while ago.” Sabi ni Miss Yumul.
Pinanarrate ni Miss Yumul sa akin kung ano ang nangyare.
“...” di ako nakasagot.
“Ma’am, kasalanan ko po ang lahat. Ako ang nag-umpisa, pinrotektahan lang po ni Jake ang sarili niya. Pasensiya na po sa abala. Ako na rin po ang magababayad ng mga nabasag kanina.” Sabi ni Carlo.
“Ma’am, ayos na po ba? P’wede na po ba kami mag-lunch break?” dagdag ni Carlo.
“No, I need to talk with both of your parents or guardians next week, during our schedule.” Sabi ni Miss Yumul.
“Ma’am, ‘wag na po, please? Ako na rin naman pong magbabayad ‘di ba” sagot ni Carlo na halata ko namang nag-aalala.
“This is not just about those broken equipments na kailangan niyong palitan o bayaran but also, your parents should be aware of the troubles you are in.” Sagot ni Miss Yumul. “If ever na di niyo ininform ang parents niyo about this, we have other ways to talk with your parents. Remember, we have documents in the registrar’s office, we could vist your parents at your home anytime. Mas nakakahiya naman siguro if malaman ng parents niyo na di niyo sila iniinform na may ganito kayong issue dito sa campus.”
At hindi na nga nakasagot pa si Carlo. Di ko man alam ang laman ng isipan niya eh alam ko naman na nag-aalala siya na pagalitan siya ng parents niya.
At pinalabas na nga kami ni Miss Yumul. Pagkalabas namin ay naroon pa pala sina Michael at Shane na akala ko ay naglunch na.
“Oh, lunch na tayo?” tanong ni Michael.
“Sige, tara, gutom na din ako eh.” Sagot ko kahit hindi naman ako masyadong gutom. Pinipilit ko lang na magmukhang okay lang kahit hindi masyado dahil sa maiistorbo ko si Mommy ng isang araw niya ng trabaho.
“Ikaw Carlo? Sabay ka na sa amin?” tanong ni Michael kay Carlo.
“Hinde. Kina Nate ako sasabay.” Sagot naman ni Carlo.
“Umalis na kaya sila kanina pa.” Sabi ni Michael.
“...” wala ng nasagot pa si Carlo.
“Oh ano? Sabay ka na sa amin?” tanong ulit ni Michael.
“Busog pa ‘yan! Tara na!” pumagitna na ako sa pag-uusap nila dahil ayokong makasabay ‘yang Carlo na ‘yan baka kung ano pangti-trip na naman ang gagawin sa akin.
“ ‘Di pa kaya siya kumain. Isama na natin siya, mukha namang nagsisisi na siya sa nagawa niya kanina sa’yo eh.”
“Wala sa mukha ‘yan noh? Kahit ako naman kaya kong gawin ‘yan ee” sabi ko. Ewan ko ba, patuloy lang akong sa pagsasalita ng masama sa kanya pero parang pati damdamin ko nasasaktan. ‘Di kasi ako sanay ng ganito, may kaaway, ayaw ko nun eh, parang ambivalence ‘yung nararamdaman ko.. tipong gusto kong pagsalitaan siya ng masama pero masakit din para sa akin na ginagawa ko iyon.
Hanggang sa wala na nga akong nagawa kundi pumayag na sumama siya sa amin mag lunch, at least ngayon lang naman siguro siya makikisabay kaya ayos na lang din.
Pero mali pala ako dahil sa sumunod na araw eh kasabay nanaman pala namin siyang maglunch. Bwiset naman oh!
Hanggang sa dumating na ang next week at kailangan papuntahin ang parents sa school dahil nga sa nangyari sa amin ni Carlo.
Ikinwento ni Miss Yumul ang nangyari sa nanay namin.
Nahihiya ako kay Mommy nung panahong ito dahil ayokong nagbibigay ng problema sa kanya pero ganito na nga ang nangyari.
Si Carlo naman nanatiling nakayuko, walang imik.
“Nakakahiya naman po kung kayo lang ang magbabayad ng mga nabasag nila.” Sabi ni Mommy sa nanay ni Carlo. “Parehas lang naman na may kasalanan ng anak natin.”
“Huwag na, nakikita ko sa inyo na mas kailangan niyong magtipid, sa amin barya lang ‘to.” Sagot ni Mrs. Vicente.
Lumabas ng room si Carlo.
“Ako na humihingi ng tawad sa nagawa ng anak ko. Nagpapapansin lang talaga iyan, minsan mali lang ang paraan niya para mapansin. Kasalanan na rin namin siguro ng ama niya bakit siya nagkaganyan. Palagi kami kasing busy sa negosyo namin kaya di na namin masyadong napagtuonan ng pansin ang paglaki niya.” Sabi ni Mrs. Vicente na halata ang hiya niya sa amin.
“Sana kahit nagkaganoon kayo ng anak ko eh wag mo siyang iwasan. Gusto ko kasi sana na magkaroon siya ng mga kaibigan kasi sa bahay, palagi lang ‘yan nagkukulong, palaging malungkot, mag-isa.” Sabi ni Mrs. Vicente. “Sana magbalik ‘yung dating Carlo, ‘yung Carlo na palaging masaya, mabait, walang sinasaktang iba.”
At nakuha na ngang matapos ang pag-uusap namin kay Miss Yumul.
Lumabas na kami ng room.
“Bye Mom!” sabi ko kay Mommy. “Pasensya na ah, naabala kita ngayon”
At umalis na nga si Mommy.
Babalik na sana ako sa Chemistry Lab kung saan sinimulan na nila Michael at Shane ang experiment pero may pahabol pa na sinabi sa akin si Mrs. Vicente.
“Jake anak, pwedeng manghingi ako ng favor sa’yo?” tanong niya.
“Ano po ba iyon?” sagot kong patanong.
“Pwede ba iinform mo ako kung ano ang mga ginagawa araw-araw sa school ni Carlo?” tanong niya.
“Ah paano naman po?”
“Text mo lang ako o kaya tawagan. Nag-aalala kasi ako sa kanya, di ko na alam ang nangyayari sa buhay niya.” Sabi niya. “Dati kasi, nung bata pa yang si Carlo palakwento iyan, kinekwento niya lahat ng nangyayari sa school niya kaso unti unting nagbago iyon di naman malaman ng tatay niya kung bakit. Tinatanong naman namin siya pero di rin naman sumasagot.”
“Ah.. Eh.. Di ko po mapapangako na makakatext po ako sa inyo. Di naman po kasi ako nagloload madalas, kapag lang kailangan ko, kailangan po kasing magtipid.”
“Ganun ba?” tanong niya sabay dukot sa bulsa niya ng kanyang wallet. Inabot niya sa akin ang isang libong piso.
“Ay naku po tita, ‘wag na po, nakakahiya.”
Pero nag-insist siya kaya wala na din akong nagawa. Ang kulit ng nanay ni Carlo! Haha, kaya di kataka takang makulit din ang anak niya.
May ilan pang mga bilin si Mrs. Vicente na hindi na ako nakatanggi dahil sa naabutan na niya ako ng pera dahil kung tutuusin, sobra sobra na ang isang libo, para lang pang text sa anong nangyayari kay Carlo.
At bago kami naghiwalay ay may ibinigay siyang card.
“Ah, muntik ko ng makalimutan, eto, calling card card ko, nandiyan ang cellphone number ko. Salamat ah hijo. Sige, mauna na ako, may mga bagay pa kasi akong kailangang asikasuhin.”
At ayun, napasubo nga ako sa favor ng nanay ni Carlo. Hay naku! Dapat kasi sa una pa lang sinabi ko na di pwede humingi ng favor ee.. haha
Itutuloy...
A Girl’s Story: Chapter 6
At dali-dali ko ngang pinuntahan si Ma’am Yumul para paalam na nagkakagulo sa Chemistry Lab.
Tinanong niya sa mga kaklase namin kung ano ang nangyare at kinausap niya sina Jake at Carlo at sinabihan na mag-uusap sila after ng experiment.
Dahil sa napansin namin nina Michael na tila wala pa sila sa sarili eh kami na muna nagpresenta na maging Chemist at Assistant Chemist, sila naman ang secretary at cleaner.
Madali lang yung experiment na ginagawa namin, lahat naman kasi ng gagawin eh nakasulat na dun sa photocopy at may guide din sa whiteboard.
Naging masaya ang experiment na to dahil puro kulitan lang kami ni Michael na halos makalimutan na namin sina Jake at Carlo.
Malapit na kaming matapos pero may gagawin muna daw kami ni Michael since madami pang oras.
“I-comfort mo si Jake, ako naman kakausapin ko si Carlo sa labas tungkol sa nangyare kanina.” Utos niya.
Nasiyahan naman ako dito, friend na talaga ang dating sa akin ni Michael, parang gumagawa siya ng paraan para magkalapit kami ng Jake ko! ^^, chance ko na ‘to! Hahaha
Umupo ako sa tabi ni Jake at inakbayan siya pero di ako umimik. Binigyan ko siya ng panahon makapag-isipisip at pinaramdam ko na lang na andito lang ako para sa kanya di lang sa oras na masaya siya, kundi pati na rin sa malungkot na panahon.
Maya-maya pa ay naramdaman ko nalang na lumuluha na siya. Kumuha naman ako ng tissue para punasan ang luha niya. Ramdam ko ang lungkot na nararamdaman niya, para talagang may special connection between sa aming dalawa. Siya na talaga ang pangarap ko, tadhana ko :)
Pagkatapos na ng experiment ay sinulat na namin ang sagot dun sa photocopy. Samantala si Jake naman sa group notebook muna siya sumulat. Ang bagal niyang sumulat, walang gana. Kukunin ko na sana yung photocopy ni Jake para pansulat ko kaso na kay Carlo na pala ito at sinusulatan na.
“Hayaan mo na siya magsulat.” Sabi ni Michael at ngumiti.
Umakbay sa akin si Michael at bumulong sa akin.
“Hindi naman importante kung sino ang tama at kung sino ang mali sa kanilang dalawa, ang importante lang, marunong silang magpakumbaba at aminin sa isa’t isa ang pagkakamali nila.” Dagdag niya.
Naramdaman ko ang gustong gawin ni Michael at ‘yun ang pagbatiin sila ni Jake. Naramdaman ko ang pagkamabait talaga ni Michael, ako nga ee di ko inisip na pagbatiin sila kundi ang naisip ko eh awayin ko din si Carlo dahil inaway niya si Jake ko. :P
Pagkatapos ng pagsusulat ay ipinass na namin group notebook at individual papers namin at ibinalik na rin ang mga equipments na nahugasan na ni Carlo at pagkatapos noon ay kinausap na sina Carlo at Jake ni Ma’am Yumul. Napagdesisyunan namin ni Michael na hintayin na sila at sabay sabay nakaming mag lunch.
Naging maayos naman ang lahat, mukhang ayos lang naman na sabay sabay kaming kumain pero ganunpaman nanatiling tahimik sina Carlo at Jake.
Sa mga nagdaan pang mga araw ay napagdesisyunan namin na isabay na si Carlo araw araw sa lunch, kahit medyo alangan pa ang dalawa ay wala na rin naman silang nagawa.
Friday: Kaming apat na talaga magkakasama kahit di nagkikibuan ang dalawa.
“Tignan niyo oh? Si Carlo kasama na palagi ang mga losers!” sabi sabay tawa ni Nate. “Baka mahawa sa sa kafederasyon na si Joyce!” at nagpatuloy nga ang grupo nila sa pagtawa.
Naramdaman ni Michael na parang mapipikon na si Carlo kaya inawat na niya ito wala pa man.
“Tandaan mo, iba ang pagiging disiplinado sa duwag.” Sabi ni Michael kay Carlo. “Huwag na huwag mong iisipin na duwag ka dahil di mo sila nilalabanan.”
At kumalma na nga ng konte si Carlo dahil sa mga sinabi ni Michael sa kanya.
Dumaan ang weekends na puro Jake at Michael lang ang laman ng isip ko. Ewan ko ba ba’t pati si Michael ee di ko maalis sa isipan ko, siguro lang dahil sa sobrang bait at masayahin pa niya. ‘Di ko rin maiwasang alalahanin ‘yung mga pick up lines niya atsaka lahat na ng jokes niya, mula sa mga korni hanggang sa mga nakakasakit ng tiyan san a jokes.
Dumating ang Tuesday at iyon na nga ang araw na pinapatawag ang parents nina Carlo at Jake.
Ako naman ang Chemist at si Michael naman ang assistant. Di naman nagtagal ay bumalik na si Carlo sa Chemistry Lab, iniwan niya pala dun mga parents nila at si Jake. Nahihiya na daw kasi siya sa nanay niya dahil sa ilang beses na niya naexperienced na pinapatawag ng teacher ang parents. At ayun, tatlo na nga kami nagkukulitan.
At dahil sa hindi naman talaga ako marunong o matalino eh tinulunga ako ni Michael sa lahat ng procedure ng experiment, parang siya nga ang Chemist at Assistant lang ako, baliktad.. haha
Itutuloy...
4 Comments
I smell something na. Hehehe!
ReplyDeleteKeep it up Jordan.
Siguro dapat sa BOL lang ako magcomment kasi hindi mo ako nababanggit sa comments mo eh. :(
Nandun po pangalan niu.. hehe Jun po nakalagay :)
ReplyDeletesabi ko na nga ba. si ano tsaka si ano yung magkakatuluyan eh. haha.
ReplyDeletehaha.. wala pang ending ajay.. marami pa pwedeng mangyari. lol
ReplyDeleteat sino pala si ano at si ano? hahaha