Another Boy’s Story: Chapter 3
Written by Jordan Dula
Enjoy! :D
***********************************************
Friday noon nung pumunta kami kina Michael para tumambay, first time namin ‘tong pupunta sa bahay nila pero ‘di daw makakasama si Shane dahil sa may aasikasuhin daw siya.
Dahil sa wala ang presensiya ni Shane ay inakbayan ko si Michael para iparamdam ang presensiya ng isang tunay na kaibigan na lagi lang andito para sa kaniya. Ramdam ko ang lungkot ni Michael ngayong araw na ito, ewan ko ba, mukha siyang sobrang depressed.
Pero makalipas ang ilang sandali nung makarating nakami bahay nina Michael ay tila naipasa lahat ng sakit ng loob ni Michael sa akin dahil sa wala si Shane ay napunta ang buong atensiyon ni Jake kay Michael at naramdaman kong tila naitapon ang isang kaibigan sa kung saan lang dahil sa may ibang taong mas importante sa kanya. Alam ko naman na gusto ni Jake si Michael ng sobra kahit hindi niya ito sabihin pero hindi ko lubos matanggap sa sarili na ako yung bespren katapos para lang akong hangin na ewan, out of place =( . Siguro hindi lang ako sanay na wala sa akin ang atensiyon ni Jake pero ang sakit sakit, solid.
At nung oras na pauwi na kami, may ibinigay si Michael kay Jake, isang stuff toy. Nang mga oras na iyon ay nakita ko ang kagiliwan sa mga mata ni Jake pero sa hindi ko malamang dahilan ay sumakit ang aking dibdib, parang dinurog, ewan ko ba, ganito nga ba dapat maramdaman ko sa isang matalik na kaibigan kapag nalalapit ang loob nito sa iba? O, mahal ko na siya higit pa sa isang matalik na kaibigan? HINDE! Hindi maaari, lalaki ako, alam ko sa sarili ko iyon! Gulong gulo ang isip ko, wari’y di maiproseso ng utak ko ang nadarama ko, ang pintig ng puso ko, at bawat hininga ko. Wala ako sa sarili kaya naging tahimik ako sa aming paglalakad, pero nang oras na iyon ay parang may gustong isigaw ang puso ko na di kaya ng bibig ko pero di ko alam kung ano.
Pagkauwi ng bahay ay isinantabi ko ang cellphone ko. Di ko to binigyan pansin dahil sa gusto kong mai isolate ang sarili ko, hanapin ang sarili, alamin kung ano, sino, paano na ako?
Sa aking pag iisa sa aking silid at ballot ballot ng buong katahimikan ay napag desisyunan na ng aking isipan kung ano ang aking tunay na kagustuhan at nararamdaman at may naisip akong gagawin kinabukasan para dito.
Kinabukasan. Tila masaya ang gising ko at ako’y nagagalak sa aking gagawin ngayong araw na ito. Ang araw ng pagtatapat. Araw ng paglalabas ng damdamin sa puso ko na gusto ng sumabog.
Itutuloy…
2 Comments
bitin naman.l next chapter pls.. :)
ReplyDeleteNxtpart n,ahihihi..,bitin ang story,tsk.
ReplyDelete