A Boy’s Story / A Girl’s Story
Written by Jordan Dula
Chapter 7: A Boy’s Story
Wednesday morning!
Isang magandang gising ang sumalubong sa akin. Maganda ang gising dahil alam kong nawala na sa puso ko ang inis o galit kay Carlo. ‘Di nga naman magandang nagtatanim ng sakit ng loob, kaya dapat matuto tayong magpatawad dahil tayo rin mismo ang mahihirapan kung hindi natin iyon gagawin.
As usual, maaga akong pumasok sa school. At as usual ulet, si Carlo pa din ang nadatnan ko sa room.
“Good morning!” masigla kong bati sa kanya.
“...” ‘Di siya sumagot at ni hindi man lang tumingin.
“Good morning sabi ko.” Pag-uulit ko sa kanya at tinutok ko bibig ko sa tenga niya para mabingi, ‘di ba daw mamansin?
“Narinig ko.” Tipid na sagot niya.
“Hala, ‘di man lang babati pabalik?” sabi ko sa sarili at nagtaka naman ako, parang nung last week lang siya ang nangungulit sa akin bumati ng “Hello!”.
Naramdaman ko iyong kirot sa dibdib ng may binati ka katapos ‘di ka babatiin pabalik. Ganun pala iyong nagagawa ko sa iba kapag hindi ako bumabati pabalik. Ouch! Pero kahit ano naman kasing gawin ko sa sarili ko, ganito na talaga ako, supladito na talaga pero ayos lang, cute naman eh. Haha
Hala! Ba’t wala pa sina Michael at Shane? 5 minutes na lang ah 7:00am na. Wala naman akong makausap dito sa room.
Bumukas ang pinto.
“Good morning class! Bati ni Mr. Gomez, English teacher namin.”
Si Mr. Gomez ay masungit na teacher pero masasabi ko gusto ko siya dahil sa marami akong natutunan sa subject niya at may authority ‘pag nagsasalita. ‘Di tulad ng iba, nagpapaagos sa kung anong gusto lang mangyari ng mga estudyante.
7:08am. Dumating na sina Michael at Shane.
“Sorry Ma’am we’re late.” Sabi ni Michael at yumuko kay Mr. Gomez at tumuloy na sila upuan nila.
“Saan kaya galing iyong dalawang ‘yan at sabay pa pumasok?” tanong ko sa sarili.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si Shane.
“Oh ba’t late na naman kayo?” text k okay Shane.
“Nakalimutan ko kasi gumawa ng assignment kaya ginawa muna namin.” Reply ni Shane
“Assignment? Bukas palang kaya ‘yung mga yun! Wednesday pa lang po kaya.” Text ko. Talagang dalawang eto oh. Wala sa sarili kahit kelan, ‘di kasi nakikinig sa discussion. Pasaway na bata, kelan kaya nila marerealize ang halaga ng pag-aaral? Hay nako.. :P
Hindi kami magkakatabi nila Michael at Shane dahil sa binigyan kami ng seating arrangement ni Mr. Gomez last week nung first day na nagmeet kami. Grabe nga ang seating arrangement eh, napapagitnaan ako ng dalawang barkada ni Nate. Naa out place nga ako. Pinaparinggan din kung minsan.
“Grabe naman no tol? Sadya lang na may mga mang-aagaw ng kaibigan dito sa mundo noh?” sabi ng nasa kanan ko na si Jonathan na alam ko naman na ako ang tinutukoy niya dahil sa ngayon ay kami na ang kasa-kasama ni Carl.
“Huh? Malay ko ba tol, ako ba gumawa ng mundo?” sagot naman ng nasa kaliwa ko naman na si Joseph.
Napangiti ako dahil sa nasabi netong si Joseph.
“Tumatawa ka?” pagsisindak sa ‘kin ni Jonathan.
“May narinig kang tawa?” sagot ko naman ng pasungit.
“Wala, pero...” sagot niya pero inuunahan ko na siya.
“Puwes, ‘di ako tumatawa, ang tawa may tunog. Ngumiti lang ako.” Sabi ko sabay belat sa kanya. “Hindi kaya parehas ‘yun!”
Bumulong naman siya pero ‘di ko narining kung ano dahil sa mahina lang, bulong nga ‘di ba? May bulong bag pasigaw? haha
“Jonathan and his seatmates! Pay attention! If you do not want to listen to our discussion, you better go outside!” sigaw ni Mr. Gomez.
Natahimik naman ako dahil sa pakiramdam ko ay napahiya ako sa klase dahil unang beses kong masabihan ng teacher. Grrrr! Ba’t naman kasi ugok ang mga katabi ko, ‘di ako makapag focus! Pero ganun pa man, pinilit kong making at intindihin ang mga lessons, bulungan lang kasi ng bulungan sina Jonathan at Joseph eh.
Lumipas pa ang ibang mga subjects, ayun, naging maayos naman.
LUNCH TIME!
Tahimik si Carl. Ramdan ko ang titig niya sa akin pero ‘di ko pinapahalatang pinapansin ko iyong pagtitig niya. And weird lang ganoong feeling na may nakatitig sa ‘yo ng di mo alam ang gustong sabihin. ‘Di ko alam ang takbo ng isip ng taong ito oh!?
At ayon, bumili nakami ng makakain sa canteen at nagsimula na nga kaming magkainan.
“Sarap netong kare-kare ni Aling Maring ah.” Sabi ni Carl. Kumuha siya kutsara niya at nilagay sa plato ko. =) ang sweet lang.
“Tikman mo.” Sabi niya sabay ngiting abot tenga. Aayaw sana ako kasi ayaw ko ng kahit anong gulay kaso wala na akong nagawa dahil nalagay na nga niya sa plato ko.
Ewan ko ba. Naramdaman ko na napakasweet ata nitong si Carl. LOL. Mas sweet pa kay Michael.
Pero ganun pa man, ‘di ko pinansin ang kare-kare ni Carl. Ayoko ko nga ng gulay eh, kaso kumuha ulit ng kare kare si Carl sa plato niya at isinusubo niya sa akin. Hala!
Pero di ako ngumanganga. :P
“Nangangawit ako oh.” Sabi niya sabay paawa effect ng mukha niya.
“E di mangawit ka!” sagot ko naman. “May kamay ako nuh! Atsaka ‘di ko naman sinabing subuan moko.”
At inalis na nga niya at biglang naalis ang ngiti sa mukha niya.
Pagkatapos kumain.. BUSOG!! Haha, tumungo na kami sa susunod naming silid-aralan.
Nagpatuloy ang pagke-kwentuhan namin pero si Carlo napansin kong tahimik.
“Tahimik mo ah?” tanong ko sa kanya.
“Wala. ‘Di mo kasi naappreciate ‘yung ginawa ko kanina.” Sagot naman niya.
“’Sus! Yun lang pala eh. Sa susunod kasi ‘wag gulay!!!” sagot ko sa kanya.
“Sarap kaya. Gusto ko lang naman i-share sayo kung gaano kasarap ‘yung kare-kareng iyon. Katapos ‘di mo man lang pinansin.” Sabi niya sabay sad face. :’(
“...” ‘Di na ako nakasagot. Tumahimik na muna din ako at inakbayan siya. Feeling ko kasi nararamdaman niya na ‘di ko naappreciate ‘yung effort niya para magka-close kami kaya inakbayan ko na lang siya gaya nung pag-akbay sa akin nun ni Shane para maramdaman niya na kaibigan naman ako, lagi lang andito. J
Lumipas ang oras pakikinig sa mga teachers namin. Pero sina Shane at Michael, ‘di na natapos ang kwetuhan kahit may teacher na nagdidiscuss.
UWIAN NA!!!
As usual, sabay na naman kami ng pag-uwi ni Michael. As usual ulit, may katext na naman siya kaya nagtext na lang ako sa nanay ni Carlo, ikinwento ko mga nangyari, di naman napa trouble ‘yung anak niya.
Hanggang sa makauwi na kami sa aming kanya kanyang mga bahay.
Chineck ko ang mga stick on notes ko na nakadikit sa pader ng kwarto ko.
Hala! Dami kailangan gawin! Toxic!
For Thursday:
English: Assignment: Read pages 55-62 and answer the questions on pages 62-63.
FilBas: Basahin ang Barayti at Barasyon ng Wika sa pahina 25.
ColAlg: 20 item quiz. Yey! Peyborit subject, Math! Haha
Eto ang mga assignments na akala nila Shane at Michael ay para kanina. Para bukas pa lang kaya mga toh. LOL. Excited much?
Syempre, nagbasa-basa na ako at sumagot ng assignment at nagreview na din ng konti sa Algebra.
Mga 7:30pm na ako natapos. Chineck ko cellphone ko.
Nagreply pala nanay ni Carlo.
“Salamat iho sa araw-araw mo na pag-iinform sa nangyayari sa anak ko sa akin. Salamat din sa pagsama niyo sa kanya sa grupo niyo. Salamat talaga! Hindi ko alam kung paano kita mapapasalamatan ng lubos. Salamat talaga.” Reply ng nanay ni Carlo.
“Wala ho iyon Mrs. Vicente.” Reply ko naman.
“Napakaformal mo naman.. Tita na lang, Tita Gina na lang.” Text niya.
“Sige po. Salamat din po Tita at may load ako ngayon! Hehe” reply ko at hindi na siya nagreply pa, baka nagpahinga na din.
Kumain na ako ng hapunan. Ako lang mag-isa kumakain, araw-araw ganyan kasi sa ganitong oras eh tulog na si Mommy galing sa trabaho.
Pagkatapos eh naligo na ako bago matulog para presko ang pakiramdam.
^^, Goodnight!
Kinabukasan ay late naman sina Shane at Michael. Anu kaya pinaggagawa ng mga ‘yun palagi nalang silang absent?
Itutuloy...
A Girl’s Story: Chapter 7
Tuesday. This is the day na pinatawag ang parents nila Carlo at Jake. Well, ayos naman ang lahat.
Sabay-sabay ulit kaming maglunch.
Ewan ko lang.. Parang iba ang titig ni Michael kay Jake, ‘di ko maexplain, iba din siya kung makakatitig sa akin. Ay nako!
Naging masarap an gaming kainan hindi lang sa pagkain namin eh kundi na rin sa kwentuhan namin ni Michael, syempre ‘di nawawala ang mga jokes niya na walang palya sa pagpapatawa sa akin, bentang benta lahat samantala sina Jake at Carlo iba ang pinag-uusapan. Ewan, sama-sama kami pero tila hati ang grupo simula ng dumating si Carlo, feeling ko nawala sa akin ‘yung atensyon ni Jake. Hay nako! Pangarap ko, unti unting napapalayo! Andiyan na eh! Pero nawawala pa! Siguro natotorpe lang sa ‘kin, feeling ko ako pinag-uusapan nilang dalawa ni Carlo eh. Haha.
“Sandali. Palagi naman ako ang nagjo-joke eh. Kaw naman!” sabi sa akin ni Michael.
“Ah.. Eh.. Wala akong baon na joke eh.” Sagot ko naman.
“Weh???” sabi niya at pinilit niya nga ako para magjoke.
Dahil sa pagpipilit niya eh wala na rin akong nagawa kundi ang magjoke. Nahihiya ako sa kanya dahil iisa lang ang joke na alam ko at alam kong korni.. haha
“Ano ang gulay na kulay puti?” tanong ko.
“Labanos?” sagot niya.
“Hinde” sagot ko naman.
Nag-isip ng malalim pero walang maisip na masagot.
“Eh ano naman?” sabi niya “Eh wala nako maisip na puting gulay ah! Puro green lang alam ko! Wahaha”
“Edi... PUTIto!” sabay tawa tapos tumawa din siya ang cute lang niyang magsmile, ewan ko ba, parang naattract na din ako sa kanya! TSk3! Di pwede toh! Di ako two timer! :P
“Eh ano naman mas maputi sa PUTIto?” dagdag ko.
“Hahaha!” tumawa siya at sumagot. “Edi, MAS PUTITO”.
Napuno na ngang tawanan ang buong araw pati sa pagdidiscuss ng teacher eh panay joke lang kami. Kaya lumipas ang araw, wala ako masyado natutunan pero ayos lang masaya naman eh! Para sa akin kasi eh, ang purpose ng mabuhay ay ang maging masaya araw-araw, yan ang paniniwala ko.
Patuloy lang sa pagdi-discuss mga teachers pero nakikipagdaldalan lang ako sa mga katabi.
Uwian na!
As usual, ako lang mag-isa uuwi. As usual, katext ko pa din si Michael.
“Bukas ah? 6:15am, kita tayo sa STL Building.” Text ni Michael habang papauwi na ako.
“Anung meron.” Reply ko.
“Basta.” Text niya.
Nagtaka naman ako, ano’ng meron sa STL Building. Weird, naisip ko na lang baka naman hanggang ngayon naamaze pa siya sa mga facilities ng university. LOL
Bago matulog ay nagfacebook muna ako.
ADD AS FRIEND: Hinanap ko sina Michael, Jake at Carlo.. Pati na rin yung iba naming kaklase..
ACCEPT FRIEND REQUEST: Mga ibang kaklase ko at yung iba di ko kilala. Inaccept ko lahat :P
And lastly... GAMES!!!
Kinabukasan...
Bilang napag usapan namin ni Michael pumunta ako sa STL Building.
“Andito nako sa STL Building.” Text ko kay Michael.
“Akyat ka sa rooftop.” Reply niya.
Mag-eelevator sana ako kaso ‘di pa pala nakabukas.
Practical joke ba ‘to??? Haha, Papagurin lang ata ako netong mokong na ‘to sa pag akyat!
Kaakyat ko ay naroon siya. Nafeel ko na romantic ang place na ‘to kung sino man magbabalak mag-propose.. haha pero ganun pa man, pinagbwisitan ko si Michael. Napagod kaya ako pag-akyat.
“Oh anong meron dito?” tanong ko na pabwiset.
“Ano ba ‘yan? Wala man lang bang Good Morning?” sabi niya sabay pakawala ng ngiting nakakalusaw.
“Oh Good Morning na!” sagot ko naman. “Oh ano na?”
“Good morning din my baby” sabi niya.
Hala! Baby??
“May bibigay lang sana ako.” Dagdag niya at may dinukot siya sa bulsa niya.
“Flowers and Chocolates, for you!” sabay bigay ng isang pirasong SANTAN at isa ding pirasong CHOCO MANI.
“Grabe ka!!! Sabi ko na nga ba eh pagtitripan mo lang ako eh!!!” sabi ko sabay batok sa kanya, loko talaga ang Michael na ‘to. “Pinaakyat mo akong bonggang bongga para lang diyan!?”
“Cute nga eh, unique.” Sabi nga at ngumiti ulit.
“Oo, unique dahil wala ng iba pang gagawa nito sa sobrang pangit ng idea!!!” sagot ko lang pero di naman talaga ako nabwiset, nadisappoint lang siguro, iba kasi ineexpect ko eh. Kala ko.. Ah.. Eh... Hahaha
“Siyanga pala, patingin ng assignment mo sa English, compare ko lang sagot natin.” Sabi niya.
Hala!!! May mga assignments at quiz pala kami ngayon!!!? Nakalimutan ko! TETRIS BATTLE kasi eh! Kakaadik lang :P (Sinisi pa tetris battle eh nuh?) at nagpanic ako dahil wala naman akong alam na assignment. LOL
“Hala! ‘Di ko nagawa! Nakalimutan ko!” sigaw ko lang.
At ayun, minadali na lang namin gawin. Pinagsulat niya ko, samantalang ako binasa ko ‘yung book.
“Basahin mo pa din kahit pangsasagot kita ng assignment. Malay mo magtanong si teacher natin katapos wala ka masagot. Ba’t kasi inuna pa facebook eh” Sabi niya.
“Opo tatay!” sagot ko. Parang tatay lang kasi kung makasermon.
Saktong 7:00am “Tapos na!” sabi ni Michael.
At dali dali kaming pumunta sa silid-aralan namin dahil oras na!
“Oh ba’t latena naman kayo?” text ni Jake.
“Nakalimutan ko kasi gumawa ng assignment kaya ginawa muna namin.” Reply ko.
“Assignment? Bukas palang kaya ‘yung mga yun! Wednesday pa lang po kaya.” Text niya.
Napaisip ako.. Oo nga nuh?
“Ay! Oo nga pala, tsk3, Michael kasi eh.” Reply ko.
“Ayan, ‘di kasi kayo nakikinig pag discussion eh.” Text niya. Hala! Nasermunan na ako kay Michael kanina ngayong sermon na naman kay Jake. Anu ba yan?! LOL :P
Itutuloy...
2 Comments
May nagkakadevelopan na :D
ReplyDeleteExciting na siya :)
kinikilig ako kay shane at michael. natatawa ako kay jake at carlo. napaisip ako kay mr. gomez, may tumawag sa kanya na maam pero di nya pinansin. haha.
ReplyDelete